CHAPTER 21

518 18 3
                                    


Sierra

Pagpasok ko sa condo ay si jace agad ang bumungad sakin hawak nito ang cellphone niya at mukhang may kausap kaya dumiretso nalang ako sa kwarto ko.

Humiga agad ako sa kama pagpasok palang ng kwarto. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala namang ginawa nagpapasalamat nalang talaga ako dahil hindi nag utos ng kung ano ano yung demonyo. Tahimik ang buhay ko kanina.

Ilang minuto muna akong nahiga bago bumangon at nagbihis. Simpleng black sando at cotton short lang ang suot ko.

Pagbaba ko naabutan kong nanonood ng netflix si jace kaya tinabihan ko siya.

"WHAT THE F*CK!" Nagulat ako sa biglaang pag sigaw ni jace kaya naibato ko sakanya ang unan. anong problema nito?

"Bakit kaba sumisigaw?" mahinahong tanong ko.

"Eh bakit kasi bigla ka nalang sumusulpot? hindi ko alam na nakauwi kana pala hindi ka man lang nagsabi!" inis niyang sabi sabay pitik sa noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tyaka bakit hindi ka sakin nagpasundo?" tanong niya.

"Dala ko yung ducati diba? tyaka alam kong maraming inuutos sayo si daddy" Sabi ko dito.

"Kanina kapa ba nakauwi?"

"Yup kani-kanina lang may kausap ka kasi sa phone kaya hindi na kita inistorbo" Kumuha ako ng chips sa ibabaw ng table at kinain yon. maganda 'tong pinapanood ni jace wrong turn yung mga panget na brutal pumatay then kinakain nila?

disgusting.

"It's your brother" Si kuya? ano namang kailangan non at tumawag pa talaga kay jace?

"Oh ano sabi?" tanong ko habang ang mata ay naka focus sa pinapanood. ang tanga naman non tatakbo nalang nadadapa pa, ito mahirap sa mga horror movie eh.

"He wants to visit you in your school namimiss kana raw" no way.

"No. Sabihin mo sa kanya wag na wag siyang magpupunta sa school malalagot kamo siya sakin" last na punta niya sa huling school na pinasukan ko ay nag hasik siya ng kalandian.

"But lex kilala mo kuya mo hindi nagpapapigil yun like you" Usal nito at kinurot ang ilong ko kaya tinapik ko'to."Mukang may importante din siyang sasabihin sayo. Sabi ko sa kanya ako nalang magsasabi ng sasabihin niya sayo pero ayaw niya sabihin sakin.Mas maganda raw kung siya ang magsasabi." ano naman kaya yon?

Nako kapag nag hasik lang talaga siya ng kalandian itatakwil ko siya bilang kapatid. Minsan ako pa yung nilalandi tinatawag pa akong baby kaya minsan i mean palagi ko siyang nabubugbog. Of course my kuya will fight back kahit na babae ako kaya lagi kaming nasesermunan ni dad lalo na siya dahil pinapatulan pa raw ako.

"Jace nag luto kana? I'm hungry" Sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya kaya naramdaman kong mahina siyang natawa.

"I cooked your favorite food" agad akong napatayo sa sinabi niya at tumakbo papuntang kitchen narinig kopa ang pagtawa niya sa living room kaya napairap ako.

omgee my favorite sinigang na baboy!

"Let's eat na" Sabi ko at naglagay na ng pagkain namin sa plato. Inuna kona yung kay jace bago sakin dahil alam kong gutom nato hinintay lang talaga ako makauwi.

"Excited huh?"

"It's my favorite kaya!" Sagot ko. agad kong nilantakan ang pagkain. Napapikit pako sa sarap ng luto ni jace hindi to sobrang maasim kaya nagustuhan ko.

"The best ka talaga jace. i love you!" Masiglang sabi ko dito. Nag thumbs up pako sa kanya at ngumiti ng malaki. lumalabas talaga ang kakulitan ko kapag siya ang kasama ko.

Crimson Academy: The Only Girl In Last SectionWhere stories live. Discover now