CHAPTER 17

537 14 0
                                    


Kale

Papunta na kami ngayon sa club ni trav para icelebrate yung new car ko.Si travis talaga ang pasimuno nito sayang naman daw kasi kung hindi icecelebrate  yung pagkakaroon ko ng dream car ko.

Actually pinag iipunan ko talaga yun. Gusto ko nga sana ako mismo bibili at sariling pera ko ang ipangbibili ko nun pero naunahan nako ni ninang esme. She really love to spoil us lalo na si sierra dahil si sierra ang pinaka paborito niya sa mga inaanak niyang babae at ako naman sa lalaki.

It's been a year since we last saw ninang esme dahil inasikaso nito ang fashion show niya sa paris. Our ninang is a famous fashion designer while her husband, Our ninong is a business man kaya lagi silang busy pero nabibigyan parin naman nila ng oras si Caleb their 5 year old son.

Caleb is a sweet and smart boy diretso na magsalita at mas matured pa nga yata mag isip kesa kay archer.

Diretso lang ang pasok namin sa loob dahil kilala na kami dito sa club. Maganda itong club ni trav dahil hindi masyadong wild ang mga tao dito at dim lang din ang ilaw hindi masakit sa mata.

May second floor itong club nandon lahat ng vip room, doon ang punta namin ngayon nag reserved na ng room si trav para samin siya ang may ari kaya madali lang kami makakuha ng vip room.

Sa first floor nandon naman siyempre ang stage para sa mga gustong kumanta at ang mga banda mayroon ding dance floor at ang mga alak.

Pagpasok namin sa vip room nakahanda na ang mga alak at pulutan kaya umupo na kaming lahat sa couch.

"Woohooo let's start!!!" Sigaw ni max. Hindi naman siya halatang excited no?

"Seryoso ba to? Devil Springs Vodka?!" bulalas ni ethan.

"Dude chill it's just a vodka"Anas ni trav.

Just a vodka?! eh putcha baka hindi na kami makapasok bukas kapag ito ininom namin. Over 70% alcohol to kaya paniguradong bagsak kami nito.

"Wag mo 'kong machill chill travis dahil paniguradong hindi tayo makakapasok kinabukasan nito 5 bote yan oh!" asik ni
ethan.

"Isang bote palang niyan paniguradong bagsak na tayo"

"Wala bang iba trav?"Tanong ni archer.

"Bakit nagtatanong ka bata? hindi ka iinom ito sayo yakult" sabi ni trav sabay hagis kay archer ng isang balot ng yakult.

"Hoy hindi nako bata!" asik ni archer. hinagis niya naman pabalik kay travis yung yakult. Nagsisimula nanaman sila.

"Anong hindi? bata kapa hoy supot kapa nga HAHAHAHAH" pang aasar ni travis.

"Ikaw lang ang supot dito mas malaki pa'to kesa dyan sa kikiam mo!"

"Ulol anong kikiam pinagsasabi mo diyan?! hindi moba alam na maraming babae ang napapatirik nito?"

"Anong napapatirik hendrix?" inosenteng tanong ni archer.

"Tigilan mo nasi archer travis inosente pa yan pagdating sa ganyan" Saway ni elliot nagtaas nalang ng kamay si trav bago buksan yung bote ng vodka.

inosente pa talaga si archer pagdating sa mga ganyang bagay hindi kasi namin tinuturuan kahit mga siraulo kami.Ayaw namin na madumihan ng kalaswaan ang utak niya.

"Hindi naman siguro natin uubusin 'tong lima no?" tanong ni khalil.

"Hindi. May pasok tayo bukas kaya wag kayo masyadong magpakalasing" Sagot ni hendrix kaya sinimulan na namin ang inuman.

Lumipas ang kahalating oras na puro kwentuhan lang ang ginawa namin habang umiinom walang mga babae ngayon dahil pinagbawal ni hendrix kami kami lang muna daw.

Crimson Academy: The Only Girl In Last SectionWhere stories live. Discover now