CHAPTER 15

550 12 2
                                    


Sierra

Breaktime na at nandito kaming lahat sa cafeteria. Oo lahat kami ewan ko ba sa mga to bakit sumama sakin ang iingay pa. Walang humpay sa kakadaldal si archer, si max pasimpleng landi sa ibang babae dito, si kale kinukulit ako at yung iba may sari-sariling mundo.

"Hey sierra are you okay? kanina kapa tahimik may problema ba?" Tanong ni kale kaya napatingin ako sa kanya.

"Yeah I'm fine iniisip ko lang yung gulong nangyari kanina" Sagot ko dito.

"Crimson Triad" galit na usal niya kaya nagtaka ako dito.

Crimson Triad? what's that?

"Crimson Triad?"

"Yes, yung nanggulo sayo sila ang tinatawag na crimson triad.Mahilig talaga silang mambully ng mga transferee at mahihina dito"

"What a lame group name"usal ko kaya napatawa naman ang ibang kasama namin.

Bakit kaya hindi nawawalan ng bullies ang mga school?

"Oo lame talaga sierra babes pero bagay naman sa kanila yung group name nila" sabi ni archer na sinangayunan ng iba. napairap nalang ako sa pagtawag niya sakin ng "sierra babes" okay na yung sierra dinagdagan pa talaga ng babes.

"Ngayon lang naman sila nang trip ng ganito"usal ni khalil kaya napatingin kami sa kanya.

"What do you mean na ngayon lang? eh diba sabi niyo nga mahilig talaga silang mambully ng mga transferee?" Takang tanong ko naman dito. ang gulo naman kausap ng mga to.

"What i mean is yung pananakit nila sayo at panghaharass hindi naman sila ganyan dati sa mga babaeng napagtitripan nila" Paliwanag ni khalil.

"So sakin lang nila ginawa yon? but why?" tanong kopa. nakakapagtaka kasi bakit sakin lang? like bakit ako? anong ginawa ko sa kanila? weird talaga ng mga students dito.

"Yun nga ang hindi ko maintindihan eh pero tingin ko dahil yun kay audrey" sabi ni khalil.

"Who's audrey? wala akong kilalang audrey" tanong ko.

"Right. hindi mo nga pala sila kilala"

"Yung babaeng kasama nung dalawa kanina yun si audrey yung lalaking humawak naman sayo ay si william at yung tahimik na lalaki yun si lance sila." paliwanag ni khalil.

"Magpipinsan ang mga yon kaya pare-pareho takbo ng utak"

Ah so lance pala ang pangalan niya? I don't know kung tahimik lang ba talaga siya or inoobserbahan lang ako parang ganon kasi siya base nadin sa maririin niyang tingin na parang hinahalukay buong pagkatao ko.

"Okay? so audrey is the name of that girl huh" She has a cute name but her attitude? dili nalang ako mag talk.

"Sabi mo khalil na dahil kay audrey kaya ako ang pinagtitripan nila diba? bakit?" tanong ko. "Wala naman akong kasalanan o ginawa sa babae nayon" dagdag kopa.

"Ah yeah, because audrey hates girl who's more beautiful than her"

"Tama si khalil, takot kasi malamangan yung babae nayon kaya pinagtitripan ka, pero sabagay kahit ako naman siguro maging babae tas ganyan ka kaganda baka mainis ako sayo tse" usal ni archer umirap pa ito at hinawi ang imaginary long hair niya.

"Pero pre pansin niyo ba ang tahimik ni lance kanina?" Biglang tanong ni max.

"Oo nga no? Kanina ko lang din siya nakitang tahimik tapos titig na titig pa kay sierra"

Napansin din pala nila yung pag titig sakin nung lance.

"How old is he?" Tanong ko. Lahat naman sila napatingin sakin at mga nakakunot ang noo.

Crimson Academy: The Only Girl In Last SectionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant