Chapter 4

58 3 0
                                    


Clutching a phone in her hand while walking back and forth on the living room in their dorm like a crazy person, Irene can feel something bad is about to happen. It's a sensation that creeps up on her like a shadow, enveloping her with an uneasy aura. 


and it doesn't feel right..


“Unnie pwede bang huminahon ka at umupo ka muna rito sa tabi namin.” aniya ni Wendy na kanina pa pinagmamatiyagan ang mga kilos ng kanyang unnie.


“Bakit hindi na nila sinasagot yung tawag ko, anong oras na. Seungwan pakitawagan mo nga ulit yung dalawa.” sabi pa ng nakakatandang babae.


Nagkatitigan na lang si Joy at Wendy sa biglang pag iinakto ng kanilang unnie.


“Unnie halos kakatawag mo lang kanina, for sure pauwi na yung dalawa. Nagsabi na rin naman sila sayo, wag ka na mag alala diyan.” dagdag pa ni Joy.


But today it's different, Irene can't shake the nagging sense of foreboding when she called Yerim earlier and heard her voice like someone is gripping her chest. Kaya ganun na lang niya kagusto pauwiin ito kanina kahit alam niyang hindi siya papakinggan nito.


and she doesn't really like this feeling..


Inalalay naman ng dalawa ang kanilang unnie para paupuin ito, alam nilang sobrang nag aalala lang ito sa dalawa. Pagkatapos kasi maghanda ito ng dinner nila kanina ay bigla na lang nag iba ang kinikilos nito na para bang hindi mapakali.


“Okay unnie, ako na ang tatawag. Maupo ka muna rito dahil nanginginig ka.” aniya ni Wendy na hinawakan naman agad nilang dalawa ni Joy ang kamay ng kanilang unnie at napatitig na lang sila ng maramdamang malamig iyon.


“Relax ka lang unnie.” nag alala ng wika ni Joy.


The sound from Wendy's ringing phone stratled them.


“Oh it's manager oppa, sagutin ko lang to.” aniya ni Wendy at saka ito tumayo para sagutin ang tawag sa kanya.


“Hello oppa—” Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Wendy ng marinig niya ang tunog ng ambulance sa kabilang linya.


Wendy's heart raced as she heard the sound of their manager's trembling voice. 


“Ikaw ang tinawagan ko at baka hindi kayanin ng Irene unnie mo to.” panimula sambit ng lalaking nasa kabilang linya.


Napatingin agad siya sa gawi ng kanyang members at nagtatakang nakatingin lang ang mga ito sa kanya at nag aabang kung anong sasabihin ng kanilang manager. Hindi siya nagsalita at pinakinggan lang ang kausap sa kabilang linya.

Hello, Sunset | YereneWhere stories live. Discover now