Wattpad Original
There are 2 more free parts

Kabanata 1

21.2K 488 144
                                    

Kabanata 1

Zahrah

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"C-Clyte?"

Tumitig ako sa lalaki, ang asul niyang mga mata ang kaagad kong napansin. Umawang ang labi ko para sana magsalita nang naglakad siya palapit.

Napaatras ako at humugot ng hininga. He stopped in his tracks, his watering eyes still watching me like a hawk.

"Sorry," I pursed my lips and tilted my head. "Do I know you?"

His mouth parted and opened again. Ang mga mata niya'y napunta sa katawan ko, sa mga braso ko pabalik sa mukha ko pero 'di ako nakaramdam ng takot.

But he's still weird.

"Sorry, do I know you from before?" I asked, leaving him gaping at me.

"Are you..." He closed his fist and hid it on his jeans. Mukha siyang nalilito, parang nakakita pa ng multo. "You don't know me?"

Umiling ako, nakatitig pa rin sa kanya.

Matangkad at matipuno. Kahit simpleng turtleneck na dark blue lang ang suot ay mukha na siyang mamahalin at may sinasabi sa buhay. Matikas, malinis ang maikling buhok at kitang-kita ang pagkakaporma ng panga.

He stepped forward. I gasped and hugged the books more.

"Don't." Umiling ako at wala siyang sinabi, itinigil ang paglapit.

"I'm sorry," he breathed, magpaghanap ang mga mata. "I just thought I've... I've seen you before..."

"Oh." I nodded, my heart pounding and I wasn't sure why. "Maybe you've seen me before. Pero 'di kita kilala, Sir. Sorry."

Hindi siya umimik. Nanatili siyang nakatitig sa akin, tila sabik na hindi ko maintindihan.

"Are you from here?" biglang tanong niya, ang palad ay inaayos na ang turtleneck niya sa may leeg, tila 'di makahinga sa damit.

My heart fluttered again. Sumulyap ako sa guards sa hindi kalayuan pabalik sa kanya. I caught him glancing at my guards, too, then back to me.

"Your guards?"

I nodded, hugging the books more.

Naalala ko ang bilin nila sa 'kin. H'wag na h'wag daw makikipag-usap sa 'di kilala dahil maraming kalaban ang Daddy.

"Yeah, uhm, I'm around here," I answered quickly, "but sorry I can't say more. You should leave before the guards come."

Umawang ang labi niya at akmang hahawakan ako pero binawi niya rin kaagad at humawak sa kanyang batok. Ang mga matang asul ay kagaya ng kanina, kumikislap.

He looked sad, longing? I don't know.

"Ma'am Zahrah?" When I heard the guards calling, I let out a small gasp and turned my back to him to give the books to the lady.

"Kukunin ko na po," sinabi ko at habang binabalot niya 'yon ay siya ring pagdating ng guards.

"Ayos lang kayo, Ma'am?" ani ng guard. "Sino 'yong kausap n'yo?"

"Ah, he's..." Lumingon ako para ituro ang lalaki pero wala na 'yon sa pwesto niya kanina.

I stopped.

Weirdly enough, I felt a hollow part in my chest knowing he was gone. As if something filled the cracks and vanished again, leaving me empty.

Umiling ako sa guard. "Nawawala lang, nagtatanong ng direksyon."

Withered RosesWhere stories live. Discover now