CHAPTER:27

574 28 0
                                    

HALE POV:

"Miss hale? okay lang po ba kayo?"Napatingin ako kay hara nang tanungin ako nito.Kanina pa pala ako naka-tulala habang nakatingin sa kaniya.

Simula nung nangyari kahapon hindi na siya na wala sa isip ko.

Kinagabihan umalis siya, hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta.Late ko na nga nalaman na nakaalis na pala siya.

Akala ko ba siya ang mag babantay sakin tapos aalis siya ng walang paalam.

"miss hale?"Ulit na tanong ni hara.

"Okay lang ako hara"sagot ko sa kaniya nandito kami sa kwarto ko ngayon na kaupo ako sa kama habang si hara nasa harapan ko na nakaupo sa upuan.

"Akala ko kung na pano kana, kasi kanina ka po nakatulala sakin."Sabi nito umiling naman ako saka nakibit balikat.

"May iniisip lang ako."Sabi ko dito pinanliitan naman ako nito ng mata.

"Si oliver po ba?"Tanong nito sakin na ikinatigil ko.Agad naman akong umiling sa kaniya.

"Hindi ah! Bakit ko naman siya iisip!"Tanggi ko sakaniya.

"Ang defensive niyo naman po."Sabi nito at nag pansin kung nag pipigil ng tawa.

"Hindi naman talaga kasi siya!"Sabi ko dito tumango tango naman siya sakin.

"okay sabi mo po eh"Sagot nito umiwas naman ako ng tingin.

Bakit ko ba kasi iniisip yun, eh hindi nga siya nag paalam sakin.

Umayos ako sa pag kakaupo at tumingin kay hara na pasimpleng tinitignan ako.

"Nahanap na ba nila si kate?"Seryosong tanong ko dito, kaya agad naman siyang napatingin sakin.

"Hindi po pala kayo na sabihan ni young master harry."Sabi nito napangiwi naman ako sa narinig ko na pangalan.

Talagang hindi ako sasabihan nun, ang laki ng galit sakin nun eh.

"Ano bang balita?"Tanong ko kay hara.

"Nahanap na daw po siya ni Young master lucas nung araw na yun."sabi nito sakin.Buti naman at naabutan pala talaga ni lucas yung mga yun.

"Buti naman, Eh bakit nga pala wala pa sila dito sa bahay?"Tanong ko dahil ni isa sa kanila.Hindi parin nakakauwi dito sa bahay.Ako at ang mga taga bantay ko at pati narin ang kasambahay ang nandito.

Kung nahanap na nila si kate diba dapat umuwi na sila.

"Si kate po kasama parin ni young master lucas hanggang ngayon."Sabi nito sakin naipinagtaka ko.

"Bakit naman?"tanong ko sa kaniya.

"Nung nalaman po kasi ng ama niyo na nahanap si young master lucas si kate.Napag pasiyahan niya na dun nalamang si kate sa puder nila para na din sa kaligtasan din nito."Paliwanag nito sakin.

Kayang kaya niya naman protektahan yung anak niya bakit sa iba niya pa ipagkakatiwala.

"Pwede naman dito sa bahay si kate ah"sabi ko dito umiling naman ka agad siya.

"Para sayo lang po ang mga taga bantay miss hale, isa pa po wala sila ng ama at kuya mo dito sapagkat may inaasikaso silang importanting bagay."Sabi nito napabuntong hininga naman ako.

Kaya pala so bali makukulong talaga ako sa pamamahay na to o baka pwede naman lumabas?

"Maari ba akong lumabas hara?" Tanong ko dito agad naman siyang umiling.

"Bawal miss hale"Sabi nito agad naman akong nainis sa narinig.Gagawin ko dito sa bahay nato ang boringgg!!

"Gusto kong lumabas hara."Sabi ko sa kaniya pero sunod sunod siyang umiling sakin.

I Got Reincarnated Into a Mafia WorldWhere stories live. Discover now