02

81 4 0
                                    

Nagkwento saakin si Eya ng problema nya at nagulat ako sa sinabi nya.

Wala sya sa tabi ng tatay nya nung namatay ito kaya sobrang nag sisi sya, dahil lumayas daw sya sa bahay nila nung mangyare yon.

Lumayas sya dahil hindi nya daw kinaya ang mga masasakit na salita ng step mother nya sa kanya.

Hindi nako nag tanong ng kung ano ano dahil alam kong mabigat yon sa loob nya at masaya na din ako dahil nag open up sya saakin.

Sinubukan ko syang pasayahin nung araw nayon at hindi ko alam kung anong nangyare sakin dahil hindi lumabas ung pagiging torpe ko ung time nayon, siguro dahil yun sa gusto kong pasayahin sya.

Tinawagan ako ni Drei at tinanong kung nasaan daw ba kami at sabi ko bumili lng ng inumin, hindi ko nadin kinwento kay drei ung nangyare.

Pumunta na kami sa Loob ng concert at hinanap si Drei.

Bago matapos ang concert nag paagaw ng drumstick at pick ung banda at saktong ako nakakuha ng drumstick.

Binigay ko kay Eya yung Drumstick na nakuha ko, para din sumaya sya, alam ko kasi Favorite band nya ung December Avenue.

Lumabas na kami ng Venue at kumain nlng sa Mcdo and after nun nakita namin ung iba naming kaklase kaya nagkayayaan na dumeretcho bahay nung isa naming kaklase at mag inom.

Tumanggi ako dahil hindi naman kasi ako nag iinom ng alak, hindi ako nag bibisyo.

Hindi rin sumama si Eya kaya kaming dalawa nlng ang natira, sasabihin ko sana na umuwi nlng kami pero bigla nya akong inaya mag Arcade.

Pumunta kami ng Tomsworld at nag laro ng kung ano ano, nakakuha ako ng teddy bear sa claw machine at shempre binigay ko sakanya.

Nakita ko yung ngiti nya nung binigay ko sakanya ung teddy bear.

Nagulat ako dahil sa ngiti nya Sobrang ganda nya, Ngiti nya ang pinaka maganda na nakita kong ngiti sa buong buhay ko.

Natapos na kami mag laro at pauwi na kami nang may biglang lumapit saamin.

"Hi eya long time no see kamusta ka?"

"J-jaspher?" gulat na sagot nya.

"Ok lng naman ako" pahabol na sagot ni eya

"Good to know" jaspher said.

"Btw eya sino sya?" Pahabol nyang tanong.

Tinignan ako ni Eya sa mga mata ko at bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Ahh Yuki nga pala Boyfriend ko" Eya said

Nagulat ako sa sinabi nya at pinisil nya ang kamay ko, halata namang gusto nyang makisakay ako sa trip nya.

"A-h-Ah yes im Eya's boyfriend and you?" Sabi ko

"Jaspher, ex boyfriend" sabay tingin ng masama

Bigla akong hinila ni eya papalayo sa ex nya at nung makalayo na kami nag paliwanag sya sakin.

Ayaw daw syang tigilan ng ex nya kahit anong pakiusap nya, at sakto daw nung nakita kami kanina ay magkasama kami kaya naisip nya yun.

"Sorry talaga Yuki" sabi nya

"Ok lng yon" sabi ko

Umuwi na kami.

Nagpatuloy lng kami sa paglalakad, malapit na kami sa bahay nila.

Habang naglalakad kami bigla ko lng napansin na Magkahawak pala kami ng kamay.

Binitaw ko agad ung kamay ko at humingi ng tawad sakanya.

"S-sorry diko napansin" sabi ko

"Ayos lng yun wag kang kabahan HAHAHA" sabi nya sabay hampas sa braso ko

Nakarating na kami sa bahay nila, at nagulat ako sa sinabi nya.

"G-g-gusto kita" pabulong nyang sabi.

"Ha? Ano?" I pretend na hindi ko narinig.

"Ahhh wala yonn sge na bye na" sabi nya

"Kita kits sa school bukas" pahabol nya.

Umuwi nako at hindi makapaniwala sa narinig ko, o baka guni-guni ko lng yon

I Secretly Like YouWhere stories live. Discover now