06

55 3 0
                                    

Lumipas ang mga ilang araw, Dumating na ang birthday ni Eya at nag celebrate kami ng mama nya at ng tita ko sa bahay namin, at niregaluhan ko sya ng Necklace buti nga mabilis ang Pag dating ng order e, akala ko matatagalan pa.

Natapos ang Birthday ni Eya.

Kinabukasan pumasok ako ng maaga at hindi muna kami nag sabay ni Eya dahil nag sabi sya sakin kagabi na Malalate sya ng pasok, kaya nauna nako.

Wla naman kaming ginagawa sa room, nag announce lng ang mga teachers na gagawin para sa graduation.

Lumipas ang mga ilang araw at Graduation na namin.

Pinakilala ko si Eya sa mga magulang ko at nagustuhan naman nila sya.

Nag picture kami ng buong family ko kasama si Eya at ung Mama nya.

Magkakaroon ng Party sa School namin after ng graduation.

Natapos na ang graduation at party na, nag bihis lng ako at pumunta na sa venue ng party.

Nag simula na ang party, nakainuman ko si Drei at ang buong tropa namin kasama sina Tres at ung iba pa.

Nakita ko na mag isa si Eya dun sa isang table, at may lumapit sakanyang lalaki taga kabilang section yata yon. At gusto syang isayaw, pero tinanggihan nya ito.

Nag paalam ako kela Drei para mag cr, pero ang totoo gusto ko samahan si Eya.

"Eya anong problema? Nandun mga friends mo oh bat ayaw makisama sakanila?" Sabi ko.

"Ah yun ba hayaan mo nlng" sagot nya.

"Sayaw tayo?" Pag aaya ko sakanya.

Bigla syang ngumiti at pumayag, shett sobrang ganda nyaa.

Nag sayaw lng kami and after namin sumayaw sinamahan ko lng sya at nag kwentuhan kami kung anong gagawin namin sa college.

"Mahal diba nabanggit ko na gusto ko mag Architecture?" Sabi nya.

"Ahh oo why?"sagot ko.

"Ano kase, hindi kaya ni Mama ung Tuition Fee dun sa school namay architecture, and wla ng mahanap na iba pang school na may murang tuition fee" sabi nya

And?

"Nag offer ung tita ko na sya daw mag papa-aaral sakin abroad"

Nagulat ako sa sinabi nya, gusto kong sabihin sakanya na wag syang tumuloy, dahil ayoko na magkalayo kami, pero sayang ang opportunity nayun at isa pa nasakanya ang desisyon at wala akong karapatan dahil sa future nya yun.

"Take the opportunity mahal sayang yun oh at tska Gusto mo maging Architect diba? Go for it support kita" sabi ko.

"Pero mahal ilang yrs yung mawawala satin at ayokong malayo sayo" sabi nya habang umiiyak.

"Shhshh mahal hindi naman ako mawawala eh" sagot ko

"kung iniisip mo na baka ipagpalit kita sa iba? Malabo yun mas malabo pa sa Japan" pahabol na pabiro kong sabi.

"Loko loko ka talaga" Sabi nya habang nakangiti at natulo ang luha at sipon.

"Sawakas ngumiti karin, basta mahal update lng ah, magiging active nako sa social media para sayo hehe" sabi ko.

"At pangako mahal, hihintayin kita pag balik mo mag pakasal tayo ok? "Pahabol ko sabay halik sa noo

Lumipas ang mga ilang araw at ito na ang oras na pag alis ni Eya papunta sa Italy, doon sya mag aaral ng Architecture.

Nag babye na kami sa isat isa at sa huling pagkakataon ay niyakap at hinalikan nya ako sa labi.

Lumipas ang mga ilang araw at hindi parin sya nag chachat sakin.

Bawat minuto chinecheck ko ang cellphone ko, inaantay ko ang chat nya, sobrang namimiss kona sya kahit ilang araw palang nung umalis sya.

Kinabukasan tumunog ung cellphone ko at nakita ko na nag message na syaa at ayun nag kamustahan kami at nag chikahan.

"Mahal alam moba ang ganda ng garden ditoo, mas maganda pa kesa dun sa garden sa school natin" she said.

"mahal pag uwi ko, penge tulips" pahabol nya.

"Sure mahal basta galingan mo dyan ah" sagot ko.

Lumipas ang ilang buwan at napapansin ko na hindi na kami ganun kadalas mag usap, minsan ay twice a month nlng kami kung mag usap.

Pero naiintindihan ko naman yon dahil sa may kanya kanya na kaming buhay at busy nadin sa mga school works.

College na pala ako at kinuha kong course ay Engineering, medyo nahihirapan pa ako pero kinakaya naman.

Lumipas ang mga ilang buwan ay hindi na kami nag uusap ni Eya, Sinubukan ko syang icahat pero hindi padin siya nag rereply, last reply pa nya ay last 2months pa.

Kaya inisip ko na mag focus nlng muna sa Acads ko.

Lumipas ang isang taon at hindi na kami nag uusap ni Eya.

Iniisip ko na baka kinalimutan na nya ako at nag hanap nlng ng bago doon sa italy.

2nd year college na ako at naka survive naman sa 1st year.

Bakasyon na namin at inaantay ko parin ung reply ni Eya.

Nanonood ako ng tv ng biglang mag ring ang cellphone ko, kinuha ko agad dahil nag babakasakali ako na baka si Eya yun.

Pero si Drei lng pala.

"Oh baket?" Pasigaw kong sabi.

"San ka? sama ka inom tayo" pag aya nya.

At dahil wla naman akong magawa dito sa bahay, sumama nlng ako.

Nag punta kaming Bar kasama ung mga tropa namin nung Senior High.

Nag inuman lng kami, pero konti lng ininom ko kasi hindi naman ako masyado nainom at ayoko ng lasa ng alak.

Nag inuman kami nang may biglang lumapit sakin na babae at tinanong kung anong fb ko, pero hindi ko nlng pinansin.

Si drei nlng ang dumiskarte dun sa babae kaya nakaligtas ako HAHAHA

Kinabukasan, habang nag s-scroll ako nakita ko namay concert ang December Avenue sa North Edsa kaya tinawagan ko si Drei kung pupunta sya, Fan kasi sya ng banda nayun.

At sakto naman na pupunta sya, kaya sasama narin ako.

Lumipas ang ilang araw concert na ng December Avenue at may naalala ako dito, dahil sa concert nila naging malapit ako kay Eya.

Nagsimula na ung concert nila at ako nahihilo dahil siksikan ung mga tao, kaya pumunta muna ako sa gilid at dun nlng nanood.

Napatingin ako bigla sa babaeng nasa gilid ko and nagulat ako na parang familiar.

"E-eya?"

"Yuki?"

Biglang tumulo ang luha ko ng makita ko sya, at tinanong ko sya kung anong ginagawa nya dito, at ang sabi nya dito nya na itutuloy ang pag aaral nya.

Bigla akong nabunutan ng Tinik, at sawakas lagi na kami magkakasama ni Eya.

Lumapit ako kay Eya at niyakap sya ng mahigpit, hindi ko napigilan ang sarili ko sa sobrang pagka miss ko sakanya.

Tinanong ko sakanya kung baket hindi na sya nag reply, at ang sabi nya gusto nya daw akong i surprise, buti nlng daw sumama ako kay drei.

Bigla akong nakaramdam ng saya dahil sa sinabi nya.

"Eya ako parin ba?" Sabi ko.

Tinanong ko sakanya kung ako parin ba at bigla nyang sinabayan ung kanta habang nakatingin saakin.

Sa Ngalan ng Pagibig December Avenue.

"Ikaw mula noon, ikaw hanggang ngayon"

Bigla nya akong hinalikan sa labi at sabay sabing.

"Mahal na mahal kita Yuki salamat at hinintay mo ako"




~~~End~~~

I Secretly Like YouWhere stories live. Discover now