🍀Breakfast🍀

82 3 2
                                    


15

Isang katok ang gumising sa kanyang mahimbing na tulog. She tried not to badge at gusto lang baliwalain ang kumakatok, but it was so persistent kaya napilitan syang imulat ang mga mata, kahit pa gustong gusto nya pang matulog. Waking up from this place was still felt so foreign for her. Hindi parin sya masanay-sanay, and maybe never will, kahit panga sabihing ilang araw syang narito sa Hacienda ng mga Mancini still she couldn't used to it.

It always felt like she woke up on a stranger's room, and then everytime she does pakiramdam nya para syang nasusuka dahil sa anxiety na nararadaman. She felt suffocated that it was so uncomfortable sometimes.

"Maam Arabella, I am Anatasia Leberato, your assistant----

"wait!" agad syang napabalikwas.

Mabilis ang naging kilos nya at agad na bumangon mula sa pagkakahiga. She didn't even mind that grogginess she still felt after getting up abruptly. Inilang hakbang nya ang patungo sa pinto ng silid na inuukupahan nya pansamantala sa villa ng asawa. It feels like her batteries were automatically recharge. Hinding hindi sya maaring magkakamali, alam na alam nya ang accent ng babaeng nasa labas ngayon ng silid.

Kung tama ang hinala nya na tulad nya ay isang pinay ito, well then finally may tao nang pwede nyang makakausap sa Villa. Because it seems that pinangingilagan sya ng mga tauhan dito and it's making her feel uneasy. Para bang kalkyolado lahat ng mga kilos ng mga ito.

Walang gustong magkamali that she's having an instinct to be very watchful and vigilant, lalo pa na isang linggo naring wala ang asawa. She felt oddly unsafe inside na hindi nya alam kung bakit. She called about this to their chairman Alley at tulad nya ganito rin ang naramdaman ng kapatid.

"you need to be very careful mia sorella"

Ang huling sinabi ng kanyang kapatid sa kanya.

"Maam---

Nabitin sa eri ang kamay ng kasambahay sa akma sana nitong gagawing pagkatok na naman nang mapagbuksan na nya ito.

"ay..eh..Maam ako po si---

"Manang Anastasia!" nakangiti nyang pinutol ang pagpapakilala nito."i heard you" hinihingal pa nyang dagdag sabi."ikaw si Manang Anastasia"

She was smiling breathlessly and was so excited, para syang nabunutan ng tinik. Agad nyang hinila ang matandang babae sa loob pagkatapos ay sinipat ang hallway kung saan ito nanggaling. Nang nagkaharap na sila nito ng tuluyan, she got even more curious and the same time nagtataka syang may pinay na kasambahay ang mga Mancini. Dahil sa ilang araw na narito sya, lahat pawang mga banyaga ang mga tauhan ng mga ito.

Ngunit ang excitement ay hindi parin nawawala. Sa isang linggo kasi nyang pamamalagi dito Hacienda, ni minsan hindi pa nya nagawang umalis ng Villa, sa kadahilanang wala naman syang makakasama at higit sa lahat mapagkakatiwalaan. Malayo ang mismong Hacienda ng mga Mancini sa mismong City, at ewan ba nya pero inaamin nya sa sarili na natatakot na syang mangyari ulit ang mga nangyari noon sa kanya. Kaya ang isiping may kabayan syang narito para bang nabuhay lahat ng natutulog nyang cells sa katawan.

Sa loob ay agad nyang tinanong ang matandang kasambahay. Napag-alaman nyang matagal na sa Italya ito ngunit umalis sa dating amo sa kadahilanang kailangan nito ang malaking pasweldo dahil sa pamilya sa Pilipinas.

"Maam gusto nyo po bang ihanda ko na ang almusal nyo" magalang na tanong ni Manang. "ba..bago ko po makalimutan ang inutos sakin ni sir" nahihiya nitong sabi at napakamot sa noo.

Napangiti sya sa kaharap. Dahil bago nga ito, kaya hindi nito alam na hindi sya nag bre-breakfast. Pero dahil may kasama at makakausap na sya, she now felt like drinking coffee kaya naisipan nyang paunlakan si Manang.

The MANCINI Flower- CS #2Where stories live. Discover now