CHAPTER 1: FIRST MEET

8 1 0
                                    

ROBYN'S POV

Nababagot ako sa pag-uubos lang ng oras sa wala. Kanina ko pa pinagpipindot ang remote ng TV. Kung saan-saang channel ko inilalagay pero wala pa rin akong magustuhang panoorin. Maya-maya ay nakarinig ako ng yabag na papalapit. Marmol ang sahig ng bahay kaya dinig na dinig ang ingay lalo pa't napakatahimik. Wala namang mag-iingay dito dahil ako at si Constance lang ang narito sa mansion. Bukod sa aming dalawa, wala ng iba pang nakatira dito. Once a week lang pinapapunta ni Constance ang mga house keepers dahil ayaw ko ng maraming tao.

“My Lady, have you heard the news about the model named, Nerea Beaux Suela?” bungad na tanong ni Constance pagkalapit niya. Nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ng mahabang sofa na hinihigaan ko.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin sa halip ay dumakot ako ng popcorn sa mangkok na ipinatong ko sa ibabaw ng aking tiyan at isinubo 'yon. “Hmm?” 'Yon lang ang tanging sagot ko sa kanya dahil hindi ako interesado na pag-usapan ang kahit sinong tao. Nakakaumay na kasi. Araw-araw na lang, kung sino-sino ang binabanggit niya sa akin na hindi ko naman kilala pero kailangan kong tandaan.

“She is a famous international model, My Lady,” dugtong pa ni Constance sa sinabi.

Napakunot na ang noo ko kaya sinagot ko na siya. “Ano ba ang tungkol sa kanya? Paulit-ulit ka. Saka, sabi ko sa 'yo, hʼwag mo akong ini-i-english. Gusto mo na naman bang dumugo ang ilong ko?”

“You have to learn that language. Thatʼs why I have to always speak it for you to be familiarize with it. You should know how to speak and understand other languages too— that is why you need to learn the universal languange.”

“Yon na nga! Ang dami ng laman ng utak ko, gusto mo pang dagdagan! Sukatin mo ang ulo ko, parang lumalaki na dahil sa kung ano-anong inilalaman mo,” inis kong sagot sa kanya pero hindi ko pa rin siya tinitingnan. Nakatuon lang ang mata ko sa  TV.

“By the way, about what I am talking...this model is wearing your design, the pink rose 2829. And people is talking about this dress.”

Nakuha niya ang atensyon ko sa sinabing 'yon. Pero wala pa rin ako sa mood na pag-usapan. “Paano mo naman nasabi na design ko 'yan? Baka mamaya ibang brand 'yan. Nagkatulad lang.” Napabalikwas ako dahil sa naisip kong 'yon.

Hindi pwedeng may gumaya sa mga designs ko!

Naikuyom ko ang aking kamao at tiningnan ko na si Constance. “Design ko ba talaga 'yon?” paninigurado kong tanong sa kanya.

“Yes, my lady. The model said it when a reporter asked her. She said the brand name of the dress,Tallaluh.”

“Oh, ngayon? Ano naman kung bumili siya ng design ko? Tao pa rin naman siya. Malay nagustuhan niya talaga. Okay lang naman 'yon. Saka para naman sa lahat ang mga binibenta sa store. Masyadong maliit na bagay para problemahin mo, Constance. Magrelaks ka. 'Yan ang sinasabi ko sa 'yo, dapat nagde-day off ka rin.”

“My point is, baka dumugin ng fans niya ang store at wala na tayong stock ng dress na 'yon kapag marami pa ang maghanap.”

Nakataas ang kilay ko nang sagutin siya. “Then, sabihin mo sa nga sewers na manahi ng marami. Problema ba 'yon?”

“According to the manager of the store, they received calls from different strangers or seller, they wanted to resell the dresses. I need your decision for this, My Lady.”

Napabuntonghininga na lang ako sa sinabi niya. Dahil lang sa isinuot ng isang sikat na model eme ang damit na 'yon...nagkakainteres na sila? Sakit lang sila sa ulo. “Hʼwag na. Dadagdagan na naman 'yan sa sakit ng ulo ko. Libangan ko lang ang pagde-design ng damit. Nagtatanggal lang ako ng stress kaya ko ginagawa 'yon. Pero hindi ko binalak na makisawsaw pa ang iba. Pabayaan mo na.”

To capture my wife's heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon