CHAPTER 2: ME VERSUS CONSTANCE

6 0 0
                                    

“I want to go home. Pwede mo ba akong ihatid?”

Ilang ulit na um-echo ang salita niyang 'yon sa utak ko. Pilit ko ring pinipigilang lumabas ang ngiti ko na kanina pa gustong kumawala. Sa ikalawang beses niyang pagtatanong saka ako natauhan. Hindi ko alam kung gaano katagal ko na siyang tinititigan.

Nakakahiya!

“Can you?”

“Okay ka na?” balik kong tanong kahit alam kong hindi pa siya ayos. Bahagya siyang tumango. Binuksan ko na ang pinto ng kotse at hinintay siyang sumakay. “Saan ba kita ihahatid?” tanong ko pagkaupo sa driverʼs seat.

Narinig ko pa ang malalim niyang pagpapakawala ng hangin bago sumagot. “Iʼm tired. Gusto ko nang umuwi. Ipapakuha ko na lang sa driver ang kotse ko doon sa restaurant.” Sinabi niya sa akin kung saan siya nakatira.

Parang nagkaroon ng sariling buhay ang kamay at paa ko nang paandarin ang sasakyan. Ewan! Pero...sumaya akong bigla nang malaman ko kung saan siya nakatira. Rumehistro agad sa utak ko ang address na ibinigay niya. May silbi talaga ang ginagawang training sa akin ni Constance. Sabi niya, kailangang matandaan ko kaagad ang mga sinasabi niya at hindi ko pwedeng kalimutan. Nagagamit ko na ngayon ang itinuro niyang 'yon.

“Turn right.”

Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Nakabig ko tuloy ang manibela.

“Iʼm sorry,” usal ko nang makitang medyo nauntog pa ang ulo niya sa sandalan ng upuan.

Gosh! Alam ko na nga ang address pero nakalimutan kong wala pala akong sense of direction. Kapag kasi umaalis ako o kami ni Constance, kung hindi si Constance ang driver, may driver kami kaya hindi ko problema ang pupuntahan. Basta nakasakay lang ako sa kotse at bababa kapag nakarating na kami.

“Stop,” sabi niya uli. Bigla kong natapakan ang preno dahilan para halos sumubsob na kaming dalawa. “Do you really know how to drive?” inis niyang tanong sa akin.

Pilit akong napangiti. “Ginugulat mo kasi ako,” sagot ko. Pero hindi sa akin nakatuon ang atensyon niya. Inayos ko muna ang pagparada ng sasakyan sa gilid ng kalsada. Nakita kong may kung ano siyang tinitingnan sa labas. Napasilip na rin ako. Wala naman akong ibang makita. “Bakit? May problema ba?”

“Baka kasi kay mga paparazzi. Dito na lang salamat sa paghatid.”

Nagulat ako dahil bigla na lang siyang lumabas ng sasakyan. Dali-dali siyang naglakad papunta sa gate. Kaagad naman siyang pinagbuksan ng pinto ng guard matapos niyang pindutin ang doorbell. Nakilala agad siya ng guard kaya hindi na siya tinanong.

Napatingin ako sa mataas na building na may sampung palapag. “Okay. Dʼyan siya nakatira.” Gumuhit muli ang ngiti sa aking mga labi. Pero napawi rin agad dahil nagulat ako nang makitang marami nang nakapaligid na tao sa kotse ko. May mga hawak silang camera. Ang ilan ay kinakatok na ang aking sasakyan. “Bakit? Anong meron?” Napakamot na lang ako ng ulo pagkatapos ay binusenahan sila para umalis. Pero nagpupumilit sila. “Nakakainis! Paano na ako makakaalis dito? Sino ba 'yang mga 'yan?”

Pinilit kong paandarin ang kotse nang paunti-unti hanggang sa maiwan ko na rin ang makukulit na mga taong 'yon.

Pagkauwi ko ng bahay, sinalubong agad ako ni Constance. “My Lady, akala ko ay naligaw ka na. Hindi mo sinasagot ang tawag ko. Ang sabi sa restaurant, umalis ka raw kaagad nang hindi halos nakakain. May problema ba? Hindi mo nagustuhan ang luto? I will fire the chef.”

Tiningnan ko siya nang masama. “Ganoʼn ba ako kasama o ikaw? Nawalan lang ako ng gana bigla. Pabayaan mo na 'yon. Hindi naman mahalaga. May ipagagawa ako sa 'yo,” pag-iiba ko ng topic.

To capture my wife's heart Where stories live. Discover now