CHAPTER 3: I DONʼT CARE!

6 0 0
                                    

Kagaya ng palagi kong sinusuot, nauwi lang ako sa simpleng damit dahil doon ako komportable. Nagsuot lang ako ng white long sleeve polo at black slacks. Sa dami ng sinukat kong damit, ito rin ang naging bagsak. Nagkalat lang talaga ako ng damit sa walk-in closet. Bahala na si Constance na magpaligpit ng mga 'yon. Speaking of Constance...nasaan na nga ba?

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Para akong magnanakaw sa kilos ko dahil ayaw kong makita ako ni Constance. Tiyak hindi ako papayagang umalis noʼn. Para siyang magulang ko sa paghihigpit.

Wala siya?

Wala akong naririnig na Constance sa buong mansion.

Ayos! Hindi ko kailangang tumakas. Normal na pag-alis lang ang gagawin ko.

Pumunta na ako sa garahe at pinili uli ang kotseng ginamit ko kahapon dahil nga paborito ko ang small subcompact car.  Madali lang kasing i-drive.

Dire-diretso akong umalis. Automatic ang magarang gate ng mansion kaya kahit pigilan ako ng mga security guard, hindi nila magagawa. Hindi sila makakahabol sa mabilis kong pagpapatakbo. Napangiti na lang ako nang tingnan ko sila sa side mirror. Napakamot na lang sila ng ulo.

Mukhang ibinilin ni Constance sa kanilang pigilan akong umalis.

Maligawin ako pero nakabisado ko kaagad ang daan papunta sa bahay ni Nerea. Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaroon ng space ang utak ko, nakakapag-save na naman ito ng memory.

Nasa gate na ako ng building ng condo niya nang harangin ng guard. Tinanong niya ang pangalan ko. Pagkatapos ay tiningnan sa log book. Nagbilin siguro si Nerea kaya hindi na niya ako dinaan sa masusing tanungan. Sinabi pa niya sa akin kung anong floor ang condo ni Nerea bago ako tuluyang pinapasok.

“Talagang nasa 10th floor ang condo niya?” tanong ko sa sarili habang nasa elevator.

Pagbukas ng pinto ng elevator hinanap ko na agad ang unit niya. Hindi naman ako nahirapan dahil narinig ko na agad ang boses niya habang papalapit ako. May kasama siyang babae sa loob. Naririnig kong nag-uusap sila.

Pagtapat ko sa pinto ng unit niya ay agad kong pinindot ang door bell. Maya-maya ay nagbukas na ang pinto.

Kumabog uli ang dibdib ko nang makitang nasa harapan ko na siya. Pabango pa lang niya ay langit na. Napakaganda niya sa simpleng damit na suot. Ternong blouse at palda na kulay puti lang 'yon pero sobrang bagay sa kaniya. Para siyang angel. Sabagay, ang mga model ay talagang mahusay magdala ng damit. Sabi nga nila, kahit basahan ang suotin nila ay bagay pa rin.

 Sabi nga nila, kahit basahan ang suotin nila ay bagay pa rin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To capture my wife's heart Where stories live. Discover now