Kabanata 3

51 9 1
                                    

Kabanata 3

Inisip ko noong bata ako na baka masama ang ugali ko. Na baka, pinahirapan ko si Mama ng sobra noong ipinagbubuntis niya ako, na baka masyado kong inapi si Ate George kaya ganito na lamang ang galit nila sa akin.

Ngunit habang tumatagal, ganoon pa rin ang nangyayari. Hindi na ako naniniwalang baka masama ako noon kaya ganti nila ito sa akin.

Hindi ko pa rin maunawaan bakit ganito na lang kung ituring nila ako.

"Buwisit ka talagang bata ka! Ni wala ka man lang pasabi!-"

"M-Mama..kasama ko po ang anak ng amo ko."

Mahinang putol ko sa kaniya sapagkat nakikita ko ang matalim na tingin ni Jerace kay Mama.

Tila doon lamang tumingin si Mama kay Jerace. Nagulat pa ito na may kasama ako. Kabado ako nang tumaas ang kilay ng bata.

"M-Magandang tanghali, senyorita!" Aligagang bati ni Mama sa kaniya.

Napatingin agad kay Jerace. Umismid ito at bumaling agad sa akin.

"Saan ang kuwarto mo, Chenny?"

Bumuntong hininga ako. "Halika, ihahatid kita."

Inalalayan ko siya ngunit mahigpit na hinawakan ni Mama ang braso ko.

"Mag-uusap pa tayo mamaya." Mariing bulong niya bago ako binitawan at ngumiti kay Jerace. "Magpahinga po muna kayo! Maghahanda ako ng pagkain!"

Hindi naman siya pinansin ng huli at kumapit na sa akin. Dumiretso ako sa kwarto ko kung saan halos katabi na ng kusina. Ang maganda at malawak kasing kuwarto ay inilaan para kay Ate George samantalang ang isa naman ay para kina Mama at Papa. Dahan-dahan pa ang paglalakad ko dahil luma na rin ang sahig ng aming bahay.

Nilingon ko si Jerace nang makita ang reaksyon niya na parang nag-aalangan pa. Natawa ako.

"Ayos ka lang?"

She smiled nervously. "Bakit dito ang kuwarto mo? Nakakatakot."

Lalo akong natawa at hindi na lamang siya pinansin. Binuksan ko iyon at bumungad sa amin ang maliit kong silid ngunit malinis naman. Hindi ko alam kung si Mama ba ang naglinis o kung si Ate George.

Pero baka si Papa.

"Pasensya na sa kuwarto ko. Kaya ayaw kitang isama kasi hindi ko alam kung saan kita patutulugin. Maliit ang kuwarto ko eh. Puwede sana kung pagagamitin ni Ate ang kuwarto niya ngunit malabo pa sa blurred iyong mangyari." Nilingon ko siya at kung saan-saan na siya nakatingin.

Nilibot ko naman ang mga mata at nakahinga nang maluwag. Wala akong ibang nakita kundi ang maaliwas naming kisame.

"Psh! Ang dami mong sinabi, wala naman akong pakialam kung maliit o malaki ang kuwarto mo."

Inilapag niya ang maleta sa gilid at umupo sa kama ko. Napanguso ako nang makitang nagsilabasan ang mga gabok doon. Umubo-ubo si Jerace. Agad akong lumapit at hinila siya palayo sa kama.

"Ilang buwan na rin kasi itong hindi natutulugan! Pasensya na, Jerace! Doon ka muna sa malayo, papagpagan ko lang."

"A-Ayos lang! Ano ka ba! Hindi naman ako maarte!"

Nilingon ko siya habang pinapagpagan ang kama. Naawa ako nang makitang pulang-pula ang mukha niya at halos pigilin na ang paghinga. Tinigil ko ang pagpapagpag at bumuntong hininga.

"Ihahanap kita ng hotel sa bayan."

Nanlaki ang mga mata niya. "A-Ayaw ko! Ano ka ba, Chenny? Dito ako tutulog! Ayaw ko sa hotel!"

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now