Kabanata 26

38 4 0
                                    

Kabanata 26

I sighed as I collected myself when the bus stopped at its station. Hanggang dito na lamang ang kayang ibyahe nang sinakyan kong bus.

Sukbit ang may kalakihang bag sa likuran ay tumayo na agad ako kahit na nasa bandang likuran ako nakaupo.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang lungkot nang tahakin ko ang kalsada palayo sa aming bahay kanina.

Nanatiling nakamasid sa akin si Ate George habang naglalakad ako papalayo. Muli ko siyang nilingon at nahabag ang puso ko nang makitang malungkot itong nakatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim at itinaas ang kamay saka kumaway sa kaniya. Unti-unting sumugat ang ngiti sa kaniyang mga labi at sinuklian ang kaway ko.

Hindi ko kasabay si Papa paalis ng bahay, aniya ay sa hapon na siya uuwi, marahil ay pinayagan naman siya ng pamilyang Mendoza na magtagal ng ilang araw.

Tahimik akong bumaba ng bus at wala sa sariling naglakad palayo roon nang may malamyos na kamay ang humawak sa braso ko.

Gulat ko iyong nilingon at unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniya.

"Good morning baby," his baritone voice welcomed me.

"A-Axel.." napanguso ako at agad na yumakap sa kaniya. Humalakhak ito at tinanggap ang yakap ko.

"Aww! Sabi sa'yo, mamimiss mo rin ako!" He chuckled. "Kahit gaano kabilis ang dalawang araw na 'yan!"

Hindi ko napigilan at napahikbi na ako. Nawala ang halakhak niya at agad hinagod ang likuran ko.

"Baby? Bakit ka umiiyak?" Panay ang hagod niya at akma pa akong ilalayo sa yakap ngunit hindi ko hinayaan.

"N-Namimiss ko sina Ate," muli akong humikbi at yumakap sa kaniya ng mahigpit.

"Ang baby ko na 'yan, akala ko pa naman ako ang namiss," he chuckled softly. "Gusto mo bang ibalik kita roon? Ihahatid kita agad,"

Napangiti ako at umiling-iling. Kumalas ako sa yakap at natatawa siyang tiningnan. Nakanguso ito sa akin at mukhang naiiyak na rin.

"Bakit ka naiiyak diyan?"

"Naiyak ka eh," pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga kamay niya.

Napangiti pa ako nang walang sabi-sabi siyang bumaba para halikan ang noo ko.

"Kain tayo?" He wiggled his eyebrows.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Abala na naman ang pamilyang Walkins sa paghahanda para sa darating na bagong taon. Hindi na rin naman ako masyadong pinatulong pa nila Ma'am Kate at Ate Berna, hinayaan nila akong makialiw rin kina Jerace at April na busy na naman kung saan-saang mall.

Nakita ko pa roon sa mall na pinuntahan namin sina Jen at Cha na kaibigan ko roon sa amin sa Batangas. Hindi ako makapaniwalang nakita ko sila roon habang naglilibot.

"Chen! Ang ganda-ganda mo! Lalo kang gumanda ah! Nakakahiyang pala talaga rito sa Maynila?" Si Cha na lalong humaba ang buhok.

"Sakto lang, siguro dahil lagi lang ako sa loob ng bahay," sumenyas ako kina Jerace na mauna muna sila.

Nagtataka pa ang dalawa sa amin pero sumunod rin naman sa iniutos ko.

"Bakit nga pala kayo naparito? Ang layo ng mall na ito ah?" Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

"Grade twelve na kami next school year, nagbabakasali si Inay na makakahanap ako ng school rito kung saan naroon ang kurso kong gusto para sa kolehiyo," sagot ni Jen na tipid ang ngiti sa akin.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now