Kabanata 27

45 6 0
                                    

R18

Kabanata 27

"Alam niyo kayo? Utang na loob! Huwag naman kayong mag-aaya ng video call tapos nakaunan pala kayo sa dibdib ng mga bebe niyo!" Bulyaw ni April sa amin ni Jerace nang makapasok ito sa loob ng silid ng alaga ko, araw ng Sabado.

Pinaalam na ito sa akin Jerace bago pa man dumating ang babae dahil masyado na raw silang burn out sa dami ng gawain, palibhasa kasi ay malapit na rin ang christmas vacation. At isa pa, nasa huling taon na sila sa senior high.

Naiintindihan ko naman sila kahit hindi ako nag-aaral dahil nag-aral din naman ako noon, saka nakita ko iyon kay Axel dati. Ngayon naman ang lalaki ay pa-chill chill pa dahil nasa unang taon pa lang naman sa kolehiyo.

"What's wrong with that, Ape?" Tumawa si Jerace at tinulangan ako sa paghahain ng mga meryenda. "Masama bang ipagmalaki ang mga boyfriends namin?" Tumingin sa akin si Jerace at kumindat.

Nagkibit-balikat lamang ako. "Hindi ko naman ginagawa iyon, kaya bakit kasali ako?"

"Sus! Deny pa! Ikaw na ang reyna ng pagiging indenial, Chenny!" Sigaw ni April at pasalampak na umupo sa kama ni Jerace. "Nakita ko nga kayo sa kotse ni Axel, naghahalikan eh!"

Nanlaki ang mga mata ko at halos ibato ko sa kaniya ang hawak na platito kung hindi lang ako napigilan ni Jerace, pero syempre hindi ko naman talaga ibabato!

"Hala! Mananakit oh!" Panunuya ni April. "Ano? Masasaya ba ang mga halaman niyo ha? Masaya ba kayo na may isa ritong hindi nadidiligan–"

"April Jane!" Iritado kong suway at kumuha ng sandwich saka sinalpak sa bibig niya. "Kahit ganoon ay virgin pa rin ako 'no."

"Me too!" Nagtaas pa ng kamay si Jerace at umupo na rin sa tabi namin.

"Weh? Maniwala sa'yo! Lalo ka na!" Dinuro ako ni April. "Si Axel pa ba? Matinik iyon! Imposibleng hindi ka pa najerjer–"

"Eww! Ano ba 'yang bunganga mo!" Hindi niya na natapos ang sasabihin nang takpan ko iyon.

Nakakapangilabot pakinggan ang mga sinasabi ng babaeng 'to.

"Bakit parang nandidiri ka?" Humalakhak si April at lumingon kay Jerace. "Ikaw ba? Wala pa sa inyo ni Drain? Noong birthday niya, Pinauna niyo pa kami pauwi!"

Mabilis akong napalingon kay Jerace nang namula ang buong mukha nito. Nanliit ang mga mata ko at sinilip pa siya ngunit lalo lang namula ang babae at umiwas ng tingin sa amin.

"Hala!! Sabi ko na eh!" Tatawa-tawang tumingin sa akin si April. "Naisahan ka niyang alaga mo!"

"A-April," suway ni Jerace at hindi na makatingin sa akin. "A-Ano ba kayo..walang nangyari sa amin."

Bumuntong hininga ako at hindi nagsalita. Hindi ko naman kailangan panghimasukan si Jerace sa mga gagawin niya, wala nga siyang say sa mga desisyon ko tapos ako? Mangingialam? Siguro, ig-guide ko siya..pero hindi ko siya kailangang ituwid.

Ang inaalala ko lang ay baka hindi sila nag-iingat, huwag niya naman sanang makasabay si Ma'am Kate sa pagbubuntis. 

"Hindi ka nakaimik? Sus! Hayaan mo na 'yan si Je, Chenny! Malaki na 'yan," balewalang sagot ni April at uminom sa tasa ng mainit na chocolate. "Eh kayo? Kumusta kayo ni Axel?"

"Ayos naman," ngumiti ako at nagkibit-balikat.

"Sus! Mala artista kung sumagot! Hello? Kami lang 'to, Chenny. Huwag kang mahiya!" Tumunog ang cellphone niya kaya mabilis niya iyong kinuha.

Nanliit ang mga mata ko. "Ayos nga, ano pa bang gusto mong malaman?"

"Kung nagjerjer na kayo?" Barumbadong sagot niya habang nagtitipa sa cellphone.

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now