Kabanata 15

36 5 0
                                    

Kabanata 15

Nangunot ang noo ko nang lumapit sa akin si Axel at agawin ang hawak ko. Diretso nitong ininom ang natitirang tubig sa baso habang nakatingin kay Zane.

Napamaang ako. Baso ko 'yon ah. May laway ko na 'yon dahil uminom ako!

"How's Alex?" Si Zane, kumuha ulit ito ng baso at inabot sa akin.

Nakasunod ang mga mata ni Axel sa ginagawa ni Zane saka tumingin sa akin. Hindi man lang sinagot ang lalaki.

"Tara na, ihahatid na kita," aniya at hinawakan ang braso ko.

"Ha? Agad?" Nilingon ko si Zane na kunot ang noo sa amin. "Paano si Alexa?"

"She's okay, hindi na ako kailangan," he said, parang iritado pa.

Nginiwian ko ito. Iritado na naman ang mokong at hindi na siya kailangan.

I looked at Zane. "Una na kami, pasabi na lang kina Mari-"

Hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ay hinila na agad ako ng kutong lupa palabas ng kusina.

"Uy ano ba, kausap ko pa ang kaibigan mo," nahihiya kong bulong dahil sumunod agad si Zane sa amin.

"Tsk, hayaan mo na 'yon. Bakit ba nagpapaalam ka?"

Mabilis ang mga lakad niya, kaya nagtaka tuloy ako kung anong nangyari sa taas. Akma na kaming lalabas ng pinto nang may sumigaw sa itaas.

Napatingin ako roon at hindi nagtagal ay may biglang lumabas.

"Axel! Axel! Nagwawala si Alexa!" Si Mariafe kasunod sila Rhea.

Sabay kaming napatigil ni Axel. Humigpit ang hawak sa akin ng lalaki.

"Puntahan mo na," bulong ko at tumango sa kaniya.

Tumingin ito sa akin. "Ihahatid kita."

Nangunot ang noo ko.

"Hintayin na lang kita, umakyat ka na roon-"

"At sinong kasama mo? Si Zane na naman?" He almost spit those words.

Tumagilid ang ulo ko sa ikinikilos niya. Napatingin kami nang sunod-sunod na yabag ng paa ang narinig.

"Uuwi na sina Axel! Mahiya ka nga, Alex!" Boses ni Maricar. "Pinaandar mo na naman 'yang pagiging makasarili mo eh!"

"You shut up! Wala kang alam, Maricar!" Boses iyon ni Alexa na nanginginig pa.

Tiningnan ko ang katabi nang bitawan nito ang kamay ko at naglakad palapit sa may hagdanan. Napansin ko pa si Zane na nakaakyat na rin pala at kasalukuyang umaatras para alalayan ang dalawang babaeng nagkakasagutan sa may hagdanan.

"So what? Ang alam ko lang naman ay niloko mo si Axel." Tumawa si Maricar. "Kaya bakit ngayon naghahabol ka?"

Napakurap-kurap ako. Namula ang buong mukha ni Alexa, naluluha pa ang mga mata nito at mabilis na tumalikod kaya nagtama ang paningin namin.

Namilog ang mga mata ko at umiwas ng tingin.

"Ax.." si Alexa.

Dinig ko ang inis na buntong hininga ni Maricar at bumaba na ng tuluyan. Kasunod din nila ang apat na kaibigan.

"Mauna na ako, Alexa." Biglang sinabi ng lalaki. "Alagaan mo ang sarili mo."

Nagtaka ako. Akala ko ba, gusto nito makipagbalikan?

Gulat din ang mga kaibigan niya. Nakita ko pang nagtanong si Zane kina Maricar kung anong nangyari sa taas pero hindi siya nito sinagot.

Humakbang palapit si Alexa.

Lost Stars (On-Going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin