第1章

1.3K 49 1
                                    

Elodia

"Oh my god "

Puna ko ,napahawak agad ako sa aking katawan nang mapansin ang hindi Pamilyar na silid. Mula sa pagkakahiga sa malawak at Malambot na Kama Ay napa upo ako. Hinawakan ko ang aking mukha .Itinaas ang aking damit para tingnan kung may bahid ba ako ng kakaibang bagay.

Nakahinga ako nang maluwag ,kahit na hindi ko alam ang Nangyari sa nakaraang oras Ay mukha namang okay ako. Ganon pa rin ang aking suot ,walang kakaiba. Tatayo na sana ako para umuwi nang maramdaman ang sakit sa bandang puson ko .Pagkakatanda ko Ay hindi ko pa naman linggo para sa aking red days.

Hinubad ko ang suot kong pajama para tingnan ang bandang yun ng aking puson .Wala na ng iba ,walang sugat. Para kasing sa Loob nanggagaling ang sakit.

Mabilis song Tumayo at ininda na lang ang kaunting sakit sa aking puson. Kahit na may weird feeling ako Ay pumasok muna ako sa c.r. para maghilamos.

"May toothbrush"

Bulong ko sa aking sarili nang makita ang laman ng c.r. Sa tingin ko Ay nasa hotel ako. Paano ako napunta dito?

Hinila ko ang mga damit na nakasabit,may tuwalya rin at mga iba pang bagay na kakailanganin ng isang tao. Kahit may pagtataka Ay pinili kong maligo .Para akong bata na nagbubukas ng Gripo ,hindi naman kami nakashower sa bahay kaya hindi ako sanay.

Tinapos ko ang pagligo ,sinunod ko ang pag toothbrush at nagmamadaling lumabas. Hinalughog ko ang Kama para mahanap ang aking belt bag. Pero wala

Sinunod ko ang cabinet na andon hanggang sa may malaglag na papel sa sahig .

DC-728393-110009 -Choi

Yun ang pinaka malaking nakasulat sa papel. May kakapalan rin ito ,halatang hindi lang bond paper.

'If you are confuse , find this address you'll know everything '

May nakalagay na address pero sa Manila pa . Jusko ,malayo ito .Bakit ako magsasayang ng oras para puntahan ang lugar na yun

'You will be the mother of one of Choi's siblings future child '

What did this mean?

I'm a mother ?

Ni hindi ko nga binibigyan ng pag asa Si Oliver .Maging ina pa kaya ,kalokohan.

Isang malakas na ringtone ang aking Narinig kaya nagpanic agad ako .Binagsak ko sa sahig ang papel bago pinakinggan kung saan nanggagaling ang tubig.It's my ringtone ,I know.

Nakita ko ang aking cellphone at wallet sa isang drawer. Tumikhim ako para ayusin ang Boses .Si Ama ang natawag

"Ama "

"Ikaw bata ka ,bakit hindi ka pa nauwi. Aba nakauwi na ang Kuya Nelson mo ,sabi Niya hindi ka daw sumabay sa kanya "

Imbis na pakinggan Si Ama Ay binuklat ko ang aking wallet. Hinanap ko agad ang Pera na napabilhan ng mga strawberry na Aming naideliver.

"Oo Ama ,pauwi na .Pakisabi Kay Ina "

Pinatay ko ang tawag kahit na hindi pa ito tapos magsalita. Alam kong magagalit sa akin Si Ama ,baka akalain Niya nawala na ang respeto ko sa kanya.

Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon