第6章

592 49 4
                                    

An awkward and deafening silence

As Much as I want to say something Ay napapangunahan ako ng kaba. Paano ba naman Ay nakatingin sa amin silang lahat specifically sa akin .Nakakatitig sila na mukhang tinatantya kung totoo ba ang sinabi ng pinsan ko kani kanina lang.Wala pa rito ang kanilang Mother dahil Dinala nila ito sa may kubo para daw makahinga ito ng maluwag .

"Sorry "

Tikhim ng katabi ko bago tumayo. Dala dala nito ang kanyang cellphone na Patuloy pa rin sa pagtunog. Heck! Talagang iniwan Niya ako dito .Sobrang nakakabingi ng ingay na Pati ang hangin ay mahihiya.Tanging tunog lang ng sapatos ni Yohan ang narinig namin hanggang makalabas na siya ng bahay.

Ayokong salubungin ang mga tingin nila kaya mas pinili kong iikot ang aking mata sa kabuuan ng bahay nila. Hindi ito ang inaasahan ko. Their house looks like a typical Filipino household ,naka marble tiles ang floor ,may puting pintura ang mga dingding ,may flat screen TV ,they also have a glass cabinet at higit sa lahat Ay malinis ang paligid.Napansin ko rin ang nakasabit nilang mga litarto sa dingding . Akala ko kasi ang bahay nila Ay kubo lang like ng mga farmer na madalas na nasa TV .Hindi naman ako na inform na isa pala silang 'may kaya at Pera na farmer ' ang family nila. Hindi sa ibinababa ko ang mga farmer pero yun ang unang naiisip ng mga tao kapag sinabing farmer .

Sunod akong napatingin sa babaeng nakaupo sa harapan ko ,halos magkatapat lang kami. Ang ganda ng kutis nito pero ngayon Ay may hint ng pamumula sa pisngi Niya. Hindi ko alam kung Anong pinaguusapan nilang dalawa ng katabi Niya pero sinasaway Niya ito . Napatingin ako sa watch ko ,halos isang oras na pala kaming andito .Nang magtama ang mata namin ni Elodia Ay Ngumiti ako pero inikutan Niya ako ng mata ,parang napahiya ako doon ahh .

"Gusto mo ba ng maiinom o makakain?"

Napatingin ako sa kabilang Gawi. Pagkakatanda ko Jonna ang name Niya ,ang asawa ng Kuya ni Elodia .

"Thank you ,I'm still full "

Nakangiti kong tugon sa kanya .Tumango naman ito sa akin pero may inilapag pa rin . Napansin ko ang isang loaf bread ,may cheese na palaman sa tabi nito at isang bottle ng soft drinks . Nakita ko na kumuha ang bata na nakatabi sa Ina Niya .What's her name nga ba ?

"Totoo ba na ikaw ang nakabuntis Kay Marie? Pero Paano?"

Kakaiba ang tingin ng babaeng katapat ko ,siguro Ay Kaibigan o Kamag anak siya ng pamilyang ito. Muli akong Ngumiti para mas maging okay ang tingin nila

"Yes ,it's a long story .Don't worry I will tell that to Elodia "

Napatingin ako sa babaeng nagdadala ng anak ko .Ang inosente ng mukha Niya ,baby face rin .

"Ang Puti mo may lahi ka ba ?"

Muli akong napatingin sa nagtanong

"Ange ano ba !"

Saway ni Elodia sa katabi Niya .Napatawa ako habang nakatingin sa kanila na nagtatalo na ngayon

"Eh tanong lang naman ,Anong masama "

So Ange ang name ng babaeng kanina pa tanong ng tanong sa amin .

"Yes may lahi ako ,I'm from a family of Chinese .I'm half chinese "

Tumango naman sila sa akin ,mukhang nasagot ko naman ng tama ang tanong nila .

Bigla akong nakarinig ng pagbukas ng pintuan kaya napatingin ako doon. Nakita ko ang dalawang lalaki habang inaalalayan nila ang may katandaang babae, ito ang Ama at Kuya ni Elodia kasama ang Ina nila .

"Ayos na ako Nelson ,kaya ko ng maglakad "

Nauna ng maglakad ang Mother nila papasok nagulat ako nang tumabi ito sa akin. Umusod ako ng upo ,umupo ito sa kinauupuan ni Yohan kanina .May kakaibang tingin ang Ina nila sa akin pero sinalubong ko iyon habang nakangiti.

Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon