第3章

584 39 3
                                    

Elodia

"Ano?! Buntis ka??!!!" Malakas na sigaw Niya kaya agad kong hinawakan ang bibig Niya .Nakaupo na ako sa Kama ,hindi pa kasi kami pwedeng umalis hanggat hindi ubos ang dextrose Pati ang gamot na inilagay nila doon.

Narinig ko ang tawa ni Ate Jonna. Siya na lang ang naiwan dito dahil umuwi muna Si Ina ,Si  Ama naman at Kuya ay pumunta muna sa taniman. Mamayang hapon pa daw kami pwedeng lumabas. Sa totoo lang gusto ko na ngang lumabas ng hospital na ito dahil ang Dami kong nakita na may mga sakit parang magkakasakit rin ako .Tapos private pa tong room namin ,bakit kasi dito ako inilagay. Sabi ni Ate Ay Si Kuya daw ang nagpumilit na ilipat ako dito nang malaman nila na buntis ako .

"Pero Paano ? Wala ka namang jowa ahh " napatango naman ako sa kanya. Tumingin ako Kay Ate with the eyes 'I told you ' .

"Yung sa Hotel baka yun "

"Anong hotel?" Agad na salita ni Ate ,Tumayo na ito mula sa mono block niyang inuupuan .Lumapit ito sa amin ,mabilis kong siniko Si Ange

"Ano kasi ate ~" Hindi ko makapa ang tamang salita na sasabihin ko .Pakiramdam ko mauutal ako kapag muli akong nagsalita sa kanya

"Ako na ang magkukuwento ,ganito kasi yun Ate Jonna"

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang Patuloy parin sa pagsasalita Si Ange. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nilang dalawa ,sa bawat tingin ni Ate sa akin Ay kita mo ang panunumbat nito .Alam kong kapag sinabi namin sa kanya Ay makakaabot ito Kay Ina at Ama .Hindi nag sisikreto Si Ate Kay Kuya Nelson kaya masasabi at masasabing Niya ito doon . Iniisip ko lang palang na magagalit sa akin Si Ama at Ina Ay natatakot na ako ,ayaw na ayaw nila ang nagsisinungaling .

"Kung ganon ,nagsinungaling Si Marie sa amin nong sinabi Niya na sa inyo siya Galing" Yumuko lang ako at iniwasan ang mga tingin ni Ate sa akin

"Pero Marie mukhang dapat na nga natin hanapin ang Choi na yun lalo na sa nangyayari sayo , d ba nga if you are confuse find this address "agad na sumangayon Si Ate Jonna Kay Ange kaya wala akong nagawa .

"Nasa bahay yung letter " sagot ko sa kanila

"Edi mamaya na natin hanapin ,ngayon magpahinga ka muna Marie " Napangiti ako Kay Ate Jonna ,hindi naman halata na galit siya noh .

"Magiging Ninang na ako " tuwang tuwa na sabi ng katabi ko pero hindi ko na siya pinansin. Pinili ko na lang na pumikit muna at hintayin ang oras kung kailan kami makakauwi .

-

"Huwag ka munang kumilos kilos at bawal yun sa buntis "nakasarado lang ang bibig kong tumango Kay Ina .Umupo muna ako sa sofa namin sa sala at inayos ang sarili ko.

"Ina galit po ba kayo? Pasensiya na po " umiling naman ito sa akin bago umupo sa tabi ko.Nagulat ako nang yumakap siya ng mahigpit sa akin .Napayakap rin ako Kay Ina, halos Ilang taon na rin noong Huli ko siyang nayakap

"Hindi ako galit Marie ,magkakababy kana. Sabi sa amin ni Jonna Ay mukhang malalaman niyo na kung sino ang nakabuntis sayo .Hindi muna kami mangingialam pero dapat kang magpaliwang anak " Itinaas ko ang kamay ko bilang promise Kay Ina .Kailangan rin naman nilang malaman at nararapat nilang malaman

Kumalas na sa akin Si Ina bago nagpaalam na aayusin niya daw muna ang mga damit na pinamalit ko kanina .Hinayaan ko na lamang ito hanggang sa makaalis siya at hindi na maaninag ng paningin ko

Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon