第14章

555 42 8
                                    

I extended my hand para abutin sa kabilang table ang cellphone ko .I pressed the enter button on my laptop bago sagutin ang tawag na kanina pa paulit ulit .

"He-"

"It's me Yohan ,just wanna update you .The family's vacation house is still available .Just check the details on our province hotline .Ciao "

My eyebrows furrowed in confusion .Muli sana akong magsasalita pero namatay na ang tawag . Gulong gulo kong tinitigan ang screen ng phone ko .What does he mean? Hindi pa ba bakasyon ang ginagawa ko ngayon .After ko mag file ng leave ,bakasyon na ang tawag dito .I shrugged my shoulders .Maybe I'll ask Elodia ,if she wants to have a vacay .

I placed my phone again at muling tumingin sa screen ng laptop ko .I'm just checking some emails .Actually iniisip ko kung magpapasa pa ba ako ng application for another specialization .Hindi kasi tinanggap ni Alexa ang opportunity dahil hands on daw siya kay Samantha .I want to pursue another specialization but I don't think makakaya ko now .Eh kung isama ko kaya sa China si Elodia para makapag aral ako ,at the same time kasama ko sila .Pero malabong umoo siya .Malayo yun .

Napatingin ako sa katabi ko nang maramdaman ang paggalaw niya .Elodia is lying on the huge sofa while eating .She's eating this weird seed ,kung hindi ako nagkakamali it's buto ng kalabasa. Ang weird lang kasi babalatan niya pa tapos kakainin yung nasa loob. Sinilip ko ang bowl na pinaglalagyan niya .Mamaya ubos na ,ako pa naman ang pqpakuhanin niya. She's treating me like a maid .Talagang wala siyang awa. Nang macheck ito ay ibinalik ko ang tingin sa laptop.

Pinili ko na lang idelete ang unnecessary emails .Nakailang pindot ako ng delete button nang marinig ang mga hakbang na nanggaling sa pintuan . Napangiwi pa ako sa lakas ng tunog .Tinitigan ko ang lapag .My eyes widen when I realize na may papasok sa loob ng bahay namin .I panicked and quickly run towards the door .

"No!"

Hindi pwede .Pinaghirapan ko ang paglilinis ng buong floor tapos aapakan lang ng kung sino .Hindi lang isang araw ang paglilinis ko dyan.

"Daxia !"

Hawak hawak nito ang kanyang dibdib .Halos matumba pa si Reika habang nakahawak sa sarili niya .Nang makita kong lalapat na ang sapatos niya sa kumikintab naming sahig ay agad kong sinipa nag paa niya .She groan in pain at napaupo sa cemented floor .

Agad akong nakahinga ng maluwag nang marealize na hindi pa siya nakakaapak sa lapag namin.

"Ano ba !"

She said while holding her feet .Mukhang nasaktan siya .Pero mas mahalaga ang maputi naming sahig. Kapag nadumihan na naman 'to .Ipapakuskos na naman sa akin ni Elodia .

"Change your shoes "

salita ko habang nakatingin sa paligid. Pabalik balik kong tiningnan ang mga lalagyan namin ng slippers at shoes. Si Elodia ang may gusto ng ganyang lalagyan.

"Wait ,wait -" salita ko bago nagtatakbo papunta sa nakitang unused slippers.

Agad ko iyong inalis sa plastic bago inilagay sa lapag. Kunot noong tiningnan ako ni Reika .Paulit ulit kong itinuro ang tsinelas.

"Remove your shoes and use this " Turo ko sa katapat niya .Naguguluhan itong tumingin sa akin. Mabilis ko siyang pinanlakihan ng mata .Huwag siyang tatapak dito na madumi ang sapatos niya .Kahit alikabok lang yan wala akong pakialam.

"Ang arte " Rinig kong bulong bulong niya habang inaalis ang sapatos .

I tap my hands on the corner .Hinintay kong matapos niya ang pagaalis ng sapatos para isuot na rin ang slippers. Nagreklamo pa ito na ang corny daw ng flower designs sa slippers pero wala na siyang nagawa.

Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon