第12章

919 47 15
                                    

"Dito ba ?" Tanong ko sa kasama ko habang ibinababa ko ang hawak kong pananim .Nasa black plastic pa ito .Pinabili ko lang kay Willson kaya hindi ko entirely alam kung ano bang tawag sa ganitong halaman.

"Kaliwa pa " rinig kong salita niya .Nasa malayo ito .Umisod ako pakaliwa para muling inilagay sa lapag ang halaman. Sinigurado kong hawak ko pa rin ito para hindi mabali ang sanga.

"Okay ,d'yan na " Sigaw niya muli .Tumango ako at tiningnan si Willson.Lumapit naman siya sa akin .Dala dala niya ang isang hoe. Habang ang dalawa pa niyang kasunod ay may dalang shovel .

"Dig here " I instruct them .Tumango naman si Willson kaya umalis ako sa kinatatayuan ko .Satisfied akong tumingin sa kanila habang nakatayo sa isang body guard namin .May hawak hawak siyang payong.Pakiramdam ko iniihaw ako sa initan.Gustong gusto kasing magtanim ni Elodia ,wala akong nagawa kundi ang umo-o .Dapat na bumawi ako sa kan'ya kaya no choice ako .

"Dapat ikaw ang naghuhukay " Tumabi sa akin ang babaeng kakalapit lang .Nakita kong lumapit rin ang isa sa aming bodyguard bago siya payungan. Nagsalubong ang kilay ko ng pinalayo niya ang dalawa. Biglang nawala ang lilom namin .Muli na kaming naiinitan.

"ikaw ang maghukay " masama niyang tingin sa akin .Naka dress pa rin siya na lagpas sa tuhod ,what that dress called again ? Daster ? Am I right ? .Never mind ,basta it looks floral and cotton .It looks good on her .Pagkababa niya kanina ay pinasadahan ko agad siya ng tingin.Ang cute niya kasi sa suot niya ngayon.

"I'm a Doctor,not a gardener " sagot ko sa kan'ya.Mukhang hindi naman niya nagustuhan ang sagot ko kaya naningkit ang mga mata niya. I gasped when she raised her right foot .Sisipain niya ako ! Lumayo ako mula sa kinatatayuan niya .Sinigurado kong hindi niya ako maaabot. 

"Eh kung hampasin kita " nakatakip ako ng tenga .Sumigaw na naman kasi siya .Noong nasa bahay kami ni Amma at Appa ,ambait bait niya .Pero nong lumipat na kami dito sa bahay na pinagawa ko ay Palaging na lang siyang sumisigaw. Pakiramdam ko bata ako na palaging pinapagalitan.

Hindi ko na hinintay na itaas niya ang hawak na kalaykay .Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan ni Willson .

"Ako na d'yan .You can go now " nagtataka silang tumingin sa akin.Pinaiwan ko pa ang mga hawak nilang gamit sa pagbubungkal ng lupa. Malalim na ang nagawa nila ,mukhang okay na pagtaniman. Sinilip ko si Elodia na papalapit na .Dinampot ko ang shovel at nagkunwaring tinatanggal ang mga lupa sa butas.

"laliman at lakihan mo pa ang butas " Utos nito habang nakaturo sa butas.Napatingin ako doon.Malaki na naman yun ,fit na ang isang halaman .

"Sa tingin ko okay na naman yan pagtaniman " nagsalubong na naman ang kilay niya .Kinuha niya ang hoe .Nagulat ako ng itaas niya sa hangin ang hawak bago ibinaon sa lupa. Gosh ,ang lakas niya .Mula sa pagkakatingin sa lupa ay itinaas ko ang mata ko .Inirapan ako nito .Muli niyang hinugot ang hoe sa lupa at itinaas sa ere. Natakot ako ng makitang mas malakas ang second time na pagbaoj niya sa hoe.

"Tama na yan .Makakasama sa'yo ang mapagod " hinawakan ko ang hoe na hawak niya pero sinamaan ako nito ng tingin .

"Paano tayo matatapos kung ambagal mo " sinesermunan na naman niya ako .Tuluyan ko ng inagaw ang hoe sa kan'ya .Kasabay non ang paglilom ng paligid. Pinagpapasalamat ko na hindi na ganong mainit.Ramdam ko na rin ang pamumula ng mukha ko sa kainitan.

"Asarulin mo simula dito hanggang doon" tiningnan ko ang itinuro niya.Seryoso?

"Aayaw ka na naman " ungkot niya sa akin .Umiling agad ako .Narinig ko pa ang sinabi niyang 'good ' bago naglakad patungo sa ilalim ng puno .Hindi ko pwedeng hayaan na siya ang magbungkal ng lupa .Baka ikasama pa nila ni Baby ito .Pero ako? Wala bang machine na pwedeng bilhin para yun na lang ang manghukay dito .

Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon