CHAPTER 12

73.8K 1.3K 672
                                    


CHAPTER 12

"KEZIAH, HINDI mo ba pwedeng itabi muna 'yang binabasa mo?" nakangiting ani Yaya Jean nang maabutan akong nagbabasa habang nagbe-breakfast kinabukasan. "Paano ka makakakain nang tama kung sinasabayan mo ng pag-aaral ang pagkain? May tamang oras para sa lahat ng bagay, Keziah."

"Ayos lang po." Gano'n ang sinagot ko pero sinara ko ang notes at nakangiting bumaling sa kaniya. "Na-perfect ko 'yong exam kahapon, yaya. Sobrang saya ko po."

Nanlaki ang mga mata ni Yaya Jean sa tuwa. "Nakaka-proud ka talaga, Keziah." Minasahe niya ang magkabilang balikat ko. "Oh, kumain ka pa." Dinagdagan niya ang pork and beans sa plate ko. "Naibalita mo na ba 'yan sa mommy't daddy mo?"

Magkakasunod akong tumango at lalong ngumiti. "Tuwang-tuwa po sila."

"Sino ba naman ang hindi matutuwa?" Niyakap niya ako, lalo akong ngumiti dahil ramdam ko ang saya ni yaya. "Pero sana, hindi ka nagpapabaya sa pagkain at pahinga, Keziah, ha?"

Umiling ako. "Kumakain naman ako sa oras, yaya. Wala akong naiintindihan kapag gutom."

"Mabuti kung gano'n." Minsan niya pang minasahe ang likuran ko at ngiting-ngiti akong pinagmasdan.

"Kain na," alok ko.

Sabay kaming napalingon ni Yaya Jean kay Kimeniah na pababa pa lang. Hawak niya ang laptop at mukhang may kausap. Pinanood ko siyang lumapit.

"I thought you're coming home tonight?" ani Kim, nahulaan ko na kung sinong kausap niya.

"Yeah, but we had to rebook our flights kasi nagkita kami ng Enriles dito sa Bangkok. We had no choice but to stay dahil minsan lang mag-request si Lacey. We're eating outside tonight, kwentuhan at bonding lang,"boses iyon ni mommy.

Inilapag ni Kim ang laptop sa table, sa part na makikita kaming pareho. Saka siya naupo sa harap ko.

"Oh, yeah, nabanggit nga ni Deib na nasa Thailand din ang parents niya," ani Kim. "Ate Kez is here."

"Morning, mom," ngiti ko.

"Keziah, darling! Congratulations again! You did great by topping the exam! More achievements are yet to come, anak." Emosyonal 'yong sinabi ni mommy, nag-init ang pisngi ko sa tuwa. "Naniniwala kami ng daddy mo na mula ngayon, hindi ka na mawawala sa top one!" Nawala ang ngiti ko at hiniling sa isip na sana, hindi na lang dinagdag ni mommy 'yon.

"Congrats, ate," hinawakan ni Kim ang kamay ko. Ngumiti ako ngunit bitin na ulit 'yon.

Bakit kaya gano'n ang reaksyon ko? Hindi ba't dapat na matuwa ako kasi nagtitiwala sina mommy't daddy na maa-achieve ko ang expectations nila? Bata pa lang ako, nagse-set na nang mataas na expectations ang parents ko at mataas talaga ang standards nila sa lahat ng aspeto ng buhay, lalo na sa studies. Academic achievements ko ang patunay na malaki ang naging impluwensya ng paraan nila ng pagpapalaki sa academic performance ko. Gano'n din kay Kimeniah.

Sa huli, hindi ko pa rin nagawang ngumiti nang natural. Ang kaninang tuwa ay nabahiran na ng lungkot.

"Ano'ng gusto mong reward, Keziah?" tinig naman ni daddy.

"Dad, kabibili ninyo lang ng bagong sasakyan sa 'kin," nagpatuloy ako sa pagkain.

"Other than that. You deserve it, Keziah," ramdam ko ang tuwa ni daddy.

Isa na rin siguro 'yon sa dahilan kaya kahit na minsan, hindi na namin kinakayang magkapatid 'yong taas ng expectations at standards nila, nagpapatuloy pa rin kami. Minsan, nalulungkot kami, lalo na kapag nahihirapan. Pero hindi namin makuhang magalit, magtampo o magtanim ng sama ng loob sa kanila. They're our parents, so we should follow them. And besides, we love them.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE WITHOUT FEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon