1: Bad Impression

770 8 0
                                    

MAHALAGANG PAALALA: ANG KWENTONG ITO AY HINDI TOTOO AT GAWA-GAWA LAMANG NG MAY-AKDA.
ANG LAHAT NG PANGALAN, LUGAR, AT MGA PANGYAYARI AY PAWANG IMAHINASYON LAMANG.

°°°°°°°°°°°°°°°°••••••••°°°°°°°°°°°°°

"UYY PRE!!! " *APIR*
May kung ano-ano pang batian ang ginawa ng mga lalaki. Ganun sila pag nagkikita. Sa Girls naman...

"KYAAAAAAAAH!!!!! BESHY!!!! CLASSMATE TAYO!!! "

Sigawan naman ang trip nila. Tipong kala mo sila lang ang tao sa mundo. Akala nila nasa bundok sila, o akala nila bingi ang kaibigan nila.

Kami naman ng magbabarkada ko ganito...

Tinginan muna sa isa't-isa. Tapos may magtataray. May naduduwal, may di mamamansin.

"Ano ba yan!? Kaklase ko na naman kayo? Wala na bang iba!? "

Komento yan ng isa sa mga kaibigan ko si Masha

"Nakakasuka na nga kayo makita eh"

Yan naman si Dayana. Maarte talaga yan. OA din minsan... PALAGI pala.

"Tss."

Yan naman si Ericka. Tapat kong kaibigan kahit minsan mo lang makausap ng matino ng di ka sinasaksak ng tingin at salita.

Pero kahit ganyan yan sila, mahal at importante sila sa buhay ko.
Sila ang nagpapawala ng problema ko sa bahay. Sila rin ang dahilan kung bakit ganito ako ngayun. Masaya at may kompyansa sa sarili.

MAGULO sa classroom. May nagkakantahan. Dala kasi ng isa kong kaklase ang kanyang gitara. Meron ding maingay dahil nanonood ng live na laro sa basketball. May nag babasa ng wattpad. May nagkukwentuhan tungkol sa K-pop. May nagsusulat ng kung ano-ano. May nag-drawing.
At kung ano-ano pa. Meron din palang kakagaling lang sa canteen tapos hiningian ng buong klase kaya wala na siyang nakain. Meron ding busy mag make-up.
Ang kukulit ng mga kaklase ko.

Magsitigil lamang ang lahat ng may pumasok na lalaki bitbit ang malaking bag. Laptop at projector pala ang laman. Nilabas niya kasi agad iyon at inayos. Alam namin na guro siya dahil sa soot niya. Nang matapos siyang magprepare ay tumingin siya sa akin. Ay sa amin pala. Gwapo kasi ni Sir. Gwapo na medyo bastos. Pumasok ba naman ng walang intro².

"BAKIT MAGULO DIYAN SA LIKOD. AYUSIN NIYO YANG UPUAN. ANG PISARA!? BAKIT MAY DRAWING ITO!? BURAHIN NIYO TO! ANG SAHIG! ANG DUMI²! KINDER BA KAYO? "

Grabi! Para kaming pinapagalitan ng kumander sa isang gyera. Ang lalim ng boses niya na kapag sumigaw eh akala mo katapusan mo na. Nakakatakot siya. Ngayun ko lang siya nakita. Bago siguro to.

"ANO? WALANG KIKILOS SA INYO! "

Nakakilos lahat ng kaklase ko. Himala nga eh. Nagwalis yung mga 'Pretty Girl's na laging mukha ang winawalisan. Yung Lazy Boys ayun inayusan ang upuan.
Ako na nagbura ng drawing sa black board. Kasi ako naman nagdrawing nun.

Nang okay na lahat nagsi upuan na kami.

"Good. Okay, My name is Bruno Morgan. I'm your new TEACHER and ICT INSTRUCTOR. "

Umupo siya sa chair niya at may kinalikot sa laptop niya.

"I want you to write your name on 1/4 sheet of paper and pass it in front. Just 1 minute. I have a timer countdown here. "

So ayun naghanap agad kami ng 1/4. Buti bumili ako ng isang pad kanina. Kaso ng ilabas ko buong klase ata nakatingin sa akin at parang nagsasabi na...
"Pahingi ng 1/4, Trix. "

So ayun binigyan ko lahat ng kaklase ko.

"STOP!! BAKIT SA KANYA KAYO HUMIHINGI NG PAPEL? ANONG PINUNTA NIYO DITO SA SCHOOL!? MAGLAKWATSA? BAKIT WALA KAYO KAHIT 1/4 HA! "

Nagsipalitan ang iba kong kaklase sa upuan nila. Kawawa naman yung di ko nabigyan.

"YOU! "

Turo niya sa akin. Kinabahan naman ako.

"S-Sir? "

"The next time na mamigay ka ulit ng kahit ano sa mga kaklase mo. I'll punish you. "

Napalunok naman ako sa sinabi ni sir. Bakit ako ang paparusahan?

Napahiya ako sa buong klase.
It's my first time na nasigawan sa harap ng maraming tao.

And first day of school ang pangit na ng impresyon ko sa kanya.

He is my most HATED TEACHER.

°°°°°°°°°°°°°°°°••••••••°°°°°°°°°°°°°

MAHALAGANG PAALALA: ANG KWENTONG ITO AY HINDI TOTOO AT GAWA-GAWA LAMANG NG MAY-AKDA.
ANG LAHAT NG PANGALAN, LUGAR, AT MGA PANGYAYARI AY PAWANG IMAHINASYON LAMANG.

°°°°°°°°°°°°°°°°••••••••°°°°°°°°°°°°°

A little Romance With My TeacherWhere stories live. Discover now