7: A moment again

172 6 0
                                    

Bruno

It's hard to accept that I have a feelings towards my student.

"Ang aga mo ah? "

Bati agad ng fiancee ko.
Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa kwarto. Napansin niya ang mood ko. Hindi talaga ako marunong magtago ng pakiramdam.
Halata din kaya ang nararamdaman ko sa kanya? (Trixie)

"Honey? "

Tanong ni Camela. Nakaupo ako sa kama at nakakunot ang nuo. Hindi ko matanggap na kanina lang ay sabay kaming naglunch tapos makikipag-landi siya sa Sy na yun. Eh halata naman sa batang yun na mahilig makipaglaro ng feelings ng babae.

"Honey? Are you okay? "

Napabalik ako sa realidad
What is it I'm thinking?
Hindi to pwedeng magpatuloy. Kailangan ko itong tapusin.

I have a girlfriend.

I hug her tight. Nakonsensya ako. May iniisip akong ibang babae habang andito siya at nag-aalala sa akin.

"Sorry Hon. Na stress lang ako sa school. Ang dami kasing pinapagawa ang principal. "

She hug me back. Hinaplos niya ang buhok ko.

But still Trixie's Face didn't fade to my mind.

----

Trixie

Maaga akong pumasok sa school.
Pagdating ko sa classroom. Andoon na din si Sir Morgan, busy sa Laptop niya.

"Goodmorning po Sir. "

Bati ko sa kanya pero di niya ako pinansin. Alam kong marinig niya ako. Nasaktan ako ng di man lang siya lumingon o kahit mag 'morning' man lang na usually ginagawa niya pag binabati siya.

Ako pa ang studyante na dumating. At napaka- awkward na dalawa lang kami. 5:44 am pa naman din. Super aga ko nga ata.

Nagwalis na lang ako at inayos ang upuan.

Nagawa ko na pati maglinis sa bintana.

Unti-unti na din nagsidatingan ang mga kaklase ko.

"Wow.!! Himala!! Ang aga!! "

Kantyaw ni Greg sa akin.

"Heh! Bleee"

Umupo ako sa upuan ko at yumuko. Napagod ako sa paglinis.
Hindi ako sanay sa inaantok ni Sir. Ano kayang nangyari sa kanya.

Natapos ang klase, at ang buong araw na klase. Tahimik pa rin ako.

"Bakit malungkot ang beshy ko??"

nag tumbling si Dayana sa harap ko.

"kasi, di siya pinapansin ni Bruno Mars"- Masha

tawanan silang tatlo. Sinapak ko si Masha. Nakakahiya baka may makarinig sa sinabi niya. Kainis na mga bruha to!!

nasa Railings ako. Nakasandal at naka-upo sa sahig. Natatawa ako sa kulitan nina Masha. Kahit papano, naiibsan ng hindi ko mapaliwanag na lungkot.

Nasa tapat ng hagdanan ako nakaharap.

Kaya nakikita ko kung sino sino ang bumababa at umaakyat.

Bumilis tibok ng puso ko ng makita si Sir. Bulto pa lang ng katawan niya kilalang -kilala na ng sistema ko. Kusa silang nanginginig at kinakabahan.

Napatitig ako sa kanya, napalingun siya sa akin pero mabilis ding binawi ang tingin.

Kumirot ang puso ko.

Ano ba tong nararamdaman ko.
Mali ito.
Hindi to tama.

May Girlfriend si Sir. Fiance if I forgot.

A little Romance With My TeacherWhere stories live. Discover now