3: Inspiration

227 4 0
                                    


°°°°°°°°°°°°°°°°••••••••°°°°°°°°°°°°°

MAHALAGANG PAALALA: ANG KWENTONG ITO AY HINDI TOTOO AT GAWA-GAWA LAMANG NG MAY-AKDA.
ANG LAHAT NG PANGALAN, LUGAR, AT MGA PANGYAYARI AY PAWANG IMAHINASYON LAMANG.

°°°°°°°°°°°°°°°°••••••••°°°°°°°°°°°°°

Nagdaan ang mga araw at unti-unti nang naging Close si Sir. Morgan sa kanyang mga studyante. Maliban sa akin. Dahil na rin siguro sa dumidistansya ako. Hindi naman sa takot ako sa kanya dahil masungit siya minsan. Pero ewan basta ayoko lang maging close sa kanya. And that's my instinct say.

At heto ako ngayon nasa tabi ng kalsada naghihintay ng masasaktan bago pa man akong mahuli sa klase. Baka ma standing ovation na naman ako sa labas ng room.

Nga pala, di na naulit yung nangyaring panlilibre sa amin. Minsan sumasabay pa din naman si Sir kumain. Pero di sa amin, madalas sa ibang seksyon na studyante na mas close niya lalo na ang mga boys.

Baka ani namang sabihin nuh pag sa aming mga girls lang siya sumasabay.

And today unexpectedly, alam kong anong hitsura nang motor ni Sir. Pati ang soot niyang Jacket pag-nag mo-motor siya.

Malayo pa lang ay kumakabog na ang puso ko.

Madalas naabutan niya ako dito sa tabi ng kalsada in the same spot. Palagi siyang may angkas na studyante na malamang eh kilala niya, siguro under his subject. Minsan lalaki, minsan babaeng studyante. I'm not jealous huh. Explain ko lang. But then umaasa din ako na sana next time ako naman angkas ni Sir. Pero parang ang awkward.


"Madrigal? Sakay ka na. "

At ngayong araw nga ay natupad ang dream ko.

"Di na Sir! Mag t-trycicle nalang po ako. "

I smile widely. Hindi to plastic na smile. Totoo to. Nahihiyang smile.

Totoo naman, nakakahiya talaga. To the point na palagi niya akong sinusuway sa classroom dahil pasaway ako.

"I insist Ms. Madrigal. Malapit ng mag 7:30. Male-late na tayo. "

"Sabi ko nga sasakay na ako eh?. "

Hindi na ako tumanggi pa, mas nakakahiya naman siguro pag tinanggihan ko pa ulit. Ang kapal ng mukha ko. Ako pa inaya ako pa hihindi? Atleast malilibre ang pamasahe ko.

Habang bumabyahe, nasisinghot ko ang pabango ni Sir. Ang bango naman ni Sir. Mas nakaka-inlove...

'Inlove? '

Wait...

Ewww!! Ano ba ang iniisip ko?

Hayst!! Pati puso ko naghuhurimintado. Halos di ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok nito.

Malapit na kami sa school habang papasok kami sa Campus at magpapark na si Sir. Kadalasan sa mga studyante napapatingin sa amin.

Paano ba naman kasi, pinasuot ni Sir ang helmet niya sa akin. Nung nakikita ko siyang may angkas na iba? Hindi naman niya binibigay helmet niya.

Mas nahihiya tuloy ako, panay kasi tingin ng ibang studyante sa amin, tapos bumubulong sa kasama.

"Baba ka na. "

Di ko namalayan nasa Parking Lot na pala kami ng Campus.
Hinubad ko yung helmet. Pati yung Jacket. Oo pinasuot niya din sa akin kasi daw maginaw pag nagmomotor lalo na pag umaga.

"Salamat po Sir. "

Sabay abot ko nung helmet at Jacket.

"Don't thanks, baka di ka na umulit eh. "

A little Romance With My TeacherWhere stories live. Discover now