4: Miss Him

223 4 0
                                    


°°°°°°°°°°°°°°°°••••••••°°°°°°°°°°°°°

MAHALAGANG PAALALA: ANG KWENTONG ITO AY HINDI TOTOO AT GAWA-GAWA LAMANG NG MAY-AKDA.
ANG LAHAT NG PANGALAN, LUGAR, AT MGA PANGYAYARI AY PAWANG IMAHINASYON LAMANG.

°°°°°°°°°°°°°°°°••••••••°°°°°°°°°°°°°

Isang Buwan na ang nakalipas. At di na maulit muli ang  nangyari noon na maka-angkas sa Motor ni Sir. Palagi akong nadidismaya kapag nakakasakay na ako ng trysikel. O di kaya, naaabutan ko Sir sa Classroom na nag s-set ng Laptop at projector niya.

Naging tahimik ang pagtingin ko kay Sir. Minsan, kinikilig ako pag tinatawag niya ako papunta sa harap para magsulat sa black board, o di kaya ay magsagot ng math problem.

Hindi na din kami nagkasabay kumain. Nakikita ko siyang kasabay kumain si Sir Mateo, ang ICT instructor sa kanilang room.

Na s-sad ako na lumayo ang agwat namin. Andito ako ngayon sa itaas, sa Fourth floor, sa may railings. Tinatanaw ang lalaking nakatayo at kahit di ko rinig ang sinasabi ay tila al na alam ko ang boses niya.

Nasa kabilang building si Sir nagtuturo.

"Uy! Trix.! Tara Canteen tayo! Hanap tayo ng gwapo don! "- Dayana

" Huh? Nagbebenta na din ba ng lalaki sa Canteen? "- Masha

" Gaga! Alam mo namang nasa cafeteria tumatambay sina Janu. Diba. "- Dayana

" Dayana, alam mo, kaibigan mo ako kaya nagsasabi ako sayo ng totoo. Wala kang pag-asa kay Janu. "- Ericka

" Alam ko, his to high. Like a star. Di masamang mangarap. "- Dayana

" Pero may isa din tayong kaibigan na parang nangangarap ng planeta. " -Ericka

Siniko ako ni Masha. At nabulabog ang panonood ko kay Sir.

"Kanina pa siguro yan nabilaukan si Sir, kung kumakain yan. "- Masha

" Anong ibig mong sabihin."

Tanong ko sa kanya na muling tumingin kay Sir.

"Kanina ka pa nakatitig kay Sir dzay, Kung di lang tayo malayo halatang halata kang nagpapantasya kay Sir. Morgan. "- Dayana

" Tara Canteen na tayo. "

Pag iiba ko ng usapan. Nauna na akong bumaba sa kanila. Sumunod naman agad sila.

Sa Cafeteria, nakasalubong namin ang grupo nina Janu. Ang sikat sa School namin. Si January Palanca ang Captain ball ng Basketball team ng School. School President din siya at nangunguna sa Top List ng matatalino sa School. Bukod sa Gwapo siya at Mayaman. Kilala din siya dahil sa pagiging Gentleman. But for me. Kunwari lang yan para mahalin at kagiliwan siya ng mga babae.

"Hi, Janu. "

Bati ni Dayana sa kanya na binalikan niya lang ng ngiti tapos nakipag usap ulit sa kasama niyang si Dolan Fernandez  Ang Men Volleyball captain.  At playboy siya. Pero marami pa din nagkakagusto sa kanya. Baliw ata mga babae sa school except sa akin huh.

"Ang cute niya talaga. "

Kinikilig na sambit ni Dayana

"Oo para siyang pigsa sa cute. Sarap tirisin. "

Komento ko naman na ikinasama ni Dayana at mabilis akong sinuway ni Masha dahil nasa likuran lang pala namin sila.

"Gaga ka ba!? Baka marinig ka gagita! "
Pabulong na saway ni Masha

"Bakit? Totoo naman. "

Ginalingan ko na lang ang waffle at milktea ko.

Panay pa cute si Dayana sa harapan ko. Kaya lumingon ako sa likuran ko. Kaya naman pala. Kitang-kita niya si Janu sa likuran ko.

A little Romance With My TeacherWhere stories live. Discover now