Chapter One

31 5 0
                                    

"ARE you ready?" I just nod my head to him and smile.

Maglalaro kasi kami ngayon ni Xavier ng billiard at naisipan ko na magpaturo na rin sa kaniya ng mga teknik sa paglalaro, tsaka kung paano din yung tamang plangketa at kung paano magprepare tsaka yung kung paano magbanda ng bola para lang hindi mabad shot sa mga magiging laro namin sa susunod na araw.

"Focus on the ball, yung plangketa mo rin ay ayusin mo." Xavier said kaya napabaling ako saglit sa kaniya bago tumango.

"Okay." Huminga ako ng malalim bago ifocus ang Tako na kapit sa bola.

"Go."

Ilang sandali lang ay mabilis kong binitawan ang isang tira at sa hindi inaasahan ay pumasok ang bolang sinentro ko ng pato.

Malayo ang pato at bolang kailangan kong maipasok kaya nagulat ako ng mai-shoot ko iyon sa right side ng  middle pocket.

"Nice. Next ball agad, itong otso na. Dapat pala tinignan mo muna kung sasakto sa next ball para may tira ka. Plesing muna." Naitagilid ko pa ang aking ulo bago tumango ulit sa kaniya.

"Diko nga inexpect na papasok yung syete e." Ani ko at tumawa pa pagkatapos dahilan para batukan ako nito.

"I told you to focus Gylen! Palagi mong tatandaan yung mga tirang ginagawa mo kada tumbok ng bola. Ayusin mo." Medjo naiinis na aniya kaya napa peace sign nalang ako.

"Finee." Nayayamot na sagot ko bago muling yumuko upang sentrohin ang otso na bola.

Plesing. Plesing. May tira naman at kayang ipasok sa left side ng corner pocket so bakit kailangan pang i-plesing?

"Anong ginagawa mo? I-plesing mo na yan dahil walang ti--"

Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng tirahin ko na ang bola at dahan dahan iyong gumulong bago mashoot sa dulong butas sa left side ng table.

Mabilis akong napangisi ng makita ang pagbabago ng kaniyang reaksyon na kanina ay naiinis na sa akin na ngayon ay bilog na bilog na ang bibig at punong puno ng pagkagulat ang mukha.

"How did you do that? E wala namang ti—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin when Kiefer immediately cut his words.

"Meron, tanga ka lang talaga tumingin." Kiefer smirk.

Tumawa lang ako lalo na sa naging pagnguso ni Xavier dahil sa sinabi ni Kiefer sa kaniya.

"Ang sakit mo naman magsalita insan, sumbong kita kay tita ha." Kunwari ay naiiyak pa na aniya.

Lalo lang ako natawa sa kaniyang inasta na sinabayan din ng tawa ni Kiefer.

"Stop that Xavier, hindi bagay sayo lalo kang pumapangit!" Humahalakhak halos na si Kiefer pagkasabi non kaya sumabay nalang din ako.

Umayos ng tindig si Xavier tsaka tumikhim kaya natigil kami sa pagtawa at tumingin sa kaniya.

"Titigil na nga, grabe kayo sakin. Ang sasakit niyo hmm!" Aniya at umamba pa ng batok sa amin ni Kiefer na sya namang agad naming inilagan kahit na wala pa.

"Tseh!" Umirap lang ako bago naman humarap kay Kiefer upang magtanong.

"So, what are you doing here Kief? I thought na you're going to school for some updates don sa game of billiard ah? Anyare?" Agad na tanong ko at bahagya pang nagtaas ng kilay.

"Kaya nga bro?" Xavier clear his throat.

Salitan muna kaming nilingon ni Kiefer bago huminga ng malalim. Biglang seryoso na ulit ang mukha niya na halos wala ng kaekspre-ekspresyon sa mukha.

SNIPE: Queen Of BilliardWhere stories live. Discover now