Chapter Two

14 3 0
                                    

3 days had passed*

"THAT is not a good idea Gyries. Hindi pwede..." Naiiling iling na ani ng aking ina sa screen.

"What do you mean hindi pwede mom? What do you want? Ang magback out ako? Ohh–" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng biglang sumabat  si dad na nasa tabi niya.

"Your mother is right, that's not a good idea honey. Magback out ka nalang at sa ibang sports sumali!" He suggest but I just rolled my eyes secretly before shaking my head.

"No dad, no way! Ayoko ng ibang sport! Billiard is the only sport that I'm going to persue, wala ng iba." Napakunot ako ng aking noo habang ilang beses na umiling sa kanila.

Ako sasali sa ibang sports? No way! Billiard lang ang gusto ko, dahil billiard ang nasimulan at natipuhan kong isabuhay kaya hinding hindi ako magbaback out at isusuko nalang ang larong gusto ko!

"Gylen, makinig ka nalang sa amin ng mommy mo. Makakabuti din naman ito sayong sinasabi namin." My dad said, I just shook my head bago muling mag iwas ng tingin.

Seriously? Makakabuti?! Paanong makakabuti e pinagkakaitan nga nila ako sa sport na gusto ko.

"Ayoko dad, suportahan niyo nalang ako plea-"

"Nagsasabi kami sayo ng maayos Gyries, mag back out ka na sa larong yan kung hindi-"

"Kung hindi what? Mommy!" Nagtitimping ani ko. Ayoko ng makapagsalita ng masasakit na salita sa kanila pero kung ipipilit nila.

Forgive me, hindi ko alam kung anong masasabi ko sa kanila.

"Gyries, makinig ka nalang. Hindi ka namin kayang suportahan ng daddy mo sa larong yan! Kailangan mo ng sabihin sa coach mo na magb-back out ka na maliwanag?" Bawat salita ay may diin kasabay ng panlilisi ng mata sa akin ni mama.

Umiling lang ulit ako sa kaniya. Sa kanila ni dad.

"Pagsakin hindi kayang suportahan mom,dad? How about Xerina? Yung sa sport niya sinuportahan niyo, pero pag sakin ayaw niyo? Hindi niyo kaya? How unfair mom, dad!" Napasigaw na ako sa kanila sa harap ng screen bago mapasinghap ng hangin.

"Lower your voice Gyries, h'wag na wag mo kaming pinagtataasan ng boses ng daddy mo! Sana hindi ka nalang sumagot sa tawag namin kung ganyang pag uugali lang din naman ang ipapakita mo!" Mariing sigaw niya.

Napapikit nalang ako ng mariin bago muling mapasinghap ng hangin.

"My bad....but mom, ayoko talaga. Billiard lang ang gusto kong ipersue, hindi po ba pwedeng suportahan niyo nalang din ako gaya ng kay Xerina?" Biglang hina ng boses ko kasabay ng pagyuko ko ng aking ulo.

Narinig ko ang sabay nilang pagbuntong hininga bago ako sagutin.

"Hindi nga Gyries, kung ipagmamatigasan mo yang gusto mo sa amin, then fine! Wala ka ng makukuhang allowance for the next months. Maghirap ka tutal ang gusto mo lang naman palagi ang gusto mong nasusunod hindi ba?" Nagtaas lalo ang boses niya kaya hindi na ako nakatingin pa sa kaniyang mga mata.

"Wag naman po mama, hindi pa nga buo iyong pinadala niyo sa akin last week tapos tatanggalan niyo ako ng allowance? Dad....." Agad akong napalingon sa aking ama na nakatitig lang sa akin habang nakikinig sa amin ni mama, kasabay ng kaniyang pag iling.

"I can't support you Gylen, sundin mo nalang." Bagsak balikat kong pinindot ang end botton ng call namin sa laptop ko bago mahiga sa kama.

Gosh Gylen, paano ka na? Hindi ko pa kayang maging independent woman ngayon, I still need my parents/family to support and provide my things. I can't make money in my own.

SNIPE: Queen Of BilliardWhere stories live. Discover now