Chapter Three

8 3 1
                                    

"BAKIT halos lahat naman ito puro Wattpad books mga kumag?" Taas kilay kong tanong at isa isa naman silang tinignan.

Natigilan naman sila sa ginagawang pagla-lagay ng mga libro sa bookshelf at tumingin din sa akin.

Napa ayos pa ng upo si Xavier at siya na ang sumagot sa akin.

"Hooh! Chusi ka pang puro Wattpad books itong mga librong binili namin para sayo pero deep inside tuwang tuwa ka nyan kasi halos nakalahati namin yung librong gusto mong basahin at bilhin eh." Pang babara niya sa akin na aking lang ikinairap.

"Tseh! Pero bakit nga puro Wattpad books to?" Seryoso ko silang tinitigan bago naman ako sagutin ni Kysler.

Napahinga siya ng malalim at tinignan pa ng saglit ang kapit na libro.

'Convict Me Attorney, that's a law series!'

"We just want to, magbabasa rin kasi kami. Di'ba bro?!" Sagot niya tsaka kinabig pa ang braso ni Kiefer na ngayon ay nagbabasa na nga ng libro.

Natigil siya sa paglipat ng page at saglit na binalingan si Kysler bago ako. Dahan dahan siyang tumango sa akin at ngumiti ng tipid.

Napa irap nalang ako sa ere bago tumalikod sa kanila.

"San ka pupunta? Gabi na ah?" Tanong bigla ni Kiefer.

Muli akong humarap sa kanila bago ngumiti ng nakakaloka.

"Sa tabi tabi lang." Mabilis akong tumalikod sa kanila at nag flip hair pa bago malalaking hakbang ang ginawa palabas ng pinto.

Hindi pa man ako nakakalayo ng maramdaman ko na ang pagkakasakal ng damit ko sa akin ng hilain ni Kiefer ang damit ko sa likod.

"Shala mo bitawan mo nga ako!" Sigaw ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa damit ko.

"Walang aalis, kukutusan kita." Nanahimik nalang ako bigla sa pagbabago ng kaniyang boses sa sandaling panahon lamang.

Biglang lamig ng tono ng kaniyang boses at dilim ng kaniyang mukha.

Napatikhim ako ng mapansin kong nagbabatuhan na sila ng tingin na tatlo habang pataas baba pa ang kanilang mga kilay.

"A-anong meron?" Biglang tanong ko.

Para na kasi silang mga tanga sa ginagawa nilang pag sasalitan ng tingin sa isa't isa.

Isa isa silang napaharap sa akin at sabay sabay ding napa iling.

"Wala? Talaga? Eh para na kayong mga tanga jan sa pagbabatuhan niyo ng tingin sa isa't isa e, mga sira ulo ba kayo?" Halos mapairap na tanong ko at napa cross arms pa.

Isa isa lang silang napailing sa akin bago naman ako tuluyang bitawan ni Kiefer.

"H'wag ka ng lumabas babae, gabi na. Matulog ka nalang don at uuwi na rin kami." Ani ni Xavier na akin na lamang ikinatango.

Binuksan na ni Kiefer ang pinto at unang lumabas na sinundan naman ni Kysler at ang panghuli ay si Xavier na nakuha pang guluhin ang buhok ko bago tuluyang lumabas.

"Good night couz." He chuckled.

Ngumiti na lamang ako bago mag wave ng kamay sa kanila.

"Good night! Salamat sa food tsaka sa books!" Malakas na sigaw ko bago tuluyang isara ang pinto at dumiretso na sa taas sa kwarto.

Napahinga ako ng malalim kasabay ng pagbagsak ko sa aking sarili sa malambot na kama.

Saglit akong napatitig sa kisame kong puno ng mga pictures naming apat habang naglalaro ng billiards. Natigil ako sa paglilipat ng tingin sa mga litrato at nawala ang ngiti sa labi ko ng isang picture ang nakita ko.

SNIPE: Queen Of BilliardTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang