Chapter Five

4 1 0
                                    

"NAPAGOD ako masyado don ah! Deserve ko talaga ng ice cream date sa inyo nyan e." Pagpaparinig ko habang nakapulupot ang dalawang kamay sa magkabilang braso nila Kiefer at Xavier.

Nakangiti akong lumingon una kay Xavier bago kay Kiefer na parehong nakakunot ang noo.

"Ice cream date mo mukha mo! Yabang hmpt, porket nakapasok sa municipal Gy? Tsaka ikaw ililibre namin sa ice cream date na gusto mo? Hindi na no! Kapal mo na talaga!" Singhal ni Xavier na siyang dahilan para kutusan ko siya.

"Hoy! Ngayon lang naman!" Bulyaw ko at masama pa siyang tinignan.

Napabelat lamang siya sa akin dahil paniguradong napagod ito sa try out kanina para makipagtalo pa sa akin.

"Hyst." Isang malalim na buntong hininga lang ang nagawa ko bago huminto sa paglalakad at ganon din sila.

Kunot noo ko silang tinignan na dalawa bago mapakamot sa pisngi.

"Nagugutom na talaga ako Kief." Nakangusong sambit ko.

Walang ekspresyon niya akong tinignan sa mukha bago tumango.

"Kain tayo." Maikling aniya bago muling maglakad at kaladkarin ako.

Dumiretso kami sa isang kainan ng mga street foods, noodles at kung ano ano pa. Malayo na ito kumpara sa una naming pinuntahan noon ng kumain din kami sa labas.

Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Xavier habang nakatulala sa kung saan.  Antagal nong inorder naming pagkaing noodles at sampong piraso ng barbecue. Nauuhaw na rin ako pero hanggang ngayon wala pa iyong tubig na sabi nila libre daw, tse maniwala! May bayad din kaya yon!

Masama ang mukha kong napatingin kay Kiefer na nakikinig lang ngayon ng music habang naghihintay ng order namin.

Napa ayos siya ng upo bago ako harapin kasabay ng kaniyang pagtanggal ng headphones.

"Gutom ka na ba talaga?" Tumango ako. "Ang pangit ng mukha mo!" Mapang asar niya na ngayong aniya kaya napanguso ako at lalo pang napasama ang mukha.

Napasandal nalang ako upuan kasabay ng pag cross arms ko. Hindi ko naman sinasadyang magalaw si Xavier na ngayon ay focus na focus sa paglalaro niya ng league of legends.

"Ano ba yan! Ang gulo Gyries!" Reklamo niya at napakamot pa sa kaniyang batok.

Napa irap nalang ako bago silipin ang nilalaro niya.

"Ang hina-hina mo naman rereklamo ka pa jan!" Pang aasar ko kaya masama niya akong tinignan bago ituloy ang paglalaro.

"Ang kapal, talaga naman." Pagpaparinig niya na mahina kong ikinatawa.

Nabalik ako sa pagtalumbaba sa lamesa at muling tinitigan si Kiefer.  Nakapikit siya ngayon habang muling nakikinig ng mga musics niya.

Ganyan na ganyan siya kahit na nung mga nakaraang araw, feel na feel niya yung mga kanta na pinapakinggan niya, hindi ko lang alam kung anong mga kanta iyon.

Matapos ang ilang minuto naming paghihintay, sa wakas ay dumating na ang inorder naming pagkain na dali dali naming nilantakan ng kain ni Xavier.

"Takaw hmpt! Dahan dahan nga!" Inis na ani ko kay Xavier dahil maka ilang beses niya na akong nasasagi habang kumakain.

"Shhh wag ka nga munang maingay. Kitam? Kumakain pa yung tao oh!" Aniya. Napa irap na lamang ako bago tumingin kay Kiefer na tahimik lang na kumakain at dahan dahan pa sa pagsubo.

Tumikhim ako kaya naagaw ko agad ang atensyon nilang dalawa.

"Oh yan, ikaw talaga ang tunay na matakaw Gysler!" Mabilis kong nahampas sa braso si Xavier bago kumuha ng tubig at uminom.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SNIPE: Queen Of BilliardWhere stories live. Discover now