Chapter Four

4 1 0
                                    


"HERE'S the form guys, put your name, and signature there and pass it to me later." Coach Casper said and then left.

We just nod our head at sinimulan ng ngang sulatan ang form.

Pinagpasa-pasahan naming lima ang form hanggang sa may dumating na mga players din ng billiard na gustong sumali.

Pagkatapos ni Kiefer, agad kong inabot sa kaniya ang form at binigay iyon sa grupo nila Cean na ngayon ay kararating lang.

"Thank you." Halos wala ng boses na aniya na akin lang din ikinatango.

"Uhh abot niyo nalang yan kay coach pagkatapos, aalis na kasi kami." Tumango lang siya at ang mga kasama sa akin bago magpaalam.

"Where we are going? Maya maya lang magsisimula na yung try out, baka maiwan pa tayo Gy hindi ko pa naman alam kung saan tayo." Kunot ang noo na ani ni Axcel sa akin kaya natigil ako sa paglalakad at napalingon sa kaniya.

"Canteen, nagugutom ako." Sagot ko at napa peace sign pa pagkatapos dahilan para tumawa silang apat sa akin.

Masama akong napatingin sa kanila isa isa kaya natigil din sila agad sa pagtawa at binalik ang mga seryosong mukha.

"Dito na nga lang kayo, ako nalang ang bibili don. H'wag kayong hihingi ahh!" Sigaw ko at akma na sanang tatakbo paalis ng hatakin ni Kiefer ang bag na naka suot sa akin.

Nagpupumiglas akong napapakapit sa braso ni Xavier dahil oras na bitawan ni Kiefer ang bag ko ay siguradong tatalsik ako.

"Sandali kasi bitawan mo nga! Nasasakal na ako oh, tsaka Kief nagugutom na'ko!" Isang iling lang ang sinagot niya sa akin bago ako hatakin palapit sa kaniya.

At sa lakas ng paghatak niya sa akin ay nasubsob pa ako sa dibdib niya na agad ko ring nilayuan.

"Bakit ba?!" Masama ang tingin na tanong ko.

"Meron ako sa bag, marami, hindi ka kasi nagsasabi agad." Irap niya bago ako bitawan.

Taka akong napatingin sa kaniya bago ko siya batukan at tumakbo palayo, diretso sa bag niyang nasa mga bleachers na pwesto namin kanina.

"Hindi mo naman agad sinabi! Kanina pa ako nagugutom!" Sigaw ko pa habang palapit sila.

Isa isa kong sinubo ang laman ng malaking piatos na kinuha ko sa bag niya at pagkatapos ay ininuman ang Vitasoy na nakita ko rin sa loob ng bag niya.

"Dahan dahan, hindi ka naman aagawan." Suway sa akin ni Xavier kaya napa irap nalang din ako.

Isang subo ulit bago ko itaas ang paa sa bleachers habang nakaupo. Muli kong sinunod sunod ang subo ng chips, ng maramdaman ko naman ang hapdi ng hampas ni Kiefer sa hita ko gamit ang towel na kapit niya.

"Aba't anong problema mo? Masakit yun ha." Nakangusong sabi ko habang niyayapos ang naghahapding binti.

"Iyang upo mo, paki ayos madam at baka hindi ka maka pag try out kapag pinauwi kita." Unti unting naging seryoso ang boses niya mula sa mapanglokong pananalita kaya padabog pa akong napa lapag ng paa sa lupa.

"Iyan na!"

Mabilis kong nabaling ang ulo ng makarinig ng tawa sa kaliwang gilid ko.

I saw Xavier, Ace and Axcel laughing. I immediately glare at them at muling sumubo ng pagkain.

"Matagal pa ba bago magsimula yung try out? Init na init na ako e, mamaya puro pawis na ako nyan kapag nagsimula." Pagrereklamo ni Xavier sa gilid ni Kiefer habang nagkakamot sa batok niya.

SNIPE: Queen Of BilliardWhere stories live. Discover now