Chapter 28
Giovanni Pov.
Hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko sa tuwing may ibang kausap si belinda. Para ba'ng ano mang oras ay maaari ko'ng itulak na lang ang mga lalakeng tumitingin sa kanya.
Lalo na ngayon sa mga larawan na panay sent sa akin ni owen. Nakikita ko pa rin ang lalakeng iyon na katabi ni belinda, nais ko sanang magtungo ng fatima ngunit kailangan ang presensya ko sa site dahil may sampong bahay na i-tatake over ngayon.
"Naririnig mo ba kung anong pinag-uusapan nila?" alas nuebe na ng umaga at oras na ng kanilang break time. Nasa cafeteria sila habang si owen naman ay nakabantay lamang kay belinda.
"Hindi sir, pero mukhang mabait naman ang kasama ni maam. Siya ang bagong SSG president ng fatima."
"Bagong president?"
"Yes sir." iniisip ni giovanni kung bakit ang lalakeng iyon ang tinutukoy ni owen na president. Ngunit kahit anong sabihin niya ngayon, hindi pa rin siya kumbinsido sa ugali nito.
"Bantayan mo ng maayos si belinda, owen. Sa oras na may gawing masama iyang lalakeng kasama niya, sabihin mo agad sakin at kuhanan ng litrato."
"Yes sir, understood." pinatay ko na ang tawag habang nasa opisina ako. Hindi talaga ako mapakali at nais ko na lamang bumilis ang oras para maka-uwi na ako at ng babaeng iyon.
Habang nasa opisina ako, dumating na ang ilang owner ng bahay upang pirmahan ang ilang papeles. Kasama ko ang ilang site engr. na ngayo'y kinakausap ang ilang panauhin namin habang ako ay pinapanood lang ang kanilang pagpirma.
Wala sa trabaho ang focus ko, nais ko ng umuwi at kung pwede lang ay ako pa mismo ang susundo kay belinda para pagbantaan ang lalakeng iyon na panay buntot sa kanya.
"Tomorrow is the day of house blessings, maaari niyo na rin ilipat ngayon ang ilang furniture o gamit ninyo sa bahay." tahimik lang ako habang sinasabi iyo ng aking kasama. Lumilipad lang ang isip ko at kung may itatanong lamang sila sa akin ay panay tango lamang ang aking binibigay.
"Maaga akong uuwi ngayon, kayo na ang bahala sa site." nangunot ang noo ng site engr. dahil sa sinabi ko'ng iyon.
"May pupuntahan pa tayo, sir giovanni. Kailangan natin i-check ang simbahan na ipapatayo sa central, may ilang failed road ka 'ring aasikasuhin ngayon." napapikit ako bago mapahilamos sa aking mukha. Muntik ko ng makalimutan ang deal naming iyon, dahi doon. Hindi na muna ako makaka-uwi kaya't halos manakit ang ulo ko kakaisip kay belinda ngayong may iba siyang kasamang lalake.
"Pumunta na tayo ngayon para maaga tayong matapos." tumayo na ako at madaling iniligpit ang mga nagkalat sa mesa ko. Ngunit bumuntong hininga ang kasama ko bago siya magsalita.
"Hindi pa tayo makaka-alis ngayon, sir. May delivery truck na paparating ngayon, kailangan iyon ng pirma mo para maipasok nila iyon ng walang paghihintay sa inyo."
Napamura na lamang ako sa aking isip. "Alright, call the delivery truck now and ask him immediately if where he is now, may pupuntahan pa ako."
"May iba pa ba kayong pupuntahang trabaho?" nag-iwas ako ng tingin dahil sa katotohanang hindi naman trabaho ang pupuntahan ko. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako, kailangan ko lamang bang ikalma ang aking sarili panandalian para makalimutan si bella?
"Magkape muna tayo sa ibaba, sir. Baka stress na kayo." napabuntong hininga ako bago tumango. Maybe i need a hot coffee to ease this dvmn jealousy, nagseselos siguro ako dahil may panibagong lalakeng nakilala si belinda. Ngunit wala naman sigurong ibang gagawin si belinda, siguradong ako pa rin naman ang pinaka-gusto nito kahit may makilala siyang ibang lalake.
YOU ARE READING
Power Of Seduction (Adonis Series 5)
RomanceEngr. Giovanni Martinez is a playboy, he really likes to flirt and he have a lots of fling. But any one of those girl, is just a past time. A word relationship and love is not his lines, the word love is never existing on his life. But one day, he...