CHAPTER 3

4 0 0
                                    

Gumising akong namamaga ang mga mata, nang makauwi na kasi ako kahapon wala sina mommy, baka nasa mansion nina tito Greg.

Bweset monday pa naman ngayon tapos papasok ako ng ganto ang itsura? Nasan ang mukang ihaharap ko nito sa nga kaklase ko.

Walang tigil ang luha ko kahapon hanggang sa makatulog ako ay umiiyak parin, Wag na wag sanang magpapakita sa akin ang matandang hukluban na yun at talagang ipaparanas ko sa kanya ang galit ko.

Bweset sya,akala ko magbabago na ang ugali nya pero mas lumalala pa pala. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang kalaki ang galit nya sa akin, wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

Mula nang ampunin ako nina daddy, lagi nya akong ipinapahiya, pinaparinggan ng kung ano-ano tapos, minsan pinapalayas pa ako sa mansion, kaya mag mula non hindi na ako bumalik sa mansyon, nina tito Greg kahit na may family gathering man, bakit naman ako pupunta dun eh HINDI NGA RAW NILA AKO KADUGO.

Matapos kong mag eme, Naisipan kong maligo na dahil Monday naman ngayun at may klase pa ako.

Hindi naman pwedeng hindi ako pumasok dahil siguradong tatalakan nanamn ako ni mommy.

Kailangan kong mag tiis kahit na parang kinagat ng bubuyog ang mata ko. Sana lang talaga wag mag cross ang lands namin ng matandang hukluban na yun, Masamid sana sya ng kape tapos lumabas lahat sa ilong nya bweset sya.

Pumasok na ako sa banyo at tinanggal lahat ng saplot sa katawan, tsaka ako pumailalim sa malamig na tubig.

Matapos ang ilang minuto kong pag s-shower, lumabas ako ng bathroom na naka robe, at agad tumuloy sa Walk in closet ko.

Kinuha ko ang Uniform ng university namin na, Which is white long-sleeved at gray checkered na palda na kalahati ng hita ko, ayuko kasi ng mahahaba sakin, di ako sanay. Gray din ang necktie namin na plain lang, tapos Gray na blazer top.

Pinaresan ko lang ito ng black shoes na may 4 inches na takong. Pagkatapos ko itong isuot, Nag apply lang ako ng kaunting make up, hindi ako mahilig sa mga makakapal na makeup, I like my natural beauty.

After kong makapag ayos ng sarili ko sinuot ko ang shoulder bag ko at bumaba na para mag breakfast.

Nasa hagdan palang ako, amoy ko na agad ang mga mababangong iniluluto ng mga maid namin at hindi lang iyon, nangingibabaw din sa may dining area ang mga masasayang pag-uusap at pag k-kwentuhan nina mommy, daddy at nina tito Greg.

Nakakapag taka talga ang mga ito, mula ng dumating ang matandang hukluban na iyon, halos Araw-gabi nandito lagi sina tito Greg at tita rose. Baka ayaw kasi naririndi na rin sa muka ng matandang hukluban slash dragon na iyon. Naiinis talaga ako kapag naaalala ko ang mga sinabi niya sa akin.

"Oh baby anjan kan pala, good morning, come here breakfast muna,"

Naputol ang pag d-day dream ko dahil sa pag tawag sa akin ni mommy Napalingon ako sa kanila, nakangiti sakin sina Tito Greg at ganun din si daddy, pero napako ang tingin ko sa isang pares ng matang matiim ang pag kakatitig sa akin na para bang tumatagos ang titig nya sa kabuuan ng pagkatao ko.

Yung titig na para bang may nagawa akong hindi nya nagustuhan, Tiningnan nya pa ako mula ulo hanggang paa. Tapos bumalik agad sa muka ko, kitang kita ko kung paano umigting ang panga nya at kung paano tumalim ang mata nya ng huminto ang titig nya sa palda ko.

Problema ng bweset na to?gustong gusto ko na syang sigawan, ang sarap nyang patayin ngayon. Pasalamat sya gwapo sya. Wtf! Nahihibang kana ba Kim? Asan ang gwapo sa muka ng matandang hukluban na yan. Sitsa ko sa malandi kong utak.

Binigyan ko sya ng 'what-are-you-looking-at' look,sabay irap sa kanya. Ang luko nag smirk lang sakin.

Diko na sya pinansin at tumuloy sa upuan na kalapit sana ni daddy pero na unahan ako ni mommy.

GESU:You're mine! Ms playgirlWhere stories live. Discover now