CHAPTER 6

2 0 0
                                    

Andito na ako ngayon sa room namin habang nakabusangot ang muka.

Pano ba naman kasi, sumusobra na talaga ang matandang yun.

kahapon pa ako naiinis sa kanya bweset sya. Akala ko pa naman makaka gala ako after naming kumain, pero ang loko, idiniretso agad ako sa bahay namin at take note, Hindi talaga sya umalis hanggang sa hindi ako nakakatulog kaya sina mommy at daddy ngiti ng-ngiti na para bang gustong-gusto nila ang nangyayari.

At isama pa kaninang Umaga, akala ko talaga hindi ko na sya makikita kasi alam ko kagabi umalis din sya, pero ganun na lang ang pagbusangot ng muka ko ng makita ko syang nakasandal sa kotse nya, na parabang model kong umasa. Naka business attire pa sya ah.

Gusto ko syang sapakin,leche sya.Kung umasta parang boyfriend ko. Tssk, di nya ba alam na iniiwasan ko na nga sya? Lapit pa sya ng Lapit sakin, kaya itong bweset na puso ko hindi ko na maintindihan.

"Bakla!!!"

Muntik na akong mahimatay sa sakit sa puso dahil sa pagkakagulat ko sa kung sino mang sumigaw.

Sinamaan ko ng tingin ang baklitang akala mo kung maka sigaw parang nasa palengke.

Nag-peace sign sya sakin, nang makitang masama ang tingin ko sa kanya.

"Why are you shouting,? Para kang naanod ah, ansakit mo sa tenga girl."Sabay irap sa kanya.

Agad naman syang napa tawa dahil sa ginawa ko.

" Ano namang nangyari sayong bruha ka? Gosh, ke aga-aga nakabusangot yang pagmumuka mo, like duh, happy lang mhiee. "maarte nyang Turan sa akin matapos umupo sa upuan na katabi ko.

Napabuntong hininga ako dahil dun.

" Im fine, it's just that, Naiirita lang ako kay uncle. "pag amin ko sa kanya.

" ahh, Yung hot, yummylicious, at oh lala mong uncle ba? So what about him? "na landing pag uususa nya sakin, dahilan para mapairap ako.

Kilala na ni Warren si uncle dahil sino bang hindi makakakilala sa gurang na yu neh One of the most, handsome, hot, Carismatic at Billionaire in the world yun?. Hayss naku, sumasakit ang ulo ko sa kanya.

Kunti na lang talaga, baka diko na maiwasan ang itong pakiramdam na pilit kong iniiwasan.

Hindi pwede...kaya dapat talagang iwasan ko sya.

"Tss, yummy ba yun? Eh halos mangulubot nanga ang balat nun eh. Mas ok panga itsura ni Uncle yuan at ni Uncle Jethro kesa sa kanya eh." pairap na sagot ko sa kanya.Pero kunwari lang syempre.

Sa anim na magkakapatid nina Daddy, si Uncle yuan ang pinaka mabait. Si uncle Jethro at Si dad ang napaka mabiro.Habang si Uncle Greg at Uncle Theo ang sobra kung mang asar sakin. At ang pinaka huli syempre. Si tanda. Nasakanya na lahat ng ayaw ko. Pshh. Hindi talaga kami pwede, marami akong bagay na ayaw sa kanya. Isa na dun ang pagiging snob nya.

"Hay naku girl, Alam mo mag patingin ka  nga ng mata mo. Para naman makita mo na hot talaga ang uncle mo. Lokang to." Sabay flip hair pa ng bakla sakin.

Nagulat ako ng biglang may nag vibrate sa bulsa ng bag ko. Kaya agad ko itong kinuha para makita kong sino ang nag text.

From:09°°°°°°°°

"Keep your distance with that fucking asshole!, I'm starting to get annoyed woman, You're pissing me big time."

Biglang nanlaki ang mata ko ng mabasa ko kung ano ang nakalagay sa text.

Nagpalingalinga ako para hanapin kung sino ang hudyo na nagtetext sa akin pero halos busy ang lahat sa kanikanilang ginagawa.

Nang wala akong mapansin na kahinahinala, ibinalik ko ang tingin ko sa cellphone ko.

GESU:You're mine! Ms playgirlWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu