CHAPTER 5

3 0 0
                                    

Kanina pa ako kating kati na umalis dito sa bweset na canteen na ito.

Napipikon na rin ako dito sa kasama ko na akala mo lintak kung makadikit sakin.

Bweset! Kung alam ko lang na makikita ko ang baliw na ito dito, hindi nalang sana ako tumuloy.

Nakakairita!

"Come on baby, baka it parang ayaw mo akong makita, ngayon na nga lang ulit kita nakasama eh." paawa epek pa ang gago.

He's one of my flings, Marine engineer naman ang kinukuha ng isang ito.

"Ahm, sorry but busy ako eh, ahm next time nalang pwede?" paalam ko dahil talagang naiinip na ako.

"baby naman ka darating mo nga lang eh sige na, ihahatid kita mamaya pagkatapos ng date natin."pagmamakaawa nya sa akin.

Kanina payan,gusto nya mag date kami. Todo tanggi naman ako dahil may ka date ako mamaya.

Tapos bigla syang sumulpot.

" You know what? May sasabihin ako sayo baby"Medyo may pang aakit na boses ko.

Hinawakan ko pa ang pisngi nito na agad naman nitong ikinapula.

Muka syang bakla. Kinuha pa talaga ang kamay ko na nakahawak sa pisngi nya at hinalik-halikan.

Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

"What is it baby?" masayang tanong nya.

At talagang wala pang kaalam alam ang isang to na makikipag break na ako sa kanya.

Manhid ba sya? Nakikita na nga nyang ayuko sa kanya tapos lapit pa ng lapit.

"I'm quitting, I'm done with you" Diretso kong sabi sa kanya na talagang ikinagulat nya.

Gusto kong matawa sa reaksyon nya, halatang nagulat sya dahil sa sinabi ko. Pero wala akong paki.

Kinuha ko ang bag ko at ingaw ang kamay ko na hawak pa rin nya.

Tumayo na ako para iwan sya, pero bago ako tumalikod kinindatan ko muna sya na hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla.

Hindi na bago sa akin ang ganoon dahil minsan nga mas malala pa ang ginagawa ko eh, pasalamat sya at yun lang ang ginawa ko sa kanya.

Tuloy-tuloy ako sa pag lalakad pala as ng canteen, may klase pa kami. Tanghali nanaman kaya dalawa nalang ang subject.

Napansin kong nag vibrate ang cellphone ko.kinuha ko ito sa dala kong shoulder bag at tiningnan kong sino ang tumawag.

Nawala ng ngiti ko ng mapag tanto ko na isa lang pala sa mga laruan ko.

Sinagot ko ito.

"Hi hon, free kaba this afternoon? Aayain sana kitang mag date eh" sabi nya.

Napaikot ang mata ko.

"Sorry Christian hindi ako free, Today, this afternoon, tomorrow, and maybe forever, because I'm breaking up with you"

Direktang sabi ko sa kanya. Wala akong Pakialam kong heartless akong tao. Atleast sinasabi ko pag ayoko na.

"B-baby, bakit naman ganto, wala naman akong ginawang masama diba? Tell me g-gagawin ko lahat baby, wag mo naman akong iwang please kimberly, Mahal na mahal kita please." pagmamakaawa nya.

Tss kung diko lang alam na manloloko rin sya baka sakaling naniwala ako, but damn. Anong akala nya sakin stupid?

Halos kahapon nga kitang kita ko na nakikipag halikan sya dun sa nursing student eh.

Hindi naman sa nagseselos ako, ok lang sakin actually, pero talagang ayuko na.

"Tss, yeah right and the ocean is sweet" sarkastiko na sagot ko.

GESU:You're mine! Ms playgirlWhere stories live. Discover now