03

303 7 0
                                    

KABANATA 3

"Saan mo ba ako dadalhin?"

Kanina ko pa tinatanong kay Ande kung saan niya ako balak dalhin. Madaling araw kaming na umalis sa Manila kanina. Ayaw niya akong sagutin kung saan niya ako dadalhin.

"Just chill wala naman akong masamang gagawin sa'yo," sagot nito sa akin.

Ayaw ko sanang sumama kaso si Mama at ang mga kuya ko aba'y daig pa sila ang inimbitahan na aalis. Pumayag kaagad.

"Ilang oras na tayong bumabyahe at hindi pa rin tayo nakakarating sa destination natin. Saan mo ba talaga ako balak dalhin, Ande?"

Naiinis na akosa lalaking 'to. Isang linggo ko pa lang siyang nakikilala at kung saan-saan na ako dinadala.

"Malayo pa ba tayo?"

"Oo, isang buong araw ang byahe natin," sagot ni Ande.

Nyemas akala mo nakakatuwa talaga siya. Isang araw ang byahe namin kung saan man kami pupunta.

"Aakyatin ba natin ang bundok, ha? Seryoso ka? Hindi ka nagsabi, wala akong dalang damit. Hayo-"

"Kapag hindi ka tumigil labi ko ang magpapatigil dyan sa bibig mo," banta niya.

Napirmi ako at nanahimik dahil sa sinabi niya. Ang lakas ng tama ni Ande. Hindi man lang ako sinabihan na aakyat kami ng bundok. Hindi man lang ako nakakuha ng kahit isang pirasong damit.

Tahimik ako buong byahe at hindi siya pinansin. Nakakainis siya ng sobra.

Huminto siya sa isang fast food chain. Binuksan niya ang bintana sa tabi ko at dumungaw naman ang isang crew.

Hindi ako umiimik at hinayaan siya.

"Um-order ka na," he said.

"Hindi ako gutom."

Mariin siyang pumikit at nagsalita, "Miss, two fried chicken rice and two large fries and two sundae."

Paborito ko ang mga sinabi niya. Sa loob ng isang linggong pagkakakilala ko sa kanya at pagpunta niya sa bahay ay hindi ko kweninto iyan.

Panigurado si mama o ang mga kuya kong magagaling ang may gawa nito.

While waiting ay bigla niyang inopen ang music box.

Bungad kaagad ang kantang Till I Met You. Tahimik lang ako pero bakit unang bungad ang kantang iyan.

Hindi ako naniniwala sa pag-ibig at maghanap ng lalaking mamahalin ako. I don't really believe that love will last. Pero sa tuwing naririnig ko iyan, naiisip ko na maybe hindi pa handa ang itinakda ni Lord sa akin. Na baka sa future years ko pa siya makikilala.

Pero kung nasa tabi ko man siya sana hindi rin ang lalaking iyon ang mananakit sa akin. Marami na akong napanood na pelikula at halos lahat ng ending lalo na sa ibang bansa ay namatay ang babae o lalaki.

Ayokong kapag napamahal na ako saka kukunin sa akin. Gugustuhin ko na lang din sigurong sumunod.

"Sir, here's your order. Two fried chicken and rice. Two large fries and two sundae."

Inabot ni Ande ang card niya at kinuha ang order. Nananatili akong tahimik kahit kumakalam ang sikmura ko dahil sa amoy ng fried chicken.

Nagugutom na ako. Inilagay niya ang pagkain sa likod at pinaandar ang kotse niya.

Imbes na mas lalong maglaway sa pagkain ay natulog muna ako sandali. Matutunaw ang sundae sa likod ko. Sayang.

Nagising ako sa tapik niya. Marahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Kain ka muna. Baka hindi na mainit itong in-order ko. Sayang naman."

Hindi na ako tumanggi pa at kinuha iyon likuran pero bakit wala ang sundae doon. Kinain niya kaya?

"Nasa ice box ang sundae. Sayang kung matutunaw," aniya.

Ngumiti ako s kanya at kinuha na muna ang dice and chicken. Muli niyang pinaandar ang sasakyan. Narito pa ang isang order niya kaya't panigurado hindi pa siya kumakain.

"Ikaw?"

"Nagmamaneho ako at kailangan na nating makarating sa pupuntahan natin kaya doon na ako kakain."

"Hindi- I mean, s-susubuan na lang kita para makakain ka din. Kanina pa tayo sa daan kaya panigurado gutom ka na rin," sabi ko.

"Sigurado ka?"

I nodded. Kumurot ako ng laman sa manok at kanin saka sinubo sa kanya. Medyo nahirapan ako dahil sa posisyon naming dalawa pero at least nakakakain siya.

After maubos ay kinuha ko ang fries at syempre sinubuan ko rin siya. Tuwang-tuwa talaga ako everytime na nakakakain ng fries at chicken sabayan pa ng sundae.

Ande is a gentleman guy. Napansin ko iyon sa loob ng isang linggo. Hindi pa siya nakikilala ng mga kaibigan ko dahil sa busy ang mga iyon sa school.

Ako lang yata ang hindi na nag-aaral sa kanila. I give up my studies dahil hindi ako kagalingan at parating nahuhuli sa klase. Puro bulakbol lang ang ambag ko. Kahit pilitin kong pumasok, I always end up in cutting classes kasama ang mga mahihilig din sa bulakbulan na barkada.

Ande is four years older than me. I'm nineteen and his twenty three.

He already planned his future life tapos ako ito puro bulakbol ang ambag.

Nang maubos na ang fries at medyo busog na ako. I asked him if may tubig siya and meron kaso ininuman niya raw.

I don't have choice. Nauuhaw ako sa kinain ko kulang ang juice drink ng bibili niya.

"Really? Iinumin mo iyan?" gulat niyang tanong.

"Hoy, Ande, mag-iinarte pa ba ako kung ito lang ang choice?" sarkastiko kong sabi.

"Pwede tayong bu-"

"Nah. Ito na! Napakaarte mo!" singhal ko.

Malalim na lamang siyang huminga at itinuon ang pansin sa daan.

Habang lumilipas ang minuto ay hindi mawala sa isip ko ang sundae. Natatakam talaga ako.

Inabot ko ang ice box sa likuran at kinuha ang sundae. Choco mango ang flavor. Kaagad kong binuksan at mabilis na nilantakan. Cravings.

Sandali kong naisip na may kasama pala ako. Nakakahiya para akong bata kong kumain.

Inayos ko ang sarili ko at dahan-dahang kinain ang sundae.

"G-Gusto mo?" nahihiyang tanong ko.

Ang shunga ko sa part na basta nasa harap ko ang favorite cravings ko wala na akong pakialam sa iba.

"Later na lang siguro," tipid niyang sagot. May bakas na lihim na ngiti sa kanyang mga labi. Nakakahiya talaga.

Kumuha ako ng kaunti at itinapat sa bibig niya.

"Open your mouth..."

Nagtataka siya kaya't mas lalo kong inilapit sa bibig niya ang kutsara.

"Matutunaw eh!"

Mabilis naman niya iyong tinanggap.

"Nalawayan ko rin ang kutsara kaya fair tayo!" parang bata kong sabi saka siya inangasan ng tingin.

Ngumiti siya at binalik sa daan ang tingin. Malayo pa ang byahe namin pero nakokomportable na ako na kasama siya. Sama hindi rin bumigay ang puso ko nito.

Delikado ako kapag nahulog sa kanya. Pagkatapos kong kumain actually kinain ko rin ang sundae niya hindi naman siya umangal kaya't kinain ko. Mabilis akong nakaidlip at sinabihan ko na lang si Ande na gisingin kapag nakarating na kami sa patutunguhan namin.

Perfect Strangers (Sorglegt Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon