41

24 2 0
                                    

KABANATA 41

“Sigurado ka na galing kay Jay iyan?” kuryuso na tanong ni Selena.

Alas-nuebe y media na nang gabi at narito pa kami sa labas nakaupo sa putol na kahoy, sa gitna nito ay ang paupos nang apoy ng bonfire.

“Sino namang tanga ang mag-sesend kay Briece ng ganyan, Selena? Alam mo naman na abot-impyerno ang galit ni Jay kay Ande at lumala iyon dahil sa relasyon ni Ande kay Briece,” inirapan pa ni Cam si Selena.

“Pasalamat ka talaga, Cam, at buntis ka. Kanina pa kita sinapak, sinasabi ko sa ‘yo.”

“Kaya nga malakas ang loob ko na asarin ka,” anito.

“Tumigil nga kayo. Nakikita niyo nang ‘di okay ang isa sa ‘tin. Pero curious ako sa sinabi mo kanina about sa babala? Nagbabasa ako ng mga fantasy novels at paano kung may katotohanan iyon, ‘di natin hinihiling na mangyari ng totoo. And, it makes me wonder, how did she even knew your birthday. The best way to at least avoid Jay’s nonsense is to let him do what he wants. Mapapagod rin iyan, ‘tsaka maiiussue na ang warrant within these days,” pagsabat ni Itzel.

“‘Yon na nga. Hindi ako mapapanatag hanggang sa hindi ko nakikita na nasa kulungan si Jay. You know his family. Kayang-kaya nilang paglaruan ang batas,” saad ko.

“Maybe they won’t let it happen. Just trust everything, Briece.” Cam tapped my shoulders.

“Mukhang hinahanap ka na ni Daddy Syvan, Cam, puntahan mo na at baka mabaliw iyan kahahanap sa ‘yo.” Sabay kaming napatingin sa parating na si Syvan.

Tumayo si Cam at sinalubong siya. Bumati ito sa amin ‘tsaka inalalayan paakyat si Cam sa taas. Naiwan kaming tatlo.

The wind are started to get colder. Mukhang uulan mamaya dahil sa walang gano’n karaming bituin sa kulay itim na kalangitan. Nagtatago rin sa ulap ang buwan.

“Briece, nothing will happen. We’ll be back in Manila soon. Enjoy this peaceful vacation and at least stop thinking of Jay for now. Nakasisira ng relaxing vacation natin ‘yang pangalan niya,” Selena hugged me. Lumapit na rin si Itzel at niyakap ako.

My girls.

Caption ko sa post ko. Kuha iyon kanina. Ande took a picture of us. Kami ni Selena, Itzel,  at Cam. Nakahiga na siya sa kama at nakapikit na ang mga mata. An dami naming nagawa kanina nag-island hopping, diving, at nagtatampisaw maghapon.

Because of Ande I face my fear. Kinaya ko. Everytime na nasa tabi ko siya ramdam ko na ligtas ako. Nawawala ang insecurities ko lalo na kung makita ko ang reflection ko sa mga mata niya ang aking sarili.

Bago ko pinatay ang cellphone ko ay sandali ko munang tinignan ang mga kuha niya kanina sa akin. May mga nakatalikod ako, nakangiti, at may stolen pa ako sa kanya. Marami pa siguro sa cellphone niya.

Pinost ko ang isa sa picture kung saan nakayakap siya sa akin mula sa aking likuran at nakapatong ang baba sa balikat ko. Nakayapos ang dalawang kamay niya sa aking bewang habang ako ay naka-wacky sign ang dalawang kamay. Ang isa naman na pic ay kinurot niya ang pisngi ko at gano’n rin ako sa pisngi niya. Ang pangatlo ay nakahalik siya sa aking pisngi at ang dalawang kamay ko ay nakataas sa ere na may mga ngiti sa aming labi. Ikaapat roon ay ang paglapat ng kanyang labi sa aking labi.

Both of us are happy in these pictures and I hope this time won’t end. We made more memories together in just a few days of staying here.

Pinost ko iyon with caption  “my eternal. my life. slowly falling for you even harder” at isang kulay pula na may sparks na nakapalibot sa puso ang emoji na kasama ng post. Tinag ko rin si Ande. Sa kalikutan ng kamay ko ay napunta ako sa account niya.

May post siya sa story niya. Pinindot ko iyon at nakita ang post niya tulad ng akin ang kaso iyong ikaapat na picture ang napili niyang i-post.

My whole life >.<

Iyon ang nabasa ko na caption. Napansin ko ang highlights niya na may title na “My life.”

Puro pictures ko ang naroon. Kalakip ng mga caption niya tulad ng stolen picture ko sa school na tumatawa ako kasama si Chelsea. Nakalagay pa roon ang salitang “I miss her so much :((“ at iba pa.

Napalingon ako sa kanya na mahimbing nang natutulog. Gano’n ako ka-importante sa kanya. Kaya siya takot na takot na madamay pa ako lalo sa sigalot nila ni Jay.

Lumapit ako at pinagdasahan ng tingin ang kanyang mukha. Sa lahat ng mga maling pinili ko noon at sa lahat ng tama na binalewala ko, ikaw ang pinakatama na pipiliin ko ng paulit-ulit. Ikaw lang.

Inoff ko ang cellphone ko at itinabi iyon sa cellphone niya. Humiga ako at sumiksik sa kanyang dibdib. Naramdaman niya yata ang ginawa ko kaya mas lalo niya akong kinulong sa kanyang mga matitipunong braso.

“Tapos na kayong mag-bonding ng mga kaibiga mo?” tanong niya sa akin.

“Hmm…” sagot ko.

Mas lalo akong nababaliw sa amoy niya at presensya. Umayos siya ng higa upang mayakap ako.

He kissed my forehead down to the tip of my nose and lips. His eyes stayed staring at mine. His expressive eyes tell a lot of unheard and unspoken words but he just smiles at me.

Nababasa ko na hindi siya okay pero pinipili niyang maging okay para sa akin. He sacrifice too much. Ako palagi ang inuuna niya sa lahat ng bagay.

“When will I stop falling for you, huh?” he whispered in my ears.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. But before that, I kissed him back from his forehead—the tip of the nose—lips—and cheeks.

“Goodnight, mine…” I replied and closed my eyes.

Mas maaga akong nagising kesa sa kanya. I’m planning to make a surpise for him. Naglalakad ako sa ‘di kalayuan ng resort na pinalalagian namin ng mapansin ko ang isang pasalubong center. May gumagawa roon ng bracelet na gawa sa inukit na kahoy at napalibutan ng maliit na seashells.

Nagpagawa ako ng dalawa. Medyo natagalan kaya inaliw ko ang sarili ko habang pinapanood ang pagsikat ni haring araw mula sa abong kalangitan.

Anong oras na ako nakabalik sa resort. Napansin ko kaagad ang bulto niya na aligaga sa kakatingin sa kung saan. Napalingon siya sa direksyon ko at gano’n na lamang kabilis na nakarating sa aking harapan at mahigpit akong niyakap.

He catches his breath when he broke our hugs. Hinaplos niya ang mukha ko gamit ang kanyang hinlalaki.

“I’m so worried, mine. Akala ko kung saan ka nagpunta. Huwag mo ng uulitin iyon, please, papatayin mo ako sa nerbiyos. Akala ko nawala ka na sa akin,” sabi niya habang habol ang hininga.

“Hindi naman ako mawawala, ah! May surpise ako sa ‘yo,” ibinigay ko ang bracelet na pingawa ko sa kanina.

Nakaukit ang pangalan ko at pangalan niya roon. “Do you like it?” pahabol kong tanong ng maibigay.

“Sobra. I love it. You made me worry so much. Nagpagawa ka pala ng ganito Thank you, mine.” He then kissed my forehead.

“I love you, Ande…” I mumbled.

“You don’t say I love you that much. Hearing it right now made my heart flutter and my stomach feel butterflies flying around,” he smiled. “I love you too, Briece.”

Perfect Strangers (Sorglegt Series #1)Where stories live. Discover now