21

102 5 0
                                    

KABANATA 21

Inip na inip na ako sa klase. Tapos na namin ang booth para sa valentines at sabado na bukas.

Thanks god it’s friday na nga pero heto back to study kami. Kainis dahil isang araw lang ang valentines day tapos after no'n thesis defense na namin. Kung pwede lang hindi gawin aba'y ako ang una na hindi gagawin.

Nakatingin lang ako sa orasan namin. Oo, binibilang ko ang minuto habang papalapit ang uwian.

“Briece, kayo ba talaga ni Ande?” Narinig kong bulong na tanong ni Cam.

Nawala ang antok ko dahil sa tanong n'ya. Kakagising niya lang, natutulog kasi siya while nag-lecture ang prof namin.

Nginitian ko lang siya at hindi pinansin. Nagkunwari na lang akong nakikinig sa boring na lecture.

Nang tumunog na ang bell hudyat ng lunch ay kaagad akong tumayo. Ayaw ko lang kausapin sila. Naiinis pa rin ako dahil akala nila liar ako.

Tinawag ako ni Cam ngunit hindi ko siya pinansin at nagmadaling makalabas sa university. Ngunit bago pa makaapak ang paa ko sa guard house ay hinila ako.

“Saglit nga!” ani Itzel, hawak ang braso ko.

“Sorry na,” sabay-sabay nilang sabi.

Umirap ako at ngumiti. “Fine. 'Yong libre ko!”

“Pwedeng next year?” tanong naman ni Selena.

“Anong next year? Walang gano'n, sa sunday. Libre n'yo ‘ko!”

Hindi sila sumagot at nanatiling nakatitig sa akin. “Ano?”

“Hi, girls.” Nagulat pa ako ng bigla akong akbayan ng kung sino. Napatingin ako sa tabi ko kahit kilala ko na kung sino siya dahil sa pabango niyang long-lasting.

Nakangiti siya sa akin, labas pa ang dimples niya. And his expressive eyes, his hair na bagay na bagay sa kanya. He's hot in his jogger match with white v-neck shirt. Pogi!

“Lunch tayo?”

“Hep, hep, hep! Umamin nga kayo, ano bang meron sa inyo?” tanong ni Cam habang salit-salitan kaming itinuturo.

“A–” Hindi ko nagawang matapos ang sasabihin ko ng biglang hinapit ako ni Ande palapit sa kanya, nakahawak siya sa bewang ko. Ewan ko kung kilig ba ang tawag sa nararamdaman ko na kinukuryente ako sa nangyayari.

Nararamdaman ko ang balat niya na mas malambot pa kesa sa akin. Hindi nakaligtas sa akin ang tingin ng mga kaibigan ko. Kahit close kami at kilala na namin ang isa't-isa for a very long time, ramdam ko ang awkward.

Gusto ko ng lamunin ako ng lupa ngayon rin!

“I'm courting her.” Walang prenong sagot ni Ande.

Lord, kunin mo na ako. Ayoko na sa kahihiyang 'to!

“No way!” Patili na sabi ni Selena.

“Tama nga ang hula!” ani naman ni Itzel.

“We're happy, Briece.” Nakangiti na saad ni Cam. “Ikaw na bahala sa best friend namin, Ande. NBSB 'yan kaya ingatan mo. Malaman lang namin na sinaktan at pinaiyak mo siya, sa 'min ka mananagot.”

Ande smiled at them. Ngayon ko lang nakita ang seryoso nilang mga mukha habang kaharap si Ande.

“Hinding-hindi. Kung sasaktan ko siya parang sinira ko na rin ang pangako ko sa inyo at sa family n'ya.”

Hindi ko na alam kung may mukha pa akong maihaharap dahil sa sinabi ni Ande. Nag-iinit ang pisngi ko.

“Goods! Huwag kang tutulad sa boyfriend ni Selena na ubod ng sinungaling.” Masamang tinitigan ni Itzel si Selena.

Break na ulit si Charles aat Selena dahil sa iisang dahilan lang rin. Babae.

“Tara lunch, libre ko na kayo?” pag-yaya niya sa kanila.

“Huwag na, si Briece na lang at ayaw naman naming sirain ang ligawan feeling ng best friend namin. Oh, siya at sa jollibee na kami kakain at least do'n bida ang saya.” May makahulugang ngiti si Itzel bago hinila ang dalawa.

Napailing na lang ako habang tanaw silang papalayo sa pwesto namin.

“So, shall we go?” Ande's voice will always my weakness. Parang hinihili niya ako sa ulap.

Tanging isang tango lang ang aking nasagot. Paano ba kasi ako sasagot kung umurong na ang dila ko? Ikaw ba naman hawakan sa bewang hindi ka kaya matunaw.

“Oh, I forgot, I'm sorry if hindi ako humingi ng permission na hawakan ang bewang mo. Pasensya—” I cutted him.

“As long as you know your limits, okay lang.” He smiled at me. Akala ko sa likod niya ako pauupuin pero isang panda bear ang kinuha niya sa likod at ibinigay sa akin.

Hindi naman nakatakas sa akin ang amoy ng pabango niya na nabalot sa panda bear.

“For you.”

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Bago niya pinaandar ang kotse ay sinicure niya muna ang seatbelt ko.

“Why are smiling?” Napalingon ako sa kanya saglit at muling itinuon sa labas ang mga mata.

“Naisip ko lang, ang swerte ng magiging girlfriend ng isang Sean Clyde Hernandez,” sagot ko.

“Paano mo naman nasabi?”

“Kasi, 'yong assurance at pag-aalaga niya hindi tulad sa iba. Hindi kasi lahat ng babae swerte sa pag-ibig, kaya swerte niya kasi sobrang mapag-alaga ang magiging boyfriend niya.” Ngumunguso ko pang sagot sa kanya. Ewan ko ba at naisip ko iyon, naiinggit lang ako kung sakali.

“Ibig sabihin, ang swerte mo dahil ako ang magiging boyfriend mo?” Nakangiti niyang tanong.

“Ha? Wala akong sinabi.”

“Eh, sayo lang naman ako ganito. Ewan ko ba ito siguro ang sinasabi nilang kapag alam ng puso mo na siya ang para sa 'yo, ibang-iba ang kaya mong ibigay. ‘Yong assurance at pag-aalaga na hindi mo naiparamdam sa iba, sa kanya mo magagawa. Pero maniwala ka sa hindi, sa 'yo lang ako ganito. Iba talaga ang tama ko sa isang Gabriella Isla Araceli.” Hindi maalis sa labi ni Ande ang ngiti habang sinasabi iyon.

“Alam mo, gusto kitang hampasin ng slight lang sa braso. Ang corny mo!” biro ko. Hindi ko na alam kung saan pa titingin sa sobrang pula ng pisngi ko.

“You're pertaining to yourself, ayaw mo lang aminin. Pero sa totoo nyan, ang swerte ko dahil isang tulad mo ang ibinigay ni tadhana sa akin.”

“Ewan ko sa 'yo. Bolero!”

Narinig ko ang pagtawa niya. Ipinikit ko na lamang ang mata ko at hinayaan siyang magmaneho. Kung papatulan ko siya, ako na naman ang pikon.

Nahinto ang sasakyan, mukhang stuck kami sa traffic. Dahan-dahan ko minulat ang mata ko upang silipin ang labas at hindi nga ako nagkamali.

Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko. Hinahaplos niya nito.

“You didn't know how happy I am that I'm with you right now. Meeting you that night is the best plot twist in my life. I love you, Briece. Hihintayin kita, kahit gaano pa katagal. At kung kailangan na magkita ulit tayo, hihintayin ko. I just wanna be your forever, mine.” He gently whisper and kissed my forehead.

Perfect Strangers (Sorglegt Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon