14

93 4 0
                                    



"Briece, nakita mo na ba ang result ng research mo? Balita ko maraming pinaulit at rejected ang draft pieces nila," balita ni Itzel sa akin nang makasalubong ko siya sa hallway.




"Hindi ko alam e pero kayo? Kumusta ang research papers mo?"




"Well gagawa na lang ako ng final output then done na. Okay naman sa panel ang ginawa ko," sagot ni Itzel.




Nacurious na ako sa resulta no'ng akin. Baka hindi man lang pumasa o ano kinulang.




"Tara samahan kita pumunta sa faculty room sa office ni Prof. Salvador," pagyayaya niya sa akin.




"Pero---"




"Tara na. 'Saka nandoon na din si Selena at Cam, para sabay na tayong mag-lunch." Hinila ako ni Itzel papunta sa faculty.




Actually, nandito na ako kanina hindi lang ako tumuloy. Kinakabahan kasi ako, standard pa naman si Prof. Salvador sa research.



"Hoy, gutom ka ba? Ang putla mo!"



Umiling ako. "Kinakabahan ako. Baka--"



"Huwag nega! Positive iyan!" Nakangiti niyang sabi sa akin.



Paano ako ngingiti?



"Good morning po, si Prof. Salvador?" tanong kaagad ni Itzel ng makapasok.



"Nasa office niya. Puntahan niyo na lang doon." Sagot ng isang staff doon.



Tumango-tango naman si Itzel at muli akong hinatak papunta sa loob ng opisina ni Prof. Kumatok muna siya.



"Come in."



Pumasok kami at nakita siya roon na abala sa mga binabasa niya. Possibly kaya---oa ko naman!


Perfect Strangers (Sorglegt Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon