09

150 5 4
                                    

KABANATA 9

Friday, wala kaming pasok dahil may gaganaping agenda sa University namin kaya nandito ako sa bahay mag-isa.

Hindi pa umuuwi sina mama at ang dalawa kong kuya, extended ang pagstay nila roon.

Natapos ko na ang mga gawaing bahay kaya nanonood na lang ako ng NBA.

Gusto ko lumabas ang kaso wala akong kasama, panigurado sa ganitong oras tulog pa sina Itzel.

"Briece! Briece!" tawag sa pangalan ko sa labas.

Huh? Sino naman daw iyang tumatawag sa pangalan ko?

Sumilip ako sa terrace namin at si Ande, nakausot pa ng white shirt and black summer short. Naka-sapatos pa siya ng converse.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

"Ah, sasamahan kita ulit?"

"Alam mo, Ande, ang aga pa para nandito ka," saad ko sa kanya. "Pero dahil nandito ka na at bawal magtaboy ng bisita. Pumasok ka na sa loob."

Ngumiti siya at ako naman ay niluwagan ang pagbukas ng gate.

"Bakit, wala ba ang mga kaibigan mo?" tanong ko habang pinapasok siya sa loob ng sala.

"Wala sila... may pinuntahan at 'di ako sinama ng mga kumag!"

"Baka naman may importante lang na nilakad?"

"Bahala sila!"

"Upo ka muna at paghahain kita ng makakain mo. Ano bang gusto mo? Juice or-"

"Mahilig ka sa donuts?" tanong niya.

"Oo, favorite ko kaya iyon," sagot ko.

"Tara bili. Libre ko na. Anong flavor ng donuts ang favorite mo?"

"H-Ha? Hindi na, gagawa na lang tayo dito. Oum, bili na lang tayo ng ingredients and then, ako na ang gagawa," I suggested.

Gagastos na naman siya para sa akin. Dapat para sa future liligawan niya iyan at hindi iwaldas sa akin.

"Mas gusto ko iyan. Tara sa supermarket at bumili ng ingredients," anyaya niya sa akin.

"Pwede namang dyan lang sa grocer-"

"Tara na!" Hinila niya ako palabas ng bahay.

Hindi ko pa napapatay ang TV sa loob. Bahala na nga, malapit lang naman ang supermarket dito sa amin kaya makakabalik din kami kaagad.

Nang makarating kami ay kaagd siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

"Let's go at bumili!" Excited niyang sabi.

Favorite niya din kaya ang donuts? Bakit siya parang bata kung makahila sa akin?

Kumuha ng cart at siya na ang nagdala nito. Push cart ang kinuha ko para hindi siya mahirapan.

Kumuha kami ng flour, chocolates, vanilla extract, eggs, baking soda, milk. At siya naman ay kumuha ng napakaraming cheese.

"Why don't we try cheese donuts?" He said while smiling at me.

"Di ko pa natikman iyon," ani ko.

"Subukan nating gumawa and if masarap edi new favorite flavor," sagot niya.

Tumango lang ako. Inagaw nya ang pagtutulak sa cart kaya hinayaan ko. Napadaan kami sa toys section.

Agaw sa aking atensyon ang isang Teddy bear na panda. Hindi siya gano'n kalaki but ang cute tignan.

Nakangiti ako habang nakatingin sa panda. Hindi pa ako nakakakita ng panda, sa tv lang gano'n or social media.

Naalala ko wala akong dalang pera at si Ande ang magbabayad nitong mga binili namin. Nakakahiya naman kung pati iyang hindi kasama sa pinunta namin dito eh ipabayad ko.

"Briece, ipila mo na iyan doon sa may kunting nakapila sa cashier. Kukuha lang ako ng peanut butter and cookies."

Nagulat pa ako sa kanya. Ang dami na nang binili namin may idadagdag pa siya.

"Aanihin mo iyon?"

"Sabi ko naman, let's try something new di'ba kaya try din natin ang peanut donut and cookies donuts."

Nagtataka na ako dito kay Ande. Ang lakas ng tama.

"Here's my card..."

"Wala kang cash?"

Umiling siya kaya kinuha ko na lang, mamaya binawi pa.

Tinulak ko na ang cart at naghintay sa pila. Dadalawa lang kami sa pila. Kaya after no'ng nasa harap ko, ay ako na since kunti lang ang binili niya.

Magbibigay na sana ng subtotal ang cashier ng dumating siya.

"Add this please..." Inabot niya ang two can of cookies and two jars of peanut butter and the panda teddy bear.

Nagulat ako sa nakita ko. Did he buy it? Baka sa kanya naman.

After sabihin ng cashier ang babayaran ay binigay ko ang card and siya na din ang nagbuhat ng pinamili namin. Kinuha ko ang isang supot.

Inilagay niya ito sa likod ng trunk ng sasakyan niya. Nasa loob na ako ng kotse at hinihintay siya.

Nang pumasok siya ay inabot niya ang panda bear sa akin.

"Sa 'yo 'yan..." he uttered.

Akin daw?

"H-Ha? Sa-Sa akin?"

Tumango siya at pinaandar ang sasakyan.

On our way pauwi, hindi ko maitago ang pamumula ng pisngi ko. Nakita niya ba?

Amoy Ande pa ang panda dahil siguro kanina.

Nakarating kami sa bahay at tinulungan ko siyang muli sa pagbuhat ng mga nabili namin.

Pagpasok sa loob ay naglakas loob na akong pasalamatan siya.

"Ande, thank you dito. You don't need to do this for me. You should do this for your girlfriend."

"Briece, kagaya ng sinabi ko... I want to. I want to do this for you," he replied.

Isa-isa niyang inalis sa supot ang mga ingredients at nagsuot ng apron.

"So, let's start cooking?"

Tumango ako at iniwan na muna sa sofa ang panda.

Siya ang naghalo sa gagawing donuts at ako naman sa icing nito.

Binake niya ito saka pinalagyan ng toppings.

Infairness at masarap ang naging kinalabasan ng cheese donuts, peanut butter donut at cookies donuts.

Ewan ko sa utak ni Ande ang creative. Masarap ang timpla niya sa tinapay. Siya din ang nagturo sa akin ng measures ng mga toppings kaya saktong sakto ang sarap.

Hindi nakakaumay ulit-ulitin. We decide din na gumawa ng chocolate cookies drink.

Nilagay ko muna sa fridge ang donuts para dumikit ang hindi matunaw ang toppings. Siya naman ay abala sa pagtitimpla ng drinks.

Tawang-tawa pa ako sa kanya dahil napagkamalan niyang gatas ang flour at iyon ang nailagay sa unang ginawa niya.

Naghalohalo na kasi ang nasa harapan niya. Kaya inalis ko na muna ang mga hindi na niya kailangan pa.

Bakit hindi nagchef si Ande? Ang galing ng ideas sa utak niya. Ang creative.

"Briece!" Tawag sa akin sa labas.

"Bukas ang pinto!" sigaw ko.

"Briece, nandito si-oh, Ande?" ani Itzel.

Nakatunganga ako sa nakita. Magkasama ang mga kaibigan ni Ande at kaibigan ko.

What does it mean? Anong nangyayari?

"Okay?" Carmila said.

Bakit sila magkakasama? Napalingon din ako kay Andie na ngayon ay nagtataka ring nakatingin sa kanila.

Ano 'to? Date?

Perfect Strangers (Sorglegt Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon