UNANG KABANATA : AANDAP-ANDAP NA ILAWAN (Tagpo 6)

139 7 0
                                    

MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathang Nobela ni Zampagitang Azul

UNANG KABANATA

AANDAP-ANDAP NA ILAWAN

Ikaanim na Tagpo

Nagugulumihanang muling nagbalik sa kanyang puwesto sa loob ng silid si Ernie habang mahimbing na natutulog pa rin ang kanyang mga katropang trabahador. Naupo muna siyang hawak ang dalawang tuhod at patuloy na nagmumuni-muni sa biglang pagtawag ni Ine at bigla ring pagkawala sa linya. Nahihiwagaan siya kay Ine. Tinatanong ang sarili kung bakit napatawag si Ine sa kanya ng dis-oras ng gabi.

Tutuo kayang nami-miss siya nito kaya siya tinawagan. At ang isa pang nakapagtataka, paano at saan niya nakuha ang cp no. niya? Di kaya may mabigat na suliranin itong dinadala kung kaya't tinawagan siya para lang may makausap. O, kaya naman, may lihim itong itinatago, naisip niyang baka may topak ito sa utak. Nawe-weirduhan kasi siya sa mga pangyayari.

Sa gitna ng kanyang pagbubulay-bulay, biglang may nag-text sa cp niya. Kinabahan siya, naisip niya agad na text ito ni Ine sa kanya. Kaya ganoon na lang ang kanyang pananabik nang tinunghayan niya ang mensahe.

Ngunit ibang 'number' ang nag-appear sa "screen" ng cp niya na ganito ang nakasaad: " MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING! "

Bagama't iba ang cp number na ginamit ng nag-text, naisip niya si Ine pa rin 'yon na nagdalanghiya na lamang nang biruin niyang nami-miss siya nito.

Pamaya-maya pa'y may nag-text ulit, 'yung cp no na ni Ine ang ginamit na ganito naman ang mensaheng nag-appear sa screen:

Kung sino ka mang hayop kang kausap ni Ine, mabuti pang hanggang maaga, layuan mo na siya...kung hindi, makikita mo ang hinahanap mo!"

Biglang kinabahan at lalong nagulumihanan si Ernie. At may kung anong nabubuong kwento sa isip niya. Tanong ni Ernie sa sarili:

"Sino kaya ang nag-text sa kanya? Tatay kaya niya...o baka naman kaya may-asawa na si Ine."

Patuloy na tinatanong ni Ernie ang sarili:

"Si Ine rin nga kaya ang nagtext sa kanya na iba ang ginamit na 'number' na "Maghintay Ka Lamang...Ako'y Darating!"'

Ngayon napag-isip-isip ni Ernie na tunay ngang may bumabalot na misteryo sa buhay ni Ine. Sa mga sandaling ito, iniisip niya kung ipagpapatuloy pa niya ang pakikipag-ugnayan kay Ine? Ngunit bakit ganoon, bakit tumututol ang kanyang puso? Na-love at first sight na ba talaga siya kay Ine? Paano kung may asawa na ito at may pamilya na? Magkahalong lungkot at pangamba ang dumalaw sa kanyang puso.

Lalong hindi na siya nakatulog sa buong magdamag hanggang sa marinig na niya ang tilaok ng manok sa umaga.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now