IKAWALONG KABANATA : SALAMISIM (TAGPO 85)

25 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAWALONG KABANATA

SALAMISIM

Ikawalumpo't Limang Tagpo

Pagkatapos ng panonood ng pailaw bilang pagsalubong sa Bagong Taon, mahimbing na nakatulog na ang mag-asawang Ernie at Ine.Sa pagmulat ng mata ni Ernie kinabukasan, takang-takang nagising na lamang siya na nakahiga sa pinong-pinong mapuputing buhangin sa Isla ng Boracay. Tumayo agad siya nang maalala ang asawang si Ine. Luminga siya sa paligid. Sumigaw nang sumigaw habang tinatawag ang pangalan ng asawa.

"Ine! Ineeeeeeeee! Nasaan kaaaaa?"

Walang ano-ano'y lumindol nang pagkalakas-lakas na lumikha ng gahiganteng tidal wave. Kitang-kita ni Ernie nang pumaimbulog si Ine sa ibabaw ng gahiganteng alon na isinisigaw ang kanyang pangalan.

"Ernieeeeeeeeeeee...tulong! Tulong!!!!"

Parang pinaglalaruan si Ine ng mga higanteng alon. Iniitsa-itsa sa ere. Maya-maya'y lulubog-lilitaw siya sa gitna ng mga naglalakihang mga alon. Mula sa kinaruruonan ni Ernie, lalamunin na rin siya ng mga higanteng alon. Ngayo'y nagsasalisihan na sila sa paglubog-paglitaw habang tinatawag nila ang pangalan ng isa't isa!

"Ernieeeeeeeeeeee!"

"Ineeeeeeeeeeeeee!

Mula sa kalangitan, isang puting kabayong may pakpak na lumilipad na sakay ang isang babaing may mala-diwatang kariktan ,may tabing na telang kulay-pilak ang mukha at nadaramitan ng mahabang gown na kulay-pilak na nagniningning sa nakasisilaw na liwanag ang bigla na lang dadagitin si Ernie upang iligtas ang buhay. Maiiwan si Ine na patuloy na hinahampas ng mga higanteng alon.

"Ernieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!"

Humihiyaw rin si Ernie nang pagkalakas-lakas na bitbit ng mahiwagang babaing animo isang matapang na amazonang mandirigma habang sakay siya ng puting kabayong may pakpak na lumilipad papalayo nang papalayo sa kinaruruonan ni Ine.

"Ineeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!"

All reactions:3Grace Alon, Maria Digna Ramos and 1 other12LikeCommentShareAno ba un panaginip ba?

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now