IKAANIM NA TAGPO : BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY (TAGPO 69)

29 2 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAANIM NA KABANATA

BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY

Ikaanim-na-po't siyam na Tagpo

Nang mapanood nina Althea, Adonis at Jershey sa telebisyon ang pagkawala nina Ernie at mga kapatid nito, kaagad na dinalaw nila si Ine sa Jaen, Nueva Ecija para makiramay sa pagdadalamhati nito. Dinatnan na ng mag-anak sina Arianne at mga kaklase nito na inaalo si Ine sa bigat ng dinadala.

Ilang saglit pa ang nakaraan, si Louie at Atong naman ang dumating upang makiramay na rin sa paghihirap ng kalooban ni Ine. Naroon din ng mga oras na yaon ang Ate Luisa ni Ine na alalang-alala sa nangyari kay Ernie gayundin kay Ine na di-mapatid-patid ang luha tungkol sa nangyari sa kanyang asawa.

"Matigas kasi ang ulo ni Ernie...sabi ko sa kanya...'wag na lang siyang bumoto na...dumito na lang siya sa bahay..." ang pagkukuwento ni Ine habang patuloy na lumuluha.

"Napaginipan ko pa naman siya...kinausap ako ni Ernie...ikinuwento niya sa akin sa panaginip na binundol siya ng isang malaking closed truck van at isinakay siya ng isang lalaking naka-face mask na nakabarong na puti at...at...at.." dagdag pa ni Ine na di na natuloy pa ang kanyang panaginip.

"Ganyan din ang panaginip ko...kausap ko si Ernie...buong detalye niyang ikinuwento sa akin kung paano siya isinakay sa van si Ernie matapos na paamuyin ng pampatulog...parang tutuong-tutuo ang panaginip ko..."ang di rin magkandatutong pagdurugtong naman sa panaginip ni Althea.

"Diyos ko...i'ts unbelievable parang may koneksiyon ang ating mga napanaginipan...kinausap rin ako ni Ernie sa panaginip ko...nagising na lamang si Ernie na nakaposas na at may piring ang mga mata gayundin ang kanyang mga kapatid sa loob ng van hanggang sa matagpuan na lamang nila mga sarili sa isang maluwang na silid," nagtataka namang pagdurugtong ni Arianne sa panaginip niya.

"Eksakto...ganyan-ganyan rin ang napanaginipan ko..." pagdurugtong ni Althea.

"Nawiwirduhan ako sa panaginip natin...what a coincidence?" dagdag pa ni Arianne."

Nahihiwagaan din ako...ganyan-ganyan din ang panaginip ko!" sabi ni Ineng naguguluhan, "...malakas ang kutob ng loob ko na buhay pa si Ernie at mga kapatid niya... at nasa panganib ang kanilang buhay...tulungan n'yo kong mag-isip...ano kaya ang mabuti nating gawin para mailigtas sila..."

Mangha namang nakikinig sina Adonis, Luisa, Atong, Louie at mga kaklase ni Arianne sa St. Louie University. Walang kibo namang nakikinig rin si Jershey na tila nauunawaan ang sinapit ng kinikilala niyang ninong na si Ernie na wala pa ring kaalam-alam na ito ang kanyang tunay na ama.

Sa darating sina Kapitan Anchong at Ruperto Cruz Santos III sa loob ng bahay nina Ine. Lalapitan nito si Ine at yayakapin.

"Huwag kang mag-alala inaanak...gagawin ko ang lahat para madakip ang mga dumukot kay Ernie at sa kanyang mga kapatid...di ako papayag na may masamang mangyari sa kanila...." ang paniniyak ni Kapitan Anchong na labis na nag-aalala sa kalagayan ni Ernie at mga kapatid nito.

Lalong nabugnos ang tinitimping damdamin ni Ine. Di na naman niya napigilang di-maiyak.

"Salamat po Ninong...salamat po!"

Tahimik lang na nakamasid si Ruperto Cruz Santos III. Ilang saglit pa at magiliw nang magpapaalam si Kapitan Anchong kay Ine at sa mga dinatnan. Kasunod na rin si Ruperto Cruz Santos nang lumabas na ang Ninong ni Ine ng kanilang bahay.

All reactions:2Charet B. Monsayac and Maria Digna Ramos1LikeCommentShare

Sino kaya ang may kagagawan ng lahat na ito?


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz