Chapter 01

39.3K 1.1K 492
                                    

Chapter 01

"Hey—"

Shit.

Iyong makulit na abogado.

Mabilis akong bumaling at naglakad. Nagpanggap ako na walang naririnig. Alam ko kasi na kukulitin niya na naman ako tungkol sa schedule ni Judge e hindi naman talaga pwedeng sabihin lalo na at iyong gusto niyang itanong e medyo high profile case. E 'di sana kung ganon, pinost ko na lang sa Facebook kung kailan may free time.

Nakatayo ako sa may sakayan ng FX. Nasa repair shop kasi iyong sasakyan ko. Ayoko naman magbook ng grab dahil nanghihinayang ako. Hirap magtrabaho tapos ano? Doon din mapupunta pinagtrabahuhan ko?

Minsan, mapapaisip ka na lang talaga kung para saan ka bumabangon.

Habang naghihintay, nilabas ko iyong codal ko. Oblicon kasi iyong subject ko mamaya. Delikado pa naman 'yon sabi sa akin. Marami kasing subject na pre-requisite iyong Oblicon. Kapag bumagsak ako doon, automatic made-delay ako. Kaya kailangan ko talagang ayusin. Ayoko nang ma-extend pa sa law school. Nakaka-isang sem pa lang ako, pero ready na akong grumaduate. Tuwing nasa school ako, ready na agad ako umuwi.

Hindi ko nga rin alam kung bat ako napunta sa law school. Pero nandyan na, e. Tapusin ko na nga lang din. Sayang effort ko nung first sem. Gapang na gapang lahat para lang maipasa ko.

Busy ako na kabisaduhin iyong meaning ng obligation nang biglang may malakas na bumusina sa paligid ko. Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng tunog.

"Kulit naman nito," bulong ko sa sarili ko nang bumaba iyong bintana nung sasakyan at makita ko kung sino iyong nandon.

"Hi, attorney!" bati ko bilang paggalang. Public defender pa rin naman siya kahit ang kulit niya. Mataas din kasi respeto ko sa mga lawyers ng PAO. Alam ko kung gaano karami iyong kaso na inaasikaso nila. Nakakapagod kaya 'yon. Ako nga na law student pa lang, naghihingalo na. Sila pa kaya na nagta-trabaho na? Para pa namang everyday recit lalo na sa litigation. Si Judge kasi minsan trip magpa-pop quiz sa mga abogado. Kita ko stress sa mukha nila. Alam mo 'yung minsan ten years ago na nung huli kang pumasok sa school tapos minsan tatanungin ka kung ano meaning ng stipulation pour autrui?

"San ka?" he asked. Ang baba ng boses niya. Ang seryoso niya talaga. Siguro importante lang talaga iyong kailangan niya kay Judge kasi parang wala naman sa personality niya ang mangulit.

"Brent po," I replied.

"Gusto mong sumabay?"

"Ah, hindi na po, Attorney," sabi ko.

He merely shrugged and started to roll the windows up.

Napatingin ako sa phone ko.

Ano ba 'yan.

"What?" he asked after he rolled the windows down again pagkatapos kong lumapit doon at kumatok.

"On the way po ba?" I asked kasi nakakahiya man, pero mas delikado naman kung ma-late ako sa Oblicon! 'Di ko talaga kayang ma-delay sa law school.

He gave me a brief nod as he unlocked the door.

"Seatbelt," he said nang makaupo ako.

"Ah, oo nga po pala. Sorry po," I replied as I wore the seatbelt.

Nakapatong lang sa mga binti ko iyong dalawang kamay ko. 'Di ako makagalaw nang maayos dito. Nakakahiya kasi. Kung magbu-book din naman ako ng sasakyan, 'di rin naman agad makakarating dito 'yon.

Simula talaga nung naglaw school ako, pakapal lang nang pakapal ang mukha ko. Ikaw ba naman masigawan twice a week o matanong kung ginagamit mo ba isip mo, 'di ba kakapal ang mukha mo?

Alter The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon