Chapter 15

25.1K 1.3K 1.3K
                                    

Chapter 15

Pakiramdam ko ay nasobrahan na ako sa kape dahil kitang-kita ko kahit iyong maliit na pagbabago sa expression niya. Nung una ay naka-kunot ang noo niya na para bang hindi niya pa napprocess iyong mga salitang lumabas sa bibig ko... hanggang sa bahagyang mapaawang ang labi niya at manlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niya na oo, nandito talaga ako sa harap ng opisina niya sa kalagitnaan ng tanghali at tinatanong siya tungkol sa bagay na 'to.

Shit.

Ang unprofessional!

Bakit ba 'di ko na lang 'to tinext sa kanya?!

"Sorry," I said, realizing that I must've been putting him in a very difficult position dahil dito pa talaga ako nanggugulo sa office niya. "Kahit 'wag—" I continued and then paused. Ano? Uuwi na naman ako? Tapos mag-o-overthink ako mag-isa sa kwarto ko? Malapit na midterms!

Tumingin ako sa kanya.

Ganon pa rin iyong itsura niya—bahagyang nakaawang iyong labi. Tanginang 'yan! Bakit ngayon ko pa napansin na mamula-mula iyong labi niya?! Sa dami ng inaaral ko, may space pa sa ganyan iyong utak ko?!

Tumingin ako sa paligid—may mga tao na dumadaan. Syempre. Public Attorney's Office 'to. Maraming nangangailangan ng serbisyo ng taong 'to.

Huminga ako nang malalim.

"No," I said. "Kailangan ko na ng sagot. Kahit ibulong mo na lang," dugtong ko para walang ibang maka-rinig kasi nakaka-hiya naman. Work hours niya tapos nandito siya at... nakikipaglandian? Litung-lito na ako!

He looked at me for a few seconds. Naka-tingin ako sa bawat paggalaw niya. Bigla siyang umatras. Panic ran through my system.

"Ibababa ko lang 'to," sabi niya nang makita niya iyong itsura ko. Nagpanic ako kasi umatras siya. Akala ko tatakbuhan niya ako... na maiintindihan ko naman kasi bakit nga ba ako nandito? Kung pwede lang na umalis na lang ako kasi parang ngayon ko nararamdaman iyong hiya na sana ay kanina ko pa naramdaman.

Pinanood ko habang ibinababa ni Atty. Marroquin iyong box na hawak niya doon sa plantbox ata 'yon. Tapos ay naglakad ulit siya papunta sa akin.

Fuck.

Bakit ba kasi ngayon?

Ang taas-taas ng araw!

"Can you repeat your question?"

Umiling ako. "Narinig mo naman."

"Yes, but I'd like a confirmation kung tama ba ang narinig ko."

"Tama 'yon," sabi ko sa kanya.

He tilted his head to the side. Kumunot iyong noo ko. Bakit hindi na lang siya sumagot agad para maka-uwi na ako? May trabaho pa siya. May inaaral pa ako. Para maka-balik na kami sa kanya-kanya naming buhay.

"Okay," he said after staring at my face na nagsimula na akong ma-conscious kung may dumi ba sa mukha ko. "I heard you asking me kung may gusto ba ako sa 'yo."

Nanlaki ang mga mata ko dahil may napadaan na mga tao sa gilid namin.

"Hinaan mo naman boses mo!"

Kumunot ang noo niya. "Why?"

"Basta," sabi ko. "Wala bang private na lugar dito?"

"Ikaw humarang sa akin dito sa labas," sagot niya. Napaka-pilosopo talaga ng taong 'to.

Naka-tayo lang siya sa harap ko. Ang init-init. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako kahit naka-light brown cargo shorts at white shirt naman ako samantalang siya ay parang normal lang kahit naka black slacks at short sleeved polo siya.

Alter The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon