Chapter 07

28.2K 1.2K 933
                                    

Chapter 07

Iba rin siguro talaga epekto ng sakit kay Atty. Marroquin kasi medyo naging weird siya. Sigurado naman ako na babalik din siya sa pagiging pilosopo bukas kapag nakatulog siya nang maayos. Hindi na lang din ako nagsalita pa kasi medyo nakaka-stress 'tong bibig ko. Kung anu-ano ang lumalabas.

"Maganda naman pala bahay niyo. Bakit wala kang pambili ng siopao?"

Tinignan ko siya nang masama. Gusto ko siyang barahin pero nakonsensya pa rin ako kanina sa mga sinabi ko. Kasi may sakit na nga siya tapos pinagthrowback ko pa sa mga nangyari sa magulang niya.

"May pambili ako ng siopao," sabi ko na lang sa kanya. "Gabi na kasi non. Ayokong kumain ng dalawang siopao."

Bakit ba ako nag-eexplain sa kanya sa thought process ko ng pagbili ng siopao?

"Hindi mo naman kailangang kainin ng magkasabay."

"Kapag binili ko parehas, ang ending e kakainin ko din parehas."

"Ano ka? Bata na walang self-control?"

"Bakit ba masyado kang concerned sa siopao ko? Saka nandyan lang naman sa labas 'yung 711. Pwede akong bumili anytime. Hindi pa naman extinct 'yung asado na flavor."

Almost 1AM, sa labas ng bahay namin, and of all the topics we could argue about, talagang sa siopao pa.

Bago pa kung saan mauwi iyong usapang siopao, binuksan ko na iyong gate ng bahay. Binuksan niya iyong compartment nung sasakyan. Kinuha ko iyong isang box.

"Ako na," sabi ko nung nagtry siya na buhatin iyong isa. Kumunot ang noo niya. "Baka mabinat ka," dugtong ko. Mukhang mag-isa lang siya sa condo niya. Mamaya magkasakit pa ulit 'to. Kawaawa naman. Kung hindi kaya ako nangailangan ng reviewer sa kanya, walang pupunta sa kanya para siguraduhin man lang na humihinga pa siya?

Bahagyang umawang iyong labi niya. He cleared his breath and then proceeded to pick up a box. 'Di ata talaga uso dito makinig. Bahala siya d'yan. Concerned citizen lang naman ako.

"Dito na lang," sabi ko nung ibaba ko sa may hagdanan sa harap nung main door iyong box. Weird naman kasi kung papapasukin ko siya sa bahay. 'Di ko naman bahay 'to. 'Di naman siya kilala nila Papa.

"Thanks," sabi ko nung matapos na kami sa paglalagay ng box.

He gave me a small nod. "Thanks din sa lugaw."

"Maliit na bagay," sagot ko. "Nga pala..." dugtong ko. "Ewan ko kung sakitin ka or what, pero kung walang titingin kung buhay ka pa o humihinga, pwede naman ako. I mean, kapag wala ka ng choice. Tawagan mo muna friends mo. Busy din akong tao," sunud-sunod na sabi ko. Bakit parang ang defensive kong pakinggan?! Nagmamagandang-loob na nga ako.

I saw him fighting a smile on his face. Tignan mo 'to. Hirap talagang magpaka-good samaritan. Tatawanan ka pa.

"Okay," he said.

"I mean, since binigyan mo rin naman ako ng reviewer."

"Okay."

"Sige na. Alis ka na."

"Parang aso kung itaboy."

"Napaka-senstive mo namang tao. Paano kapag nag-object iyong prosecutor sa 'yo? Masasaktan ba iyong feelings mo?"

Alam mo iyong gusto mo namang maging matinong kausap, pero iyong kausap mo e hindi ka binibigyan ng choice kung hindi ang maging pilosopo?

"No, not really," sabi niya. "Work is work. When I'm in court, I just work."

Parang ang hirap maniwala sa sinabi niya kasi kung work is work, bakit kaya niya hinahanap si Judge? Kasi kung work is work, iyong mga motion niya e pwede niya namang gawin sa mismong hearing. Tsk. Kaka-curious talaga kung ano iyong pinag-usapan nila sa chamber pero alam ko naman na hindi ko pwedeng itanong iyon.

Alter The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon