Chapter 36

19.8K 709 103
                                    

Chapter 36

Akala siguro ng mga kaklase ko ay sobrang religious ko na tao—o sobrang kabado ako sa mga klase namin dahil tuwing dadating ako sa Brent ay dumi-diretso ako sa may chapel para magdasal. Araw-araw kong pinagdadasal iyong kaligtasan ni Achilles.

Hindi ko alam kung mas maayos ba na hindi high profile iyong kaso na binigay sa kanya dahil wala akong masyadong naririnig na balita tungkol doon... o mas dapat ba akong kabahan.

Kasi sa mga ganyang kaso na maliliit, walang ingay na nangyayari.

Wala kang maririnig na kahit ano...

Kasi wala namang masyadong may pakielam.

Unless something goes terribly wrong.

And every day I pray to God na walang mangyaring masama kay Achilles dahil nagta-trabaho lang naman iyong tao.

Kaya kapag natatapos rin iyong araw na wala akong narinig na kung anumang balita, nagpapasalamat din talaga ako.

Sana ganito lang lagi... pero parang 'di ko rin gusto na mabuhay araw-araw na kinakabahan kung ito na ba iyong araw na mangyayari na iyong mga bagay na kinatatakutan ko.

Habang nasa trabaho ako ay parang huminto iyong pagtibok ng puso ko nang maka-receive ako ng email. Halos nanginginig iyong daliri ko nang buksan ko iyon.

Fuck.

I was being invited by the IBP. Hindi direktang naka-lagay doon tungkol saan, but there was a mention of an investigation for a possible disbarment proceeding.

Fuck.

Ito iyong kay Achilles.

"Hi," sabi ko nang sumagot siya sa tawag. "Sorry. Nasa work ka."

"It's fine. Why?" he replied. Hindi kasi talaga ako tumatawag sa kanya o nagtetext kapag nasa trabaho. Dati, oo. Pero ngayon, hindi na. Hindi dahil sa ayaw ko lang kung hindi dahil alam ko kung gaano kadami iyong kasong hawak niya. Alam ko na normal lang na marami iyong kaso, pero parang sobrang dami na nung sa kanya. Hindi na lang ako nagsalita pa dahil trabaho niya naman iyon.

"Nag-email iyong IBP."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan.

"Tungkol sa disbarment," I said.

"Just go," he replied.

"Ano'ng sasabihin ko?"

"The truth," sagot niya. "Just tell them the truth, Mau. I did nothing wrong. 'Wag kang kabahan."

"Paanong hindi e lisensya mo ang naka-salalay dito?"

"I know," he replied. "But just be honest, okay? Don't lie for me. Just tell them the truth and everything will be fine."

Ayaw ko pang ibaba iyong tawag. Bakit ba ako umaasa na kakausapin niya ako kagaya nung sa mga kliyente niya na tinuturuan niya kung paano sumagot kapag may tanong iyong prosecutor? Alam ko naman na 'di gagawin ni Achilles iyon. Mas pipiliin niya pa ata na ma-disbar kaysa magsinungaling ako under oath para sa kanya.

Bakit ba ganito siya?

"Just trust in the system, okay?"

"The system is corrupt."

"It is, but there are good people in the system, Mau. Just trust in them."

Gusto ko ring sabihin na may mababait nga pero may mga gago rin kagaya ng tatay ko na babaliin iyong batas para lang mas maka-lamang sila.

Sabi nila, good people win at the end of the day...

But I digress.

Bad people win all the time.

Alter The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon