Prologue

13 0 0
                                    

Maybe people can't see your worth but you yourself should see it.

Prologue.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

I looked at him and smiled. "Paano kung sabihin kong hindi? Ano gagawin mo?"

Nagulat siya. This is the first time I said this to him. Natawa ako at napatapik-tapik sa kaniyang balikat. "Ayos lang ako. Ano ka ba." natatawang sabi ko. "Kailan ba hindi naging maayos ang babaeng 'to?" dinuro ko ang aking sarili at mas lalo pang tumawa.

Tumawa na rin si Nando kaya napaiwas ako ng tingin.

Hindi ako maayos...

Gusto kong sabihin sa kanila iyon pero paano naman? Kung si Lala ang sasabihan ko, wala naman siyang gagawin... Kung si Jat naman ay tatawanan lang niya ako. At ngayong si Nando ang kasama ko, ayaw kong ipakita sa kaniya na mahina ako.

Baka pagtawanan lang ako ng gunggong na 'to.

I heaved a sigh. "Nasaan na ba kasi si Justice? Tagal niya naman," reklamo ko at napatayo.

Sakto namang dumating si Justice na pinagpapawisan. "Huy! Anyare sa 'yo?" pang-aasar ni Nando at napailing na lamang ako. "Pinagpapawisan ka, ah?" hindi ko mapigilang matawa nang punasan ni Nando ang mukha ni Justice.

Nakakadiri talaga ang dalawang 'to.

Kung tatahimik ako, ano kaya ang magiging reaksyon nila? Minsan na akong nagpasyang tumahimik sa harapan nila pero wala namang nangyari.

Umuwi akong tahimik kasama ang mga kaibigan ko.

"Tahimik ka. May problema?" tanong ni Jat

Umiling ako at nagpatuloy lang sa paglalakad. Akala ko ay may sasabihin pa siya pero umuna lang siyang naglakad, naiiwan ako.

It's alright. Sanay na akong ganito ang mangyayari. No one will understand me and my silence. Imbes na magsalita at sundan sila, nanatili akong mabagal habang iniinda ang kirot ng puso ko.

They're my friends... And I know this is just temporary.

Makakalimutan lang din naman namin ang isa't isa.

"Oh anak? Kamusta ang school?" salubong ni Mommy pagkarating ko sa bahay. Nagmano ako sa kaniya. "May assignment ang kapatid mo, baka matulongan mo." dugtong niya bago ko masagot ang una niyang tanong.

"Sige, My. Magbibihis na muna ako. Si Kuya? Nasaan?"

"Dumiretso na sa school."

"Ah okay."

Agad akong nagbihis at pagkatapos no'n ay tiningnan ko saglit ang cellphone. Wala namang kakaiba pero bakit feeling ko dapat akong mag-sorry sa pananahimik ko kanina?

Aish... wala rin naman silang pakialam.

Wala silang pakialam. Iyon palagi ang iniisip ko sa tuwing kasama ko sila.

I kinda feel like I am always left out.

Kung magsasalita na ako, doon pa nila ako mapapansin. It actually don't bothers me but why do I feel like I don't belong to anyone's friendship group?

Masaya ako kapag kasama ko sila pero at the same time, minsan hindi ko feel na welcome talaga ako.

I know it's not their problem if I feel this way...

But if I will try to tell them about this, may gagawin ba sila? O mananatili silang walang pakialam at tila walang narinig galing sa akin? I shouldn't be torn about these nonsense things but all I want is to get appreciated.

Hindi ako uhaw sa attention... Gusto ko lang makita nilang may kaya rin akong gawin.


Pero naisip kong... Wala rin naman akong mapapala kung ma-appreciate nila ako dahil alam kong makakalimutan lang rin nila ako.


"Miss?" ilang beses akong napakurap. "Nahulog ang wallet mo," dali-dali kong tinanggap ang wallet sa lalaking kaharap ko ngayon. "Mukhang ang lalim ng iniisip natin." ngising aniya sabay ayos sa suot niyang jacket.

'Di ako umimik.


Kasalukuyan akong nasa waiting shed ngayon, naghihintay ng jeep para makauwi.

Another workaholic week has ended again. Dapat akong pumunta ng beach bukas para magpahangin pero bago iyon, padadalhan ko muna si Mommy para sa babayarin sa bahay.

"Pwede malaman pangalan mo, Miss?" mataray kong sinulyapan ang matangkad na lalaking nasa tabi ko na.

"Sorry but I won't allow you to know my name," striktang saad ko.


Nasulyapan ko ang pagtakip niya sa sariling bibig. "Wow! Spokening dollars pala siya," bahagyang tumaas ang isang kilay ko sa ibinulong niya. "Parang siya na yata ang ibinigay ni Lord sa 'kin."


"Naririnig pa rin kita," parinig ko.

"Ah sorry, Miss Kissy." nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya.

How did he know my name? Kakatanong niya lang 'di ba?


Gusto kong sapuin ang sariling noo nang mapagtanto kong suot-suot ko pa ang I.D. ko. My name is there obviously.


"Ganda ng name mo," wala akong naging reaksyon. "Pero mas gaganda iyan kapag suot mo apelyido ko." okay... Now that's cheesy. I shouldn't be talking to this idiot.


May tumigil na jeep kaya agad akong sumakay pero putek! Sumakay din siya! Saang building ba siya nagtatrabaho at ngayon ko lang ata siya nakitang nag-aabang sa waiting shed? Baka construction worker?


Sa kabila ng building na pinagtatrabahoan ko ay isang construction site!


Not that I am downgrading this man beside me but no way, I won't settle for this kind of man.

Umusog ako palayo dahil may bakante pa.


I can't stop but to glance at him especially when he is struggling to get coins in his purse. Nahulog pa ang ilang piso kaya napapikit ako sa kahihiyan. Agaran siyang tinulongan ng ibang pasahero lalo na 'yung mga kababaihan na sa tingin ko ay highschool.

"Salamat," nakangiting sabi niya sa tumulong sa kaniya. Tiningnan niya ako kaya mabilis akong tumingin sa unahan. "Ako na babayad sa pamasahe mo, Miss."

Diyosko...


Napilitan akong tingnan siya ulit. "Hehehe ayos lang. Ako nalang." tanggi ko sabay pilit na ngiti.

"Tanggapin mo na, Ateng. Umi-effort si Sir Gwapo sa iyo oh." at sinong nagsabing pwedeng umepal ang babaeng 'to sa amin?

Gusto kong mapabuga ng apoy sa inis.


Nginitian ko na naman ng pilit ang lalaki na nakangising-aso na ngayon. "Okay. Ikaw na magbayad ng pamasahe. Baka gusto mong ibigay mo na lahat ng pera mo sa 'kin?" biro iyon pero parang pinersonal yata iyon ng mga nakarinig.


Tumawa siya. "Nangho-holdup ka, Miss? Baka pwede mo ring holdapin puso ko. Tiyak susuko talaga 'to,"

At nag-ugongan ang lahat.

Shit! He is so cheesy! Gosh! Pwedeng bumaba nalang ako?


"Pamasahe po, Kuya. Dalawa makukuha niyan. Sa akin at ng magiging asawa ko." sinadya niya pang hindi sa akin iabot ang pera.

Napapairap nalang ako sa gilid.

Who is this guy by the way?

Peter JeremiahWhere stories live. Discover now