Chapter 2

6 0 0
                                    

Sometimes... You just have to relax and tell yourself that it's fine.

Chapter 2.

Panyo.


"Ano gusto mo? Pwede tayong kumain do'n. O pwede doon?" tanong niya habang turo nang turo sa mga mamahaling kainan na makikita namin.


Bumuntong-hininga ako. Walang plano sumagot.


I just want to breathe some air for the meantime. Pero sinisira naman ng kasama ko ngayon. Tumigil ako kaya natigil rin siya sa paglalakad. He looked at me. Masama ko siyang tiningnan.


"Pwede bang tumahimik ka muna? Kahit 1 minute lang?"


Kumurap siya. "Maingay ba ako?"


Oo! Grabe, napakaingay mo.


I restrained myself to say that. Tipid akong tumango kaya napanguso siya. "Lumabas ako para lumanghap ng hangin at mangalap ng peace of mind. Maintindihan mo sana," pilit akong ngumiti at patagong umirap.


Hindi siya nagsalita kaya nakahinga ako nang maluwag. We continued to walk.


I can feel he kept glancing at me while we are walking. Hindi ko rin maiwasang mapasulyap din sa kaniya. Ngayong katabi ko na siyang naglalakad ay may napansin na naman ako. May maliit siyang nunal sa gilid ng kaniyang mata. He is attractive and knowing that I am his first crush, that's a bit absurd. Natatawa ako.


Imposibleng walang naging nobya ang lalaking 'to kahit ang ingay. Palagi nga siyang laman sa chismis sa trabaho dahil sa mukha at tindig niya.


'Di naman sa rare ang features niya pero dahil nasa Pilipinas kami, madalang lang kaming makakita ng ganitong klaseng mukha. Matangos ang ilong niya, malalim ang mata at makapal ang pilik-mata at kilay.


While in the middle of praising the weird guy beside me, I can feel his hand unintentionally touches my hand. Umusog ako nang kaunti habang naglalakad kami.


"You can talk now," I commanded after half of an hour of refreshing my mind and he blowed a large breathe and crept a big smile.


"Salamat naman..." he sighed in relief. "So saan mo gustong kumain?"


Lumingon-lingon ako sa paligid at napunta nga ang mata ko sa isang mamahalin na restaurant. I immediately point it using my index finger. "Hindi pa ako nakakain diyan... Gusto ko sumubok."


Nilingon niya ito at bahagyang tumagilid ang kaniyang ulo. "Mura lang ang mga pagkain diyan," edi siya na ang mayaman sa lahat ng mayaman.


Umirap na naman ako.


"Doon tayo kumain," I firmly said and he nodded.


Tumawid kami sa kalsada at pumasok sa restaurant na tinuro ko. Ah... The ambiance of this place is too wonderful. May sumalubong sa amin na isang waiter at nang makita niya kung sino ang kasama ko, dinala niya kami sa isang private room.


Sinulyapan ko si Jeremiah na tahimik lang na nagmamasid.


"Ang tahimik mo. Parang kanina hindi mo 'ko dinidisturbo sa kaingayan mo," sabi ko habang pumipili ng dish sa menu.


"Hindi ko na feel maging maingay," ngusong tugon niya.


Tinaasan ko siya ng isang kilay. "At bakit naman?"


"Kasi feel ko lang,"


Ang weird niya talaga. Baka may bipolar disorder siya kaya siya nagkakaganito ngayon. Takot pa naman ako sa mga ganoon. Jusko!


Peter JeremiahWhere stories live. Discover now