Chapter 5

2 0 0
                                    

Try to let go of the things that brought pain to you.

Chapter 5.

Elevator.


Nagiging madalas na ang paglapit ni Jeremiah sa cubicle ko at dahil do'n, araw-araw na akong pinagtsi-chismisan ng mga katrabaho ko. Mabuti at hindi sumasali ang head namin sa pakikipag-chismis kaya doon ako sa kaniya pumupunta sa tuwing may kailangan ako.


I sighed as I went out from the pantry.


Pero natigilan rin nang makitang may papasok din. It was Nando who looked fresh in his suit.


"Good morning, Accountant Madrigal." bati ko at bahagyang yumuko.


"Kayo na ba ni Sir Maia?" 'di ko inasahan na iyon agad ang itatanong niya.


Tinitigan ko siya diretso sa mata. "Why are you asking?"


"Hindi ba pwede?"


I gasped, was shocked to hear him say those. "You know what? It's none of your business kung kami man ni Jeremiah o hindi." inis na sabi ko.


He looked at me with a serious expression. "Nag-aalala lang ako--" I cut him off.


"Don't be. Hindi na ako gaya noon na nagpapanggap na matapang," sambit ko at sarkastikong napangisi. "Salamat sa pag-aalala pero kaya ko na ang sarili ko ngayon." nilagpasan ko siya at sinadyang bunggoin ang kaniyang balikat. That was unprofessional but I don't care.


Huminga ako nang napakalalim at dire-diretsong bumalik sa cubicle ko. My work is almost finish at napag-usapan namin ni Jeremiah na kakain kami sa labas pagkatapos ng trabaho.


Gritting my teeth, I texted him that I wouldn't go. Agad siyang nag-reply.


From: Jeremiah

Huh? Bakit nagbago isip mo?


Mariin akong napapikit.


To: Jeremiah

Sorry pero sumama kasi ang pakiramdam ko. Hehe... Sa susunod nalang siguro.

Sent.


From: Jeremiah

Ihahatid kita


Napalunok ako at sinandal ang ulo sa lamesa. I closed my eyes and took a deep breathe. Hindi ko kayang harapin si Nando... Paano pa kaya kung silang lahat na ang haharapin ko? Do I owe them an apology? My pride won't let that happen...


Sumikip ang dibdib ko nang maisip na masyado ko nang pinapahirapan ang sarili ko. Napagod na ako kakahabol sa kanila eh...


Hindi ba pwedeng sila naman ang humabol sa akin ngayon?


I bit my lower lip when memories flashed to my mind. Grade 11 kami no'n at abala sa mga projects na dapat nang ipasa bago ang finals.


"Sabay ako sa inyo pauwi," nakangiting sabi ko kay Nando at kay Jat.


Napakamot sa pisngi si Jat, tila nag-aalala. "Uh... Ano kasi, Kissy. Matatagalan pa kasi kami dito. Mauna ka na siguro."


Kumurap ako. "Wala akong kasama pauwi eh. Pwede ko naman kayong hintayin," nakangiti pa rin kahit nararamdaman ko nang ayaw nila akong makasama pauwi.


"Ikaw ang bahala..." pilit na ngumiti si Jat sa akin.


Para akong nakahinga nang maluwag sa sinaad niya kaya umupo ako sa may gilid ng computer lab para maghintay sa kanila. Pansin kong hindi nila dinala ang mga bag nila kaya nagpresinta akong ako na ang kukuha sa kanilang classroom.


Peter JeremiahWhere stories live. Discover now